PROLOGUE ✔️

209 4 2
                                    




'BARKADA/TROPA'


Mga taong masarap kasama, kahit walang pera ay masaya at busog naman kakatawa.

Isa sa mga dahilan kung bakit okay lang sa'yo na wala kang lovelife.

Yung mga taong dadaanin ka muna sa kwento sabay dampot ng pagkain mo. Yung eksenang umiinom ka tapos magpapatawa sila.

'Di man sila perpektong kaibigan, pero perpekto naman yung araw mo, kapag kasama mo sila.

Sila yung kahit piso, sinisingil ka.

Mga tunay na kaibigan na hindi magagalit kapag ininsulto mo. Sa halip, sila ay mag-iisip at magsasabi ng mas nakakainsultong bagay sa'yo.

Mga TUNAY NA KAIBIGAN na hindi alam ang kumpletong address mo pero kabisado ang daan papunta sa bahay mo.

Kapag kasama mo sila lumalabas ang iyong K.K.K!

KALOKOHAN ✔️

KABALIWAN ✔️

KATANGAHAN ✔️

Yung mga kaibigan mong sisikuhin ka kapag may nakasalubong kayong gwapo or maganda or cute sa daan.

Kapag sila ang kasama mo, masarap yung wagas na barahan pero tapat na samahan.

Yung parang magkaka-konekta ang utak niyo. Eye to Eye pa lang, gets nyo na isa't-isa.

Sila ang magpapatunay na kapag may problema ka, huwag mong daanin sa pagpapakamatay kundi sa inuman na may kantahang walang humpay!

At laging tandaan na nandyan sila na handa kang abutan ng kamay at umalala sayo.


The FRIENDS is one of the important ingredients of my  life.

Isa sa pinaka magandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko ay yung magkaroon ako ng mga kaibigan na TAPAT at TOTOO.

Ang TROPA, sinasabi nilang WALANG IWANAN.

Pero kapag hinabol ng aso, kanya-kanyang takbo yan.

Nanghihila pa ng damit mauna lang.


At higit sa LAHAT..


Sila yung mga kaibigan mong...

magdo-DOORBELL sa isang bahay






SABAY...







TAKBOOOOO!!!!

(ノ◕ヮ◕)ノ(ノ◕ヮ◕)ノ(ノ◕ヮ◕)ノ



Yan ang isang pangyayaring magbabago sa buhay ko.

Isang kalokohan na maaaring magbigay ng malaking pagbabago sa aking buhay.

I'm Aryanie Salvador.

Let me take you to my world and let us find out....

Kung paano nga ba mababago ng isang kalokohan na ito ang aking buhay.

Doorbell [Short Story] [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon