Pink Special Chapter

333 17 13
                                    

''Hmmm...''

Naalimpungatan ako nang maramdamang may humihila pababa ng naghuhumiyaw na color pink na kumot ko.

Hay, ang kulit talaga.

Hayaan na nga siya dyan.

Hindi ko na pinansin pa at tuluyan ng natanggal sa katawan ko ang naghuhumiyaw na color pink na kumot ko.

Niyakap ko ang katabi kong unan na hindi naghuhumiyaw na color pink ang kulay, at ipinagpatuloy ko ang aking pagtulog. Antok na antok pa kasi talaga ako eh.

Maya maya pa ay may naramdaman naman akong kung ano na bumabasa sa kamay ko.

Umiba ako ng pwesto ng pakakahiga. Tumagilid ako sa kaliwang bahagi ng kama ko.

Ilang sandali pa, naramdaman ko na yung kanang pisngi ko naman yung nababasa.

Hay, naku naman.

Ayaw tumigil.

Si Kev talaga.

Halik ng halik.

Hihihi! Nakakakiliti.

Dinidila dilaan na naman niya ako.

Pero...

Okay lang!

Ang cute cute naman niya eh. Hihihi!

Pero ayoko pang bumangon.

Kaya niyakap ko na lang siya.

''Shhh. Patulugin mo naman ako ng konti pa Kev. Hmmm.''

Sandali siyang tumigil.

Pero pamaya maya rin, ayan at naglilikot na naman.

''Hmmm. Kev. Mahal kong Babyyy. 5 minutes pa pleassse.''

Naglilikot siyang lalo. Pilit siyang kumakawala sa pagkakayakap ko.

''Arf! Arf! Arf!''

''Ang kulit mo talaga babyy. Hay. Gutom ka na no? Sige na nga. Hindi naman kita matitiis. Babangon na ang magandang si AKOOO.''

Bumangon na ako at bumaba na rin si Kev sa kama at paikot ikot na naglakad sa kwarto ko.

Napangiti ako. Si Kev ay ang Shizu na niregalo sa akin ni Kevin a week ago.

Yeah. Pumayag akong manligaw siya sa akin. Aba! Sino ba naman ako para tumanggi di ba? Lumuhod na ang talang iniintay ko! Hihihi!

A day after the pageant kung saan siya ang nanalo bilang Mr. College of Accountancy at si Camille bilang Ms. College of Accountancy, pumunta siya sa bahay at nagpaalam sa parents ko kung pwede siyang manliligaw sa akin.

At dahil doon! Plus 50 pogi points! Hihihi! Bihira na lang sa panahon natin yung talagang pupunta yung manliligaw sa bahay ng liniligawang babae para pormal na magpaalam sa panliligaw at makausap ang magulang nito. Aba, humaba ata ng mga two inches ang hair ko doon! Hahahaha! Ang ganda ko talaga. At yung ganda kong to ay dapat nga namang seryosohin.

Pumayag naman agad si Mom dahil kilala naman pala niya ang parents ni Kevin plus humanga pa siya sa respeto nitong ibinigay sa kanila.

Tapos itong si Dad naman, kaloka! Kung ano anong sinabi. Juskooday!

Naalala ko pa yung huli sinabi ni Dad na halos mahimatay na talaga ako!

''Hijo, usapang lalaki. Yang anak ko, mahal na mahal ko iyan. Pumapayag akong ligawan mo si Fem dahil alam nating pare pareho na patay na patay siya sa iyo. Alam kong mabuti kang tao, dahil kung hindi, siguradong pinagsamantalahan mo na ang kalokahan ng anak ko. Loka loka yan pero mabait yan. Swerte ang sinumang lalaking mamahalin niya. Subukan mong paiyakin at saktan, di ka na aabutan ng paglitaw ng buwan. Maliwanag ba? Ay, pwede mo na pala akong tawaging Papa."

Love In Every Color (COMPILATION OF ONE SHOTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon