Pink II

447 21 20
                                    

Paano?

Paano?

Hindi ako nakatulog at hindi ko rin nasagot ang tanong ko kung papaano na... Ngayon.

Umaga na at parang zombie akong gumayak papasok sa University.

Dumaan ang buong mag-araw na wala ako sa sarili.

Nakatingin sa malayo.

Feeling ko nga nagbakasyon ang kaluluwa ko dahil sa kahihiyang inabot ko kahapon.

Required daw kaming manuod ng pageant sabi ng Accounting professor namin. Pero hindi na ako manunuod.

Hiyang hiya na ako. Ayok-

''BESTFRIEND!!!!!!!'' Sigaw ni Mimi. Tumakbo siya palapit sa akin. Papalabas na kasi ako ng school. Wala na talaga akong balak manuod.

''Oh?'' Sabi ko ng makalapit siya sa akin. Hindi naman ako galit sa kanya. Gusto ko lang talaga siyang konsensyahin. HAHAHA!

''Hindi effective sa akin iyang pag-iinarte mo Fem ah. Uuwi ka na? Hindi mo ba papanuorin ang talent at Q and A portion at coronation ng Mr. and Ms. COA? Ikaw din, hindi mo makikita si Kevin na kakanta. Balita ko yung favorite song mo pa daw na Out of My League yung kakantahin niya. Ayy, saying talaga! Oh sige. Ba-bye! Baka hindi ko maabutan si Papa Kenneth, sasayaw pa naman yun ng ChaCha! Chacharap, ang buhay. Sa Chachacha with dabarkads! Chacharap chacharap ang charap magchacha! Whoooooo! Chacharap!'' At tinalikuran na ako ng bruha at nagsimula ng magchacha patungong gym. Hindi man lang ako pinilit ng bruha!

''Oy, Bestfriend!''

''Oh?'' Siya naman po ang nag-inarte ngayon.

''Manonood na rin ako!''

Nakarating na kami sa gym.

Buti naman at may mauupuan pa kami. Hindi masyadong malapit sa stage, pero hindi din nman kalayuan. Nagpareserve kasi ng upuan tong si Mimi. Alam daw niya na hindi din naman daw ako makakapagpigil lalo at nandoon si Kevin.

Nag-umpisa ng saktong alas sais ang pageant at halos mabingi na ako sa mga sigawan ng tao dito sa gym. Idagdag mo pa itong katabi ko na sa tuwing makikita si Kenneth ay daig pa ng bunganga niya ang megaphone.

Siyempre.

Ang gwapo ni Kevin.

Nagsimula ng magmodel-model ang mga candidates sa stage... Pero ang mga mata ko, sa kanya lang nakatingin.

Nakatingin lang ako.

Hindi na ako nakisigaw.

Rumampa na sila suot ang kanilang sports wear... Sumunod ang casual at corporate attire.

Ang gwapo ni Kevin.

Siya lang ang nakikita ko ng mga oras na iyon.

At parang huminto ang ang lahat ng magkatitigan ang aming mga mata.

T*ng*n*!

Mahal ko na talaga siya.

Oo.

One sided.

Oo.

Masakit.

Ang sakit sakit.

Napakurap ako ng mapansin kong bahagyang kumunot ang noo niya na para bang nagtatanong kung anong nangyari sa akin.

T*ng*n*!

Bakit kasi ngayon pa ako naaiyak.

Para naman akong tanga dito.

Love In Every Color (COMPILATION OF ONE SHOTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon