Red I

192 5 6
                                    

Jared's POV

Mathematics.

Yan ang pinakaboring na subject. Sobrang dali lang at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa naming aralin yan.

Numbers. Kuh! Kay dali daling magbilang. Sa sobrang dali, nakakaantok!

"Oy, payatot! Gisingin mo na lang ako pag uwian na, ha?!" Siniko ko ang katabi kong mukhang palito ng posporo sa payat.

"O-oo. S-sige." Parang natatae niyang sagot. Potek! Namulta pa ang loko loko. Ano ba namang buhay to, boring na nga ang inaaral namin, tapos matatabi ka pa sa weirdo.

Hay, mas mabuti pa talagang matulog na lang.

Inilagay ko ang backpack ko sa desk para gawing unan at yumuko para matulog. Hindi pa man ako nanaginip ay may narinig na akong tumatawag sa napakagwapo kong pangalan.

"Jared Arthur Cruz!"

Napatayo ako sa gulat. Nakita kong nakapamaywang ang teacher namin sa unahan at nakataas pa ang kanyang pinatattoong kilay.

"Yes, Maam! Uwian na?" Tanong ko nang malamang siya pala ang tumawag sa napakagwapo kong pangalan. Isinukbit ko sa balikat ko ang aking bag at tiningnan ko nang may pagtataka ang mga kaklase kong nakaupo pa rin at nakatingin din sila sa akin na parang hindi sila makapaniwala.

Problema ng mga ito?

Hindi na ba sila nasanay sa kagwapuhan ko? Aba, magiisang taon na silang maswerte at palagi nilang nasisilayan ang mukha ko. Napangiti ako ng maalala ko ang taglay kong kagwapuhan, ngunit napasimangot rin ng maalala kung saan ako napunta. Bakit ba kasi napunta ako sa last section?

Inayos ko ang kwelyo ng kulay dilaw kong uniform. Napangiwi ako. Ay mali, ang dapat palang tanong ay bakit ba kasi dito pa ako inenroll ng erpat ko. Love in Every Color Academy, tunog pa lang pang bakla na! Idagdag mo pa na kulay yellow nga itong uniform, sakit sa mata! Hindi talaga nababagay ang kagwapuhan ko dito, di bale mukhang maeexpell na naman na ako. Isang offense na lang at paalam na sa mga mukhang ta-

"Tae! Sinong bumato sa akin?" Galit kong sigaw. Masakit yun ah! Nakita ko sa sahig ang pambura sa chalk na tumama sa ulo ko.

"Ako! Anong problema?" Mataray na sagot ni Ma'am.

"Ah kayo ba Ma'am! Wala namang problema, ito oh iaabot ko lang sana." Kakamot kamot sa ulo akong lumakad papunta sa harapan at ipinatanong sa desk niya yung pambura. Pagkatapos noon ay naglakad na ako paunta sa pintuan.

Nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay may biglang humawak sa tainga ko at hinila ito.

"Aray, Ma'am! Bakit ba kayo namimingot?"

"Bwisit kang bata ka! Mamatay ako sa kunsumisyon sa iyo! At talagang uuwi ka na?! Tinawag lang kita dahil mukhang alam na alam mo na ang lesson natin at nakuha mong matulog habang nagtuturo ako! Hala sige sagutin mo yang nasa blackboard! At tanggalin mo lang yang hikaw mo o baka gusto mong pingasin ko nang tuluyan ang tenga mo?" Blah blah blah! Mahaba niyang sermon at saka niya binitawan ang tainga ko. Ang sakit nun ah! Parang matatanggal na nga yung tainga ko tapos magbabanta pa siyang pipingasin to. Hinaplos ko yung tainga kong mukhang namamaga na ata. Irereklamo ko na talaga tong teacher na to. Aba, mababawasan ang kagwapuhan ko kapag natanggalan ako ng tainga!

Humarap ako sa blackboard. Bad trip! Masagutan na nga to nang makauwi na.

It takes pump A 2 hours less time that pump B to empty a swimming pool. Pump A is started at 8:00 a.m. and pump B is started at 10:00 a.m. At 12:00 p.m. 60% of the pool is empty when pump B broke down. How much time after 12:00 p.m. would it take pump A to empty the pool? 

Love In Every Color (COMPILATION OF ONE SHOTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon