Anica's POV
"Anak? May ginagawa ka pa ba? Pakibanlawan naman tong labada ko ohh. Masakit na kasi ang katawan ko. Ang daming nagpalaba ngayong araw ehh." sigaw ng nanay ko galing sa likod bahay kung nasaan doon nakalagay ang poso na pinaglalabahan niya."Sige Nay. Matatapos na po ako sa isinusulat ko. Saglit lang po." tugon ko at ipinagpatuloy na ulit ang aking pagsusulat ng magiging reviewer ko mamaya para sa Final Exam namin sa biyernes.
Mahirap lang kami, dati mayaman. Oo, maraming negosyo ang nanay ko. Ang tawag ko pa nga dyan dati, Mommy, pero noong malugi ang mga negosyo niya, pinagsabihan niya lang ako na Nanay na lang ang itawag ko sa kanya dahil mahirap na kami.
Kung hindi niya lang siguro pinayagang tumibok muli ang kanyang puso para sa lalaking manloloko ay hindi sana namin mararanasan ang ganitong uri ng buhay. Masaya pa sana kami ngayon, walang pinoproblema.
Ninakaw ni Eduardo lahat ng pera na naipon ng nanay ko sa bangko. Walang natira, wala miski singko. Nanlumo kaming dalawa non. Pero wala na kaming magagawa, wala na ang pinaghirapan niya. Nalugi pa ang mga negosyo niya.
Kaya heto, naglalabada na lang siya. Ang dating Donya Cathalina ay isa na lamang ngayong labandera. Hindi ko naman siya masisisi dahil tao lang siya, nagkakamali. Mahal ko siya, dahil siya ang ina ko. Ang nag-iisa ko na lamang katuwang sa buhay ko.
Kwento niya sa akin noon. Iniwan kami ng tatay ko. Ipinagbubuntis pa lamang niya ako ng bigla na lamang lumayas ang aking magaling na ama at iniwan siyang mag-isa. Ang saklap lahat no? Lahat kinaya niya para maging maayos ang paglaki ko. Naging mabuting ina, ipinaramdam niya ang pagiging ina't ama sa akin. Wala siyang katulad.
Lumaki ako na may aking kagandahan. Marami ang nagsasabing pwede daw akong mag-artista. Marami na din ang kumukuha sa akin bilang modelo. Pero hindi iyon ang hilig ko, gusto ko makatapos sa pag-aaral ko sa kursong Law, may ilang taon pa akong bubunuin para matapos iyon. Pero sabi nga nila, madali lang lumipas ang mga taon. Makakatapos din ako.
Naisulat ko na lahat ng dapat isulat. Agad ko ding tinungo ang pinaglalabahan ni Nanay. Kahit alam kong mapapasma ang kamay ko dahil katatapos ko lamang magsulat ehh wala din akong magagawa kundi ang tumulong. Alam kong nahihirapan na ang Nanay ko sa sitwasyon namin. Wala naman akong magagawa kundi ang magtiis at magsikap para muli kaming makaahon sa hirap.
"NAY!!!!" ang tanging naisigaw ko ng makita ko ang nanay kong walang malay sa labahan. Kabang-kaba ako at takot na takot. Ayoko pang mawala ang nanay ko. Alam kong marami na siyang idinadaing na masakit sa kanya, lalo na ang kanyang ulo. Pero hindi niya iyon pinapansin. Pilit pa rin siyang nagtatrabaho para sa aming dalawa.
Lumapit ako sa nanay ko upang maiayos ito sa kanyang pagkakatumba. Hindi ko na din mapigilang mapaiyak dahil sa sobrang takot. Mahal na mahal ko ang nanay ko, ano na lamang ang mangyayari sa akin kung mawawala na siya at maiiwan akong mag-isa.
Nanghingi kaagad ako ng tulong sa mga kapitbahay ko. May mga nagbuhat kay nanay para maisakay sa van ni Kuya Reymond na malapit naming kapitbahay.
Nang makarating kami sa Hospital ay kaagad inasikaso ng mga doktor ang nanay ko. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Natatakot akong mawala siya, siya na lamang ang nag-iisa kong kapamilya.
Nagpunta ako sa simbahan para ipagdasal ang nanay ko. Ipagdasal na sana ay maging maayos siya. Gumaling siya kung ano mang sakit ang mayroon siya.
Hindi ko mapigilan ang pagluha. Humahagul-gol na nga ako sa pagsambit ng aking panalangin sa panginoon, na tangi ko na lamang pag-asa.
Matapos kong magdasal ay kaagad din akong bumalik sa hospital. Kinausap ako ng doktor tungkol sa kalagayan ng nanay ko. Maayos na daw siya, sa ngayon at sinabi nito kung nasaang kwarto naandoon ang nanay ko.
BINABASA MO ANG
Ang Gwapo kong Girlfriend
RomanceAng Gwapo kong GIRLFRIEND - OhMyJhe04 Nalito si Ycko sa kanyang sexual preference ng makita niya si Ace, na tila isang famous Korean Pop Star na dumating sa lugar nila. Kabado siya ng unti-unting kinakapa ang kanyang pagkatao. Hindi maaaring mangyar...