CHAPTER ONE
MALAPAD na noo, sarat na malapad ang ilong at singkit na mga mata, dinagdagan pa iyon ng makapal na kilay. Sa sobrang, animo ay isang mahabang higad iyon sa mukha ng dalagita.
Namana ng unica hija niya ang lahat ng katangian ni Richard. Ganito ang nasa isip ni Maritess habang pinagmamasdan sa salamin ang kinse anyos na anak na si Ryzen. Panay ang ikot nito sa harap ng salamin, kapag may konting nagugulo sa suot nito ay agad iyong inaayos.
"Bagay ba sa akin ang suot ko, Mommy?" Siguro ay pangdalawampung beses na nitong itinanong iyon sa kanya.
Ngumiti siya. "Of course, anak. ."
Sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito. Ngunit maya maya'y nabahiran iyon ng bahagyang lungkot.
"O, bakit bigla 'ata nag-iba ang mood mo?" Nilapitan niya ito.
"Kasi kahit ano'ng gawin ko yata Mommy, hindi kita kayang pantayan pagdating sa kagandahan. You're the most beautiful woman I've ever seen!"
Natawa siya. "Pinupuri mo ba ako dahil alam mong ako ang iyong ina?" Biro niya.
Ngunit seryoso ang anyo ng dalagita. "Totoo naman po ang sinasabi ko, Mommy." Iniharap siya nito sa salamin. "Look at us, magkaibang-magkaiba ang hitsura nating dalawa. Ni hindi nga mapagkamalan ng ibang tao na mag-ina po tayo."
Pinagmasdan niya ang sariling repleksyon. Mala-anghel na mukha, mala-porselanang kutis at magandang hubog ng katawan na napanatili niya sa mahabang panahon kahit na nagkaanak siya. Ang mga katangiang iyon ang dahilan kung bakit naging isa siyang sikat na modelo nu'ng kabataan niya. Ngunit pinili niyang talikuran ang successful modelling career niya noon para sumama kay Richard, ang ama ni Ryzen. At wala siyang pinagsisihan sa pagpapakasal kay Richard dahil naging mabuting asawa at ama ito sa kanila. Wala siyang itulak-kabigin sa prinsipyo at karakter sa kabila ng hitsura nito. Hindi rin naman ganoon kayaman ang lalaki, maliit lamang ang negosyo nitong perfume company. Kaya marami talaga ang nagtaka ng pakasalan niya ito at piniling mamuhay kasama nito at ang kaisa-isang anak, si Ryzen.
Marahil, marami ang hindi naniniwala ngunit minahal niya ng husto ang lalaki higit pa sa buhay niya. Dahil dito niya lamang nakita ang lahat ng katangian at karakter na wala sa ibang lalaking nakilala at nakasalamuha niya.
Kaya ganoon na lamang ang matinding lungkot na naramdaman niya ng namatay ito dahil nakasama sa nasunog na kompanya nito. Nailigtas nito ang mga empleyadong na-trap sa loob ng opisina. Nakalabas ng buhay ang limang empleyado nito ngunit minalas na naiwan ito sa loob at tuluyang hindi na nakalabas.
Itinuring itong isang bayani ng mga nailigtas nitong empleyado, ngunit dinamdam niya iyon ng husto. Ilang taon siyang nagluksa sa pagkawala ni Richard.
Tanging si Ryzen lamang ang nagbibigay sa kanya ng tatag at lakas ng loob. Dahil inisip niyang ito na lamang natirang alaala ng asawa niya:
Inayos niya ang sarili. Noon niya ipinangako sa harap ng puntod ni Richard na gagawin ang lahat para mapalaki ng maayos si Ryzen, ang turuang lumaban sa magulong mundo.
"Mommy?"
Nabalik siya sa kasalukuyan. Napatingin siya sa anak.
"I'm sorry. Ano nga ulit ang sinasabi mo?"
Napailing-iling ito, inakbayan siya. "Mommy, I think you need a rest. Masyado na yata kayong stress sa trabaho ninyo."
Pinilit niyang ngumiti. "I'm okay, hija. Don't worry about me." Tumikhim siya. "Anyway, lagi ko yatang napapansin, panay ang pagpapaganda ng baby damulag ko, ah. May pinapagandahan ka ba sa school ninyo?"
BINABASA MO ANG
THE WAY TO YOUR HEART
RomansaHIPON! LOLLIPOP! KABAYONG TINUBUAN NG MUKHA! Naranasan mo na ba ang ganitong panlalait mula sa ibang tao? Puwes, tama sila! Dahil ito ang nobelang nababagay sa iyo! ---------------------------------------------------------<>...