Prologue

6.9K 148 38
                                    

Prologue

In my life, only blood takes place. I don't believe in family. I don't believe in friends. I don't care for others. I don't love. I was taught to only let my emotions out in front of a mirror, to not let others take advantage of what they can see in me-- even myself. I don't know why. But maybe because even if I stare in front of a million mirrors, I wouldn't still see anything. I wouldn't see how weak I am.

My father doesn't want me to interact with anyone in the palace. He told me once that I should always pull myself up because I am the next Queen of this Kingdom. But who cares? Kahit naman ayaw niya, ginawa ko pa rin. Kahit rin naman kasi ayaw kong patayin niya si Mom, ginawa niya pa rin.

"Roanna!" Someone called out na nakapagpabalik sa'kin sa kasalukuyan. I looked at him in confusion. He seems happy. Bigla bigla lang rin kasi siyang pumasok dito sa kwarto ko. Paano kung makita siya ng mga kawal?

"What is it, Aerith?" Mataray na tanong ko sa kanya. Sanay na naman siya sakin. I was always like this lalo na sa kanya. Siya lang rin naman kasi ang kaibigan ko rito sa palasyo. Tapos patago pa kung makapag-usap kami. We are just like a couple, hiding from my monster father. But eew, what am I even thinking? Couple? Yuck!

"Pabalik na raw ang hari galing sa Lairhart Kingdom." Masiglang sabi niya. Tumaas ang kilay ko dahil sa expression ng mukha niya habang sinasabi 'yon.

"Bakit mukhang ang saya saya mo pa? Ano bang akala mo? May dalang pasalubong sayo ang hari?" I asked irritatingly. Kung makapagdiwang naman kasi akala mo close sila ng tatay ko e. Hindi naman.

Hindi nawala ang ngiti sa mukha niya. "Panalo kasi tayo. Satin na ang buong Otherworld." He stated.

I nodded. "Ohh." Napadungaw ako sa bintana ng kwarto ko at napatingin sa baba. They are all busy sa paparating na si Dad. My life here sucks. Dugo na nga lang yata ang nagpapagalaw sa'kin. But being his daughter more suck.

"Oh? Oh lang ang sagot mo? Hindi ka ba natutuwa?" I can feel Aerith's scrutinizing look but I didn't look back at him.

I just shook my head and smirked. "Ano namang gagawin ko sa buong Otherworld? Tataniman ko ng mga puno na naglalabas ng dugo?" Humarap ako sa kanya. "If that's the case then I'll be more than willing to celebrate."

Natahimik siya, and then suddenly, he just laughed like there's no tomorrow. He's really a jerk!

"Lumayas ka na nga dito before I throw you out of this window." I said habang umiiling. Bwisit talaga ang isang ito. Bakit ba kasi siya pa ang naging kaibigan ko sa palasyong 'to.

"Sure, vampire princess." He then winked at me before going out of my room. 'Siraulo.' I whispered. Sinadya ko talagang bumulong dahil alam ko namang maririnig niya 'yon. Narinig ko nalang ang tawa niya pagkatapos.

I felt hungry so I've decided to go out of the palace. Pero sakto namang papalabas na ako nang biglang magsigawan ang mga vampires sa paligid. They were shouting like hell na nakapagpairita sa'kin. Huminto ako sa paglakad at tinignan ang malalaking gate na pabukas. Nandito na pala ang magaling kong ama.

"Long live King Leo! Long live Arunafeltz Kingdom!" Sabay sabay silang sumisigaw ng paulir ulit habang nakaabang kay Dad at sa mga kasama nito. Pagbukas na pagbukas ng gate ng palasyo, sabay sabay naman silang lumuhod bilang paggalang. While me? I'm just staring at my father's face. He's smirking while looking at his people.

May mga kasama pa siyang Vampire Army na mga nakaligtas sa pag-atake habang may mga hawak silang mga taga-Lairhart. Iba't ibang race. Sa tingin ko, gagawin na namang slaves ni Dad ang mga 'yon. Poor them.

Napatingin naman ako sa isang lalaking matangkad ang nasa tabi ni Dad habang cold na nakatingin sa mga Vampire na nakayuko. My forehead creased while looking at him. He doesn't look familiar. Pero kung titigan, para siyang kanang-kamay ni Dad. Ngayon ko lang rin siya nakita.

He suddenly looked at me kaya nagulat ako. Kahit malayo ako sa kinatatayuan nila, ramdam na ramdam ko ang coldness sa mga mata niya. Like he could kill someone na yon lang ang gamit. Creepy.

I shifted my gaze at nag-umpisang pumasok nalang ulit sa palasyo. Ayokong makipagtitigan sa kanya ng matagal. Hindi ko naman siya kilala. Isa pa, nawala na rin kasi ang gutom ko.

--

I've just stayed in my room hanggang sa matahimik sa baba. Nagkaroon kasi sila ng party at alam naman nilang hindi ako masyadong nakikisalamuha kaya wala nang nag-abalang papuntahin ako don. Good thing narin dahil walang mangungulit sa'kin. I'm 100% sure na nandoon rin si Aerith.

Dahil hindi ako nakakain kanina, gutom na gutom na ako ngayon. Bwisit lang rin talaga si Aerith dahil hindi manlang niya ako dinalhan ng pagkain dito sa kwarto ko. Anong klase siyang kaibigan?

Lumabas ako sa kwarto at naghanap ng kawal para makapagpakuha ako ng pagkain pero kung sinuswerte ka nga naman, wala pang kawal dito. Masyado naman yata silang napapanatag porket wala na ang hari at reyna ng Lairhart?

"I hate this life!" I hissed.

Naglakad ako para makababa pero bago ako makarating sa hagdan, nadaanan ko pa muna ang office ni Dad. Dito siya lagi nagsi-stay kapag nandito sa palasyo. At since tapos na ang party sa Great Hall nandito na siya. Pero hindi iyon ang pumukaw ng atensyon ko, kung hindi ang isa pang boses na narinig ko sa loob.

"Tss. Why did you even drag me here?" A cold voice asked. He's a guy. His voice is not familiar and it gives me creeps dahil sa sobrang cold nun.

Agad kong tinanggal ang suot kong heels para makapaglakad ako nang hindi namamalayan ni Dad. Mabilis ko rin iyong tinapon mula sa top floor pababa para akalain niyang tumalon lang ako mula sa taas.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto ng office niya para mas marinig ko pa sila ng maayos.

"You know I can't do that, Viex Zaffre." There was a pause pero ramdam na ramdam ko ang kademonyohan sa way palang ng pagsasalita ng tatay ko. "I've promised your real parents that I will take care of you. Inumpisahan ko yon sa pagbawi sayo mula sa mga pumatay sa mga magulang mo."

Parents? Viex Zaffre? Who is he?

"I don't care about your fucking promise." Hindi siya galit at hindi rin malumanay nang sabihin niya 'yon. It's neutral. Ang hirap niyang basahin.

My father laughed devilishly. "You really are a cold beast. A real Slayer."

Slayer? Kumunot ang noo ko habang inaalala kung saan ko narinig ang bagay na 'yon.

"Roanna, makinig ka nga sakin." Nangungulit na sabi ni Aerith habang ako naman, nakatingin lang sa isang White Dragon na naputulan ng pakpak. "Hoy, makinig ka muna sakin."

Hindi ko siya pinansin at nagfocus sa pag-iisip kung paano ko babalatan ng buhay yung White Dragon. I can smell the delicious blood running through its veins. It was just so enticing.

"Roanna!" Sigaw nung isa. Nagulat naman yung White Dragon kaya mabilis itong tumakbo paalis. What the?

"Ano ba?! Napakaingay mo! Umalis tuloy yung White Dragon!" Bulyaw ko agad sa kanya na as usual, tinawanan lang niya. Ang sarap talagang tanggalan ng ulo nitong lalaking 'to.

"Sorry na. Ayaw mo kasi akong pansinin." Sabi pa rin niya habang tumatawa.

I rolled my eyes at him. "Ano ba kasi yon?"

"May narinig kasi ako na pinag-uusapan nila Leader Safio at King Leo." Kumunot agad ang noo ko. Tsismoso rin 'to e. Nakinig pa sa usapan. Wala naman akong pakialam dun.

"Then?" Mataray na tanong ko.

"Alam mo ba yung Slayer?" Tanong niya. I shook my head. "Ang alam ko sila yung mga mortal na gustong maging isa sa'ting mga Welshes. Ang kaso, nung inumpisahan nila ang rituwal para maging isa sila sa'tin, nagalit ang kalikasan kaya sinumpa sila. But then, they became the most powerful race in the otherworld na natitrigger ng pagiging wala nila sa katinuan. Pero meron rin naman daw matitino sa kanila. At dahil na rin sa makapangyarihan nga sila, they became a threat for the whole Otherworld kaya inumpisahan silang i-eliminate hanggang sa maging extinct sila." Tuloy tuloy na kwento niya. I don't get the logic of telling these to me. Ano namang gagawin ko sa Slayers na yan?

"And so? Anong kinalaman ng pagtataboy mo sa pagkain ko sa Slayers na yan?" Nabubwisit talaga ako sa isang ito.

Tumawa na naman siya. "Ang sabi kasi ni Leader Safio, may natitira pa raw Slayer dito sa Otherworld. At nasa Lairhart Kingdom daw siya." Tumango ako at naghintay pa sa sasabihin niya. "Ang alam ko yun din ang isa sa mga dahilan kung bakit sila sasalakay sa Lairhart. Para makuha yung Slayer."

"Bakit naman nila gustong makuha 'yon?" Takhang tanong ko. Ano na namang binabalak ni Dad?their

Nagkibit balikat lang si Aerith kaya hindi na ako nagtanong.

Slayer. I said at the back of my mind. So siya yung slayer na gustong kunin nila Dad sa Lairhart? Bakit naman? There's nothing special about this guys except from the fact that he's so damn cold.

"Stating the obvious doesn't make you a great leader." He, again, stated cloldly. Tumawa lang ulit si Dad. He's really enjoying this conversation with this cold guy.

"I'll offer you a deal." My Dad said. That Viex Zaffre guy didn't respond kaya nagpatuloy si Dad sa sinasabi niya. "Help me find and kill the Lairhart's heiress and I'll have you as the next King of this world."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi sa interesado akong maging reyna kung hindi dahil nakikipagdeal pa siya gamit ang pagiging hari para lang mahanap ang prinsesa. Baliw ba ang tatay ko?

"What's the catch?" Viex Zaffre asked after a long pause. Mukhang nag-isip pa siya bago sumagot.

"I've told you already. Her father killed your whole race. You can have your revenge on her and be the otherworld's King at the same time."

I smirked knowing na malabong totohanin ng tatay ko ang mga sinabi niya. He's just greedy like that.

Aalis na sana ako nang marinig ko ang response nung Viex Zaffre.

"Deal."

Stupid ass. You don't know what you're getting into.

------xx-----

A/N: hindi ko alam kung magiging mabilis update nito pero ngayon palang sinasabi ko nang magiging matagal. Hahahahaha! :) Busy kasi ako kaso di ko talaga mapigilang di mag-isip about these two. Kaya ayan. Don't expect too much from these, Welshes. Kung matagal mag-ud sa TLW, baka mas matagal dito. Yun lang lablab!

~Alee

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Vampire's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon