The Tiboom Love Story
-OhMyJhe04Therinx' POV
Magkababata kami ni Eunalyn, sabay kaming lumaki, nag-aral ng elementarya hanggang makarating ng high school. Masaya kasama si Eunalyn, mabait, at mahilig din sa chicks. Oo, tomboy siya, bata pa lang kami ay alam ko nang tibo siya, nagkakagirlfriend nga yan! Pero, maganda yan, balingkinitan, maputi, maamo ang mukha, mahaba ang buhok (ewan ko lang kasi ayaw niya magpagupit ng maikli, gusto niya yung mahaba talaga) na bagay na bagay naman sa kanya. Sa unang tingin, hindi mo siya mapagkakamalang babae rin pala ang hanap, hindi kasi siya kagaya ng ibang tomboy na nag-aanyong lalake, siya, kung ano siya pinanganak, ganun daw siya hanggang sa lumaki, kaso lang, di bagay sa kanya kasi tomboy nga siya.
Ako naman, mas gwapo kay Euna, (hehehe) hunk ako, gawa na rin siguro ng pagtulong ko sa magulang ko sa maliit nilang business, chinito, may pagkatisoy, matangkad at syempre habulin ng chicks.
Fourth Year High School na kami ni Euna, sa wakas, gagraduate na rin kaming magbest friend, mas marami nang majejewa, hehehehe. Busy ako sa pagpapapirma ng clearance para makakuha ako ng periodical test bukas at sa byernes. Si Euna? Ayon, naunahan pa ako mapuno ang clearance, kung sa bagay, masipag naman siya mag-aral at famous pa sa school kaya mabilis niyang mabola ang mga teacher namin. Ako? Heto, iisa pa lang ang pirma, at ako pa! Hahahahaha.
Lunch na, kaso wala talaga akong mapapirmahan, kailangan daw ng ganito, ganyan, gawin mo to, gawin mo yan! Sheeteng requirements yan! Bangdame! Kaya heto, magpapakabusog na lang muna ako.
Nagdiretso na ako sa canteen, umorder na ng kakainin ko, adobong manok, tatlong cups ng kanin, at sabaw ng sinigang na baboy, may kasama pang isang saging at kamote-cue! Haha! Kaya ko kayang ubusin to? Then let see.
Habang kumakain ako ay bigla na lamang may bumatok sa akin."Arayyy!"
"Tarantado kang impokritong kulugo ka! Kumakain ka na pala! Hindi mo man lang ako tinawag!" naku! si Euna pala! Parang barako talaga kung makabatok! Feeling ko, naalog utak ko ehh.
"Aba! Nanise pa! Ni ikaw nga tong hindi tumutulong sakin magpapirma ng clearance!" sabi ko naman tas pakunware nagtampo.
"Ehh! Gago ka pala ehh!" batok na naman! Aray! Doskopo! Bobobo akong malala dito kay Euna! Umupo siya sa tabi ko, may kinalkal sa bag."Oh!! Heto, kainin mo yang isa pang clearance na pinapirmahan ko! Puno na yan! Pangalan at signature mo na lang ang kulang!" sabay abot niya nung papel.
WATDA!"Talaga! Euna! Nandaya ka para lang sa akin? Dalawa pinapirmahan mo?" mayamaya sa sobrang kadaldalan ko! Bohggg!"Arayy! Bakit mo ko sinuntok! Bugbog na ako sayo hah! Gagantihan na kita!" inis ko, pero syempre di ko naman siya gagantihan, mataga pa ako ng tatay niyan.
"Ang tanga tanga mo kasi! Sige isigaw mo pa! Ihiram pa kita sa faculty ng megaphone! Kainis! At isa pa! Hindi Euna ang pangalan ko!" simangot! Hahaha, umuusok na ilong niya.
"Opo! Eunalyn!" Tohhhgggg! "Aray! Para san iyong batok na un hah! Euna naman! Bobo na ako! Wag mo nang palalain pa!" kasi naman, bigla-biglang nangbabatok, pwede namang magpaalam para ready ako! Ahahaha.
"Ewan ko sayong butiki ka! Alam mo namang tomboy ako! Sa pagtawag mo sa akin ng Euna ehh! Nakakalalake ka Pare! Therinx Santos apo ni Kopong-kopong! Ilang daang beses ko bang sasabihin sayo na Esonne na ang pangalan ko! Shit pre! FAQ U!" aba! Sumosobra na to hah! Pinagtitinginan na kami dito sa canteen ehh!
"Opo! Esonne Tomboy na Long Hair!" ahahahaha, nalukot muka niya tas biglang namula, nagpalagutok na ng daliri!"Hoy Pare! Tumigil ka nga jan! Let me finish my lunch first bago mo ko jombagin! Hah!"
Tumayo siya! Ano kayang gagawin ng babaeng tomboy na yon! Patay! Kumuha ng bote ng Barako Bull!"Hoy! Anong gagawin mo!" napaatras ako, sama ng tingin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Tiboom Love Story
RomanceThe Tiboom Love Story -OhMyJhe04 Note: This story is a work of fiction. Names, Characters, Places and Incidents are the product of the authors imagination or are used fictitiously. Any resemblance in actual events, locales, persons, living or death...