Chapter Two

33 2 0
                                    

CHAPTER TWO

"BestFriend No Matter What"

Ycko's POV

"Ohh! Pare, bakit pinatawag mo kame ?" bungad na tanong ng tropa kong si Ruben habang binubuksan ko ang gate para papasukin sila.

"Oo nga Tol? Anong meron?" tanong din nitong si John Mark.

Heto yung pumasok sa isip ko. Kahit alam kong pagtatawanan at gagalitin lang ako ng mga mokong ehh okay lang dahil para din matuklas ko kung ano talaga ako. Basta, mukhang magiging maganda naman ang plano ko.

"May gagawin lang tayong EXPERIMENT!" may pagka-excited kong sabi. Maging ako hindi makapaniwala kung bakit nakakaramdam ako ng excitement eh hindi naman dapat. Mas dapat nga ehh ang maramdaman ko ehh kaba at hiya dahil sa ipapagawa kong experiment kuno sa dalawa. Alam ko namang mapagkakatiwalaan ko tong mga mokong nato dahil almost sabay sabay kaming lumaki mula pagkabata hanggang ngayong nasa tamang edad na kami. Halos alam ko na nga kung ano ang mga baho ng mga yan. Haha

"Experiment?" eksaheradong tanong ni Ruben.

"Baka sumabog tayo nyan?" nag-aalala namang sabi ni John Mark.

Oo. May malaki akong pasabog sa inyo. Sa isip-isip ko."Hindi ahh. Basta may pagka-intense lang ang gagawin natin ngayon." sagot ko. Pumasok na kami sa bahay at diretso na kaming nagtungo sa kwarto ko. Alas-otso na kasi ng gabi at malamang ehh nasa kanya kanya nang kwarto ang mga kasama ko dito sa bahay.

"Ahh. Parang nakakaamoy ako ahh? Haha!" - Ruben.

"Oo. Ako din. Amoy--" papigil na sabi ni John Mark na tila may hinahanap sa kwarto ko."Amoy Empi! Haha!" Gago ang putek, akala ko talaga naamoy na nila ang totoong isinisingaw ng katauhan ko.

Napalingon ako sa may maliit na lamesa na nasa kwarto ko. Inihanda ko na din kasi ang alak at pulutan na alam kong hindi pwedeng mawala basta naandito ang dalawa kong kaibigan. Lumapit kami kaagad sa lamesang mukhang kami na lamang ang hinihintay. Haha ^_^

Umupo kami ng paindian-sit kaharap ang isa't isa."Ohh mga Parekoy! Simulan na naten ang inuman." hudyat ko. Ako na ang unang tumagay at ipinasa ito kay John Mark, bale clockwise ang ikot ng baso. Agad namang inabot ng loko na para bang hayok sa alak at mataas agad ang itinagay sa kanya.

Naglaro sa isip ko ang mga nakatala sa plano ko ngayong gabi. May pag-aalinlangan din akong gawin to dahil sobrang labag ito sa kalooban ko pero pilit ko parin namang isasagawa to prove one thing. Kung ano nga ba talaga ako.

Sobra-sobrang kahihiyan to sa lahat. Pero masisisi ko ba ang sarili ko kung ang puso ko ay tumibok sa isang lalake? Hay. Hindi ko naman kayang dayain ang sarili ko dahil iyon ang katotohanan. Pero mayroon pa ring nagdidikta sa isip ko na sobrang mali ang ginagawa ko. Hindi ko alam pero sa totoo lang, pagdating sa ganitong bagay, puso ang madalas kong sinusunod at hindi ang utak ko.

Tumatagay na si Ruben ngayon, inagaw ko ang atensyon ng dalawa sa pagtikhim ko. Binigyan ko sila ng isang seryosong tingin, lalo na kay Ruben, siya ang una sa Plan A ko.

Si Ruben ay anak ng Kapitan namin. Gwapo din siya katulad ko, may magandang tindig at magandang pangangatawan. Nag-aaral sia ng Law sa Maynila. Kahit na marami na siyang alam sa batas ay madalas siya ang tumataliwas sa mga ito.

Sinimulan ko na ang plano ko.

"Parekoy," sabi ko sa nakatingin ding si Ruben.

"Bakit?" sagot niya na medyo kumunot ang noo.

Grabe. Kinakabahan ako sa ginagawa ko."Maghubad ka nga sa harapan ko. Tas i-seduce mo ako." pautal kong sabi.

Napanganga si Ruben sa narinig niya. Maging si John Mark ay napatulala sakin ng sabihin ko yun. Wala naman akong gagawing masama sa kanila. Basta akitin niya lang ako gamit ang mamuscle niyang katawan. Sapat na saking malaman kung ano ang mararamdaman ko.

Ang Gwapo kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon