EPILOGUE ✔️

67 3 2
                                    


"Maybe it's not...
too late....."

Napayuko na lang ako bigla habang nakapatong pa din ang mga daliri ko sa aking keyboard. Nandito na naman ako ngayon sa aking kwarto. Dalawang araw na akong nagkukulong dito.

Dalawang araw na din ang dumaan simula nung araw ng Battle of the Bands.

Yung araw na dapat hihingi ako ng sorry sa taong nasaktan ko ng sobra at pinagsalitaan ko ng mga masasakit na bagay...

Yung araw na sasabihin ko na dapat kung gaano ko siya kamahal...

Yung araw na akala ko magiging okay na ang lahat sa pagitan naming dalawa at magiging masaya na kami....

Pero mali pala....

Dahil yun ang araw na iniwan niya kami....

Araw kung kelan umalis na lang siya ng wala man lang ni isa sa amin ang nakakaalam...

Araw kung kelan umiyak ako ng sobra at parang baliw para sa isang lalaki...

Araw na nagsasabi na maaaring hindi na kami magkikita pang muli...ni Joseph.

Masakit....masakit isipin na nawala ang taong mahal mo nang dahil sayo. Nawala siya nang dahil sa KATANGAHAN ko.

Napapikit na lang ako at sa pagpikit kong yun ay may hindi inaasahang luha ang kumawala sa aking mga mata.

Life is too ironic. It takes sadness to know what happiness is, noise to appreciate silence, and absence to value presence.

"Ang tanga-tanga ko...."

Umayos ako ng upo sa kama ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko at nag-iiyak. Alam kong halos dalawang araw na akong umiiyak. Pero kailangan kong ilabas ito dahil ang sakit sakit na niya. Ang bigat bigat niya sa pakiramdam.

Ganito ba ang kailangan ko maranasan kapalit ng mga pagkakamali ko? Nahihirapan na ako. Tama nga sila.

When you meet one person, your whole life changes forever.

"Ang tanga ko *sob* Wala kang kwenta Aryanie! *sob* Wala!" sabi ko habang pinupukpok pa ang aking ulo pero nakayuko pa din.

Sobrang sakit pala mawalan ng taong minamahal. Lalo na kung ikaw mismo ang may kasalanan kung bakit siya nawala.

Ganito ba talaga ang feeling ng masaktan sa love? Kahit hindi pa kayo ganon katagal magkakilala pero feeling mo mahal mo na yung tao ever since.

Inaamin ko sa sarili ko na kahit hindi ko pa siya ganun kakilala ng lubusan ay minahal ko na siya ng ganito. Masyado akong attached sa ugali niya at mga ginagawa niya, kaya sobrang sakit sa akin ang mga pangyayaring ito...

"Ugh! Ang tang---"

"U-Uhm... apo?" nagulat ako ng may pumasok sa kwarto ko kaya palihim kong pinunasan ang luha ko.

Buti na lang nakasubsob pa din ang mukha ko sa tuhod ko kaya sana hindi niya nakitang umiiyak ako.

Iniangat ko ang aking mukha para makita si lola at nginitian siya. Ngiting alam kong pilit lang.

"P-po? May k-kelangan po ba kayo sakin?"

Tinignan niya ako ng may pag-aalala sa kanyang mukha.

"Umiyak ka ba apo? May problema ka ba?" lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi.

Siguro mapula ang mga mata ko kaya niya nahalatang umiyak ako. Dapat kasi pinigilan ko na lang ang sarili ko sa pag-iyak. Ayoko kasing nag-aalala siya sakin. Kaya kailangan kong magsinungaling muna ngayon.

Doorbell [Short Story] [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon