Chapter 6

15K 322 8
                                    

"Hop in"

Nagpalingon-lingon ako sa kabilaang side ko. Oh? Wala namang tao. Sino kausap ng boss kong pinaglihi kay sa.ta.nas.

Hindi ko ito pinansin at nag palinga-linga para makahanap ng taxing masasakyan. Alas otso na ng gabi. Natural ay late pa rin siya nito pinauwi. Akala ko pa naman ay magiging maayos na ang pakikisama nito na dineklara sa nanay niya na liligawan ito. Pero hindi padin. Mas naging masahol pa nga. Yeah. I know na hindi iyon totoo. Pero may bahagi ng puso ko na sana. Sana totoo nalang.

Sana ako na lang. Sana ako padin. Ay putik! Favorite line ko yan ni Basha kay popoy sa One More Chance. Ang ganda kasi ng story na iyon. Nakakakilig!

"Aahh!!"

Nagulat ako ng bigla akong buhatin na parang sako nitong boss ko. "Ano bang problema mo?" sigaw ko dito. At kung minamalas ka nga naman wala man lang tao sa paligid na pwede kong mahingian ng tulong. Tsk.

"You will come with me" seryoso nitong sabi


"What? No. Hindi pwede. Ano ba uuwi na ako. At baka hinahanap na ako ni nanay" pagpupuniglas ko

Pinasok ako nito sa loob ng sasakyan. At bago pa makapasok ang boss kong herodes ay bubuksan ko sana ang pinto. "Ah. Bakit nakalock?" frustrated kong sabi


"Planning to escape?" nakangisi nitong saad at inistart na ang sasakyan.


"Alam mo bang kidnap to? Saan mo ba ako balak dalhin? Ano ba problema mo? Ano? Bakit hindi ka sumagot dyan? Anooo? Na pipi ka na ba ha? Ha?" mahaba kong lintanya. Aba! Hindi naman pwepwede na basta basta nalang akong dalhin nitong gwapo kong boss na pinaglihi kay demon. Long for demonyo.

"Ano? Bakit di ka sumagot dyan?" baling ko dito. Pero natakot naman ako sa mata nitong nanlilisik at anytime pwede na akong ipaton sa south pole. I swallow hard. Okay. Naku Ash lalo mo pa ata ginalit. What to do. What to do. Lord. Please help me!

Lalo nitong binilisan ang pagpapatakbo sa kotse nito hanggang sa mapadpad na kami sa daan na wala ng halos makitang kabahayan. Naku. Tama nga ang kutob ko. Mukha isasalvage na ako ng boss ko. Lalo akong kinabahan sa pwedeng mangayari. Fck. Ayokong mamatay ng virgin!. Hindi ko man lang ba matitikman ang biyaya ng diyos. No! Hindi pwede.


"Sa--saan mo ako dadalhin?" halos mautal kong sabi. "Boss. Kung may nagawa po akong kasalan kahit alam kong wala. Wag mo akong papatayin. Promise. Mumultuhin kita." pagbabanta ko pa.

"At saka. Hindi pa ako pwedeng mamatay!!" dagdag ko pa

Waah! Hindi pa ako pwedeng mamatay. Sa ganda kong ito. Madami ang magluluksa kung magkataon. Di na nila masisilayan ang alindog ko. "Sige na boss. Parang awa mo na. Kahit ano gagawin ko para lang mabuhay" pagdradrama ko. Kasu ayaw yumulo ng luha ko para mas convincing. Putik! Kung kailan ko kailangan ko ng luha ayaw makisama.

"Really? Anything?" nakangisi nitong tugon.

"O--po Boss.. Kahit ano. Kahit tumawid pa ako sa alambre, o kaya naman ay kumain ng buhay na manok. Oh kaya mag buga ng apoy. Basta wag mo lang akong chop-chopin at isalvage at gawin fertilizers ng mga halaman." walang preno kong alintanya.

"Pft. Hahaha. Okay." sobrang ngiti nitong sagot

Putcha! Papatayin na nga ako di ko pa din maiwasan na mamangha sa taong ito. Imagine, he laugh. Oh my god! End of the world na... Huhu

"." waaah! Ayokong mamatay ng ganto. Kailangan nadeflower muna ako bago gumunaw ang mundo.

"Pero boss. Pwede bang mag request?" tanong ko out of nowhere.

"What request?" he still grinning like an idiot. Pero promise. Hindi man lang napingasan ang kagwapuhan nito.

"Kung mamatay din man ako. Pwedeng. Maka score?" pikit mata kong tanong.

"What score?"

Sh.it anong score ba ang pinagsasabi ko. Putik. Ang hirap iexplain. "Ahm ano bossing. Parang ano.. Parang pwedeng pa you know" aist. Hindi ko talaga masabi. Ano ba yan nabubulol at namemental block ata ako.

Sinusulyapan ako nito habang nag mamaneho. At puro pilapil nalang ang naaninag ko gamit ang ilaw ng sasakyan nito. Fck. Malapit na ang hantungan ko. Hindi pwede ito. "Boss. Pwedeng pa s.e.x?" sa pagbitaw ko ng salitang iyon ay siya naman preno nito. Kaya ang ending napaangat ako sabay balik ng katawan ko sa upuan ko. Buti nalang naka seatbelt ako. Kung hindi. Baka ang pangit ko naman kapag ililibing na ako. Naku. Ayaw ko ng ganung ending.

Tinitigan ako nito ng mabuti. Na para bang tinubuan ako ng tatlong ulo. Bakit? May mali ba sa sinsabi ko? Wala naman ah. Wala kaya akong naiisip na magandang alaala kapag ako ay pumanaw na.

"Tsk. Are you g.ood in bed?" akala ko hindi na magsasalita ito. Pero natutop ko ang bibig ko. What?! Anong are you good in bed? Eh hindi ko pa nga na eexprience eh. Pero syempre. Hindi ako papahalata. Baka maudlot pa ang happy ending ko pag nagkataon. "Remember? Im a s.e.x expe.rt?" medyo alanganin kong sagot.

"Oh? Tsk. Let's see" seryoso nitong sagot na hindi ko tinitingnan at daretso lang sa pagmamaneho.

Oh! Fck. Let's wait and see. Jusko po. Gabayan niyo sana ako. Taimtim kong hiling...

-----------

ARE YOU GOOD IN BED? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon