Chapter 5** Meet ms.Tapia..

1.2K 20 2
                                    

PARA SA PINAKA-PINAKA FAV. KONG AUTHOR..hehe

napaka ganda po ng mga stowi niya sinubaybayan ko talaga..

try nio din..

MY HUSBAND IS MY EX FIANCE'S BROTHER.,???

Chapter 5** Meet ms.Tapia...

MONIQUE POV

TAHIMIK kong kinakastigo ang sarili ko habang lulan ako ng taxi at bibagtas ang daan papunta sa Makati kung saan matatagpuan ang Gallego Incorporated.

 

"Manong, wala na ho bang ibibilis itong taxi ninyo?" naiiritang tanong ko sa driver.

"May ibibilis pa, Miss. Ang kaso, sa sobrang trafic eh, hindi ako pwedeng umarangkada," sabi nito na halatang nainis din sa paraang ng pag tatanong ko.

Napakamot ako ng ulo.

"Ang tanga-tanga mo kasi, Monique. Alam mo namang may lakad ka ngayong umaga. Saka mo pa kinalimutang i-set ang alarm clock mo," sermon ko sa sarili ko.

Halos tatlong minuto pa ang lumipas bago ko naratinga ang Gallego Inc.

Inabot ko sa driver ang bayad at nag mamadali akong bumaba ng taxi.

"Ayyyy" malakas na sabi ko nang matapilok ako bago pa man makapasok sa loob ng building.

 

"Miss, ok ka lang?" tanong sakin ng gwardiya.

'ikaw kaya ang matapilok, maging okay ka kay?' ngalingali kong isagot.

Mabuti na lang at nnaisip konh wala sa lugar kung magtataray ako. Nag aalala na nga siya sakin, tatarayan ko pa.

"Okay lang ho ako" sabi ko na lang. Pag tayo ko ay muntik nanaman akong matumba. Mabuti nalang at naka hawak ako sa glass door.

"Damn!" Hindi ko napigilan ang sarili na mapamura nang makitang naputol ang takong ng sapatos ko.

Hinubad ko iyon at tinitigan. Gusto kong maiyak. Kung bakit noon pa nangyari sa kanya ang kamalasang iyon.

My Husband is My Ex Fiance's Brother..???( ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon