Full of Love I
BRIDGE OF WISHES
"Akala ko si Vhana ang nagmamay-ari ng puso ko, ikaw lang pala."
-- Jerome MontealegreMico's POV
"Hoy! Mico, sino bang inaantay mo?" inis na tanong sa akin ni Siena. Alasingko na kasi ng hapon ay hindi pa ako umuuwi dahil inaantay ko pa si Vhana, siya lang naman ang babaeng pinakamamahal ko. Bale best friend ang turingan naming tatlo nila Siena. Pero iba ang sa akin,iba.
"Si Vhana, nasa MAPEH Room pa kasi siya, nagtetraining pa ng Table Tennis. Maya-maya lang, antayin pa natin siya hane?" pakiusap ko na nagmakaawa expression pa.
"Ayy! Iyan ka na naman ehh, dinadaan daan mo na naman ako sa mga pacute mo! Sige na nga."sabay nguso nito.
Halos sabay lang kaming umuwi nila Siena at Vhana, mas malapit lang ang bahay ni Siena samantalang si Vhana naman ay mas malayo sa bahay ko kaya naman lumalampas muna ako sa bahay namin para ihatid lang siya.
Magkakalahating oras na ng makita ko si Vhana na naglalakad sa pathway, agad ko itong nilapitan at ipinagdala na ng gamit."Bhe-st, ako na magdadala ng bag mo. Alam kong pagod na pagod ka."
"Naku! Mico, huwag na nakakahiya naman, tsaka may kasabay naman akong umuwi kaya kahit hindi mo na ako ihatid sa bahay namin.ehh okay lang." sabay ngiti nito, ang cute niya talaga.
Teka? Sino naman iyong kasabay niya? Bago iyon hah? Lagi naman ako ang naghahatid sa kanya ehh,"Talaga? Ehh, sino naman siya?"
Nagpalinga-linga pa siya bago sagutin ang tanong ko."Ohh, iyan na pala siya ehh!" sabay turo sa paparating na lalaki. Si Jhelo? Bakit siya?
"Magkakilala kayo niyan?" tanong ko na medyo nagkunot ang noo.Selos ba tong nararamdaman ko?Nakakainis naman kasi ehh.
"Oo, siya ang tutor ko sa Table Tennis." nakangiting sabi nito ulit.
"Ganon?" sabi ko na lang.
"Ohh, Bhest! Kamusta ang training?" sabat ni Jhelo, wow? Makabhest hah? Dinaig pa kami ni Siena na tunay na bestfriend ni Vhana. At heto pa, umakbay pa kay Vhana! Tengeneng! Nakakalalake na talaga. OP kaming dalawa ni Siena, as in!
"Hay! Naku naman, Mico! Kaya naman pala maktol na maktol yang mukha mo! Nagseselos ka noh? Aminin?" sabay singit ni Siena nang mauna nang naglakad sina Jhelo at Vhana.
"HaH? Ano naman iyang sinasabi mo Siena? Nababangag ka na naman ehh! Bahala ka nga dyan!" sabay binilisan ko ang lakad at iniwan na ito. Naunahan ko pa sa paglalakad sina Jhelo at Vhana.
"Hoy! Mico! Bakit iniwanan mo si Siena!" sigaw sa akin ni Vhana, ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Tumakbo na lang ako. Takbo. Takbo. Takbo lang, ang sakit kasi! Bakit may bago na siyang kasabay? Dapat ako iyon ehh. Ako dapat ang maghahatid sa kanya pero bakit si Jhelo pa? Nakakainis sobra.
Siena's POV
Naiinis ako sa ginawang pag-iwan sa akin ni Mico. Alam ko naman ehh, na gusto niya si Vhana, kaya nga kanina selos na selos siya. Ano ba kasing mayroon kay Vhana? Kung tutuusin mas maganda pa naman ako dun ehh, tisay lang siya at morena ako. Kulay lang ang pinagkaiba pero sa itsura, mas malamang ako. Hindi ko alam kung bakit baliw na baliw si Mico sa kanya. Pero nalulungkot din ako para kay Mico, dahil nasasaktan siya, at iyon ang pinakaayaw ko sa lahat. Okay lang na ako ang masaktan huwag lang siya. Mahal ko na siguro si Mico, pero mahal niya si Vhana at ako, lagi na lang ako naa-out of place kapag magkakasama kaming tatlo, natatameme ako habang si Mico naglalaway kay Vhana. Ang sakit ano? Torpe siya at torpe din ako? Matching type, kaso di pa rin pwede.
Shocks din ako kanina, magkakilala pala sina Vhana at Jhelo. Hmmp, si Jhelo, gwapo iyon. Isa siya sa mga tinagurian at pinarangalan ng Crush ng Campus dahil sa sobra nga nitong gwapo at very smart and sporty pa. Pero hindi ko siya type,hindi naman halos lahat ng estusyante ehh crush si Jhelo, kagaya ko? Sa Crush ng College of Education lang ako nabighani? hahahaha . Charot! Oo, gwapo rin si Mico, pero hindi niya lang feel dahil sa sobra siyang humble, kung si Jhelo ay hawig ni Aljur Abrenica, si Mico naman ay hawig si JC de Vera. Mas pinili ko na lang na maging magbestfriend kami kaysa tumalandi ako at akitin si Mico mapasaakin lang, hindi naman ako ganon noh!
BINABASA MO ANG
Bridge of Wishes (One-shot-Story)
Romance"Akala ko siya ang mahal ko, ikaw lang pala." - Mico.