"Best Wishes!"
"Congratulations!"
Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Heto ako ngayon, opisyal nang maybahay ni Mr. Randy Legaspi -- ang nagwagi sa puso ko matapos ang halos dalawang taong pagkukubli sa tunay kong anyo.
(Flashback)
Dalawang taon na ang nakalipas, nagdesisyon akong baguhin ang sarili ko. Mula sa pagiging maganda, pinapangit ko ang anyo ko. O di ba, baliktad ang drama ko sa buhay?
Naaalala ko pa noon, hindi naman sa pagyayabang, marami ang nagsasabing pwede raw akong mag-artista – morena, mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, katamtaman ang taas, perpekto ang hugis ng labi, sexy -- mukha raw akong meksikana.
Dahil sa angking kagandagan, marami ang aking manliligaw. Una akong nagka-boyfriend noong third year highschool ako. Dahil sa bagito sa pag-ibig, kahit pag-aaral ko ay naapektuhan dahil sa pagtakas-takas namin ni Gabriel. Tutol kase ang mga mga magulang namin sa relasyon kase nga mga bata pa raw kami. Akala ko naman magtutuloy-tuloy ang love story namin...hindi naman pala.
"Andrea, it's not you, it's me." Gasgas na dialogue ni Gabriel.
Hindi ko maintindihan kung anong mali sa akin hanggang sa nalaman ko mula sa kanyang bestfriend na pinagpalit ako ni Gabriel sa mamahaling mga gadget. Suhol ng mga magulang niya kapalit ng pakikipag-break sa akin.
Habang nasa kolehiyo ako, sa kursong Advertising, dagsa pa rin ang mga kalalakihan sa pagpapa-cute, pagpapapogi, pagyayabang para masilaw ako sa kayamanan nila...para lang mapasagot ako. Ayaw ko pa nga sana magka-boyfriend ulit para matupad ang pangako sa magulang ko pero heto na naman ako, nakuryente ng makilala si Rance. Kaklase siya ni Thea, ang aking bestfriend.
Sino ba naman ang hindi ma-i-in-love kay Rance – ang campus heart-throb. Vocalist siya ng banda. Sa boses pa lang niya, kikiligin ka na talaga. Habang tinitigan mo siya, lalo siya gumugwapo. Kaya kapag may gig ang banda nila, maririnig mo ang tiliian---babae man o mga bakla.
Itinago ko ang aming relasyon sa magulang ko. Naging madali lang naman sa akin dahil tumutuloy ako sa dormitory. Masaya kami noong una. Lakwatsa dito, lakwatsa doon. Hanggang sa kinailangan kong magtrabaho habang nag-aaral dahil nauubusan na ako ng pera. Tama ang iniisip n'yo, sugar mommy naman ang naging drama ko sa pangalawang boyfriend ko. Gwapo nga kaya lang tamad. Kahit mga projects at homeworks niya, ako ang gumagawa. Sabi ko sa sarili , okay lang basta kaya ko pero dumating sa punto na nagmumukha na akong nanay niya kase pati enrollment fees ako ang gumagastos.
"Babe, babayaran ko naman sa'yo pagkagraduate natin." Pang-uuto ni Rance.
"Bakit ayaw mong mag-apply sa mga food chain para naman makatulong sa pag-aaral mo?"
Naging magulo ang relasyon namin – away-bati. Hanggang isang araw, habang naka-duty ako sa isang burger station, nakita ko siya kaakbay ang isang chinitang babae. Gusto ko silang sugurin, isampal isa-isa kay Rance yung mga patties na niluluto ko sa mga oras na yun, at ibuhos ang ketsup sa pagmumukha ng babaeng iyon pero napigilan ko pa rin ang sarili ko na mageskandalo.
Kinumpronta ko siya pagdating ng gabi.
"Baka nagkakamali ka lang, maghapon akong nagrereview sa dorm."
"Huwag ka nang magsinungaling! It's over! Sawang-sawa na ako sa'yo!
Niyakap niya ako at nag-sorry. Inamin niyang nagkamali siya. Kaya pala walang oras maghanap-buhay ay dahil sa pambababae. Pinagbigyan ko siya. Akala ko tapat sa pangako niyang hindi na uulitin ang pagkakamali.
BINABASA MO ANG
The Doctor is IN love with me!
Storie breviNaging maingay ang mga salitang "True love" at "Forever" sa panahong ito. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang babae na naghahanap ng kanyanga true love. Sumubok siya ng eksperimentong magpapabago ng kanyang buhay FOREVER!