Chapter 15

10.1K 218 4
                                    

-----------


Andito ako ngayon sa meeting ng set para sa gaganapin na commercial chuchu ng Royal Flight Airlines . At kung tatanungin niyo ako kung bakit ako andito dahil binulabog lang naman ako ng buong advertising department na pumayag na kunin ang project. Nung una ay todo iwas at todo tanggi ako. Hindi na ako modelo at mas lalong ayoko na ng magulong buhay. Pero ang siste daig ko pa ang may buntot at lagi silang nakasunod. Nakaimbyerna! Puro paawa effect ang mga mukha nila na kesyo ako lang daw ang huling pag asa ng team nila para maisakatuparan na ang commercial na matagal na nilang pinaghahandaan.

Kaya bilang isang mabuting tao, ay pumayag na din ako. But just this one. Hindi na ako muling tatanggap pa muli ng ibang project. Sumang ayon naman sila kaya, right after nun pinapirmahan na agad sakin ang contract. Three months contract lang yun at based naman sa nilalaman ng kontrata ay hindi na din akong lugi. Malaking halaga din ang makukuha ko kaya may pangdadag sa savings ko sa banko.

When i say malaking halaga. I'm talking about six digits here. After all I'm Erin Heatherton The Goddess of Modeling and The Epitome Of Beauty.

After kong makapirma ng kontrata at saka ko sinabi sa magaling kong boss. Hindi kasi kami nakapag usap ng maigi last time. While talking kasi o rather pag sisigawan namin ng boss Kong magaling ay umamin na ako. Well napilitan akong umamin. Umamin na ako at si Erin Heatherton ay iisa.Kaya ang ending iniwan ko siya dun. Alam kong galit na galit ito. Pero hindi kasi ako mapakali kung paano sisimulan.

What's the use in denying? Right? At saka as if naman mababago pa nun ang nakaraan. Tapos na yon. At hindi naman big deal yun para sakin. Kaya nagtataka nga ako kung bakit affected much siya sa nalaman. Na animo nakagawa ako ng isang krimen.Sa hinagap nga ay hindi ko aakalain na posessive pala ito. Pag mamay ari niya daw ako kaya wala daw karapatan ang iba na makita ang katawan ko. See?


Kung hindi ko lang alam ang totoong stados namin ay aakalain kong nag seselos ito. But i know better. Hindi agad agad ito magseselos. Sino ba ako sa akala ko! I'm just a nobody. Yes! Sa iba maybe I'm somebody. Pero sa kanya I'm no one.

Tutol na tutol din ito sa pag payag ko na maging lead ng commercial na gaganapin. Kaso wala na eh nakapirma na ako. At haller! Hindi ko naman ito ginusto. Nag magandang loob lamang ako. Syempre isa kasi akong mabait na mamayanan ng lipunan.

"Ms. Erin" napaigtad naman ako ng bigla akong kalabitin ng isang babae. Nakita kong ang lahat ng team ng advertising ay nakatingin sakin. "What?" patay malisya kong tanong. Hindi ko alam na nawala pala ako sa realidad sa pag babalik tanaw ko.

"Ms. Erin narito po ang list ng cast sa commercial. Gusto po kasi ng director na mapalagayan niyo ng loob ang lead man sa role." imporma nito sakin

Tumango naman ako, at iniiscan ang papel na hawak ko. Napatigil ako sa pagbasa ng name ng cast ng makita ko ang lead man sa commercial. "Holy sht."

"I'm sorry, I'm late" nakarinig ako ng pangsinghap mula sa mga babae sa team. Sino ba naman ang hindi mapapasinghap talaga naman gwapo ng loko. May maipag mamayabang ika nga nila.

Hindi ko na kailangan tingnan ito. Boses palang ay kilala ko na ito. The one and only Zeus Davids. Tumalikod gamit ang swivel chair ko kaya for sure na hindi pa niya ako nakikita. At sa mga oras na ito ay gusto kong tumakbo palayo dito. Ayoko sariwain ang nakaraan. Feeling ko kasi ay di ko deserve ang ganun treatment. I mean. Hello! Modelo nga ako ng mga lingerie pero matino akong babae. Hindi ako who.re or bit.chy na pwedeng pagpustahan nalang. Pero oo nga pla quits na kami. Kasi I dump him. Hard.So hard that he can imagine. Napailing nalang ako sa naisip.Haist!!

"Did I miss something important?" tanung ni Zeus Davids.

"No. Wala pa naman po. Mr. Zeus." sagot ng babaeng katabi ko kanina na kumulbit sakin. Tiningnan ko ang ID nito. Her name is Trina Zalasar.

"Oh. Good" rinig kong ambit nito


Naramdaman ko naglakad ito palapit sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Rectangle kasi ang mesa at napapalibutan ng twenty seaters. Umikot ako at tiningnan ang kabuuan nito. Still the same Zeus Davids that i know! Just like before. Pero mas Gumwapo pa ito sa clean cut hair. Naka shade pa ito at may scarf na nakapatong sa shoulder habang naka maong na jacket na kulay grey. Sa pangloob ay naka black shirt at naka pantalon din. Cool na cool itong umupo at nilinbot ang tingin sa buong place sabay tanggal ng shades nito at binaba sa mesa. Until he met my eyes.

"Erin?" shocked was literally seen on his handsome face. Bilog na bilog din ang mata nito na animo di makapaniwala.

"It's you. It's really you" tumayo ito bigla at tinahak ang pwesto ko sabay akap na akala mong ang tagal naming hindi nakita. Well medyo matagal na nga almost 1 year na ang nag daan.

Hindi ako nakapag salita dahil sa biglaan nitong pag akap. At hindi na rin akon makahinga dahil sa higpit ng akap nito. "Wait-- hindi ako.. Makahinga" nahihirapan na saad ko.

"Oops. Sorry. Can't help it. Kamusta ka na? Anung nangyari at ang tagal mong nawala? Didn't you miss me? Kasi ako miss na miss na kita. Hindi kita mahanap after that. After that night." dare-daretso nitong sabi, nababakas din sa boses nito ang kalungkutan.

"Ha?" hindi ko alam kung maniniwala ako dito. Anong ka artehan naman ang gustong ipalabas nito. Na ako ang masama? Na ako ang nang iwan. Pwes! Nagkakamali siya. This play is my game. And i don't intend to lose.


"Ngayon nakita na ulit kita, hinding hindi na kita pakakawalan pa." nakangising bulong nito.

Gusto kong manapak dahil feeling ko iniinvade na niya ang personal space ko. When i said personal space, literal na space ang sinasabi ko, because he is too close at konting kabig nalang ay mahahalkan na niya ako.

I regrain mg posture. "In your dreams" ganting bulong ko dito.

"Yes sweety! In my dreams you are mine. And in reality you are also mine. Mine alone. I goal to get what is mine" seryosong bulong ulit nito na nakapag pasinghap sakin.

"You--- hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng kinabig ako nito at hinalikan sa labi. I can smell his mint breath. Narinig ko ang bulong bulungan ng tao sa paligid. .

"What the fudge!!--- hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang may humatak kay Zeus palayo sakin. Sabay suntok ng kung sino man dito. Medyo nagkagulo na ang tao sa pag awat rito.

Ruel?

Paanong napunta ito dito? Ang alam ko ay tambak ang gawain nito sa opisina kaya hindi makakapunta. "She's mine, you jerk!" singhal ng boss ko kay Zeus. Ngumisi lamang ito at parang cool na cool padin na tumayo mula sa pag kakasuntok.

"She's mine first. So technically. She's mine. So back off dude!" ganting bigkas naman ni Zeus.


Napasinghap ang buong team dahil sa relebasyon ng dalawang Greek God na nasa harapan namin. Yung totoo? Gaano na ba kahaba ang buhok ko? Natalbugan ko na ata ni Rapunzel sa haba ng hair ko. At bago pa ako makahuma ay hinila ako plabas ng isa sa mga ito.

ARE YOU GOOD IN BED? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon