Euna's POV
Hiyang-hiya ako sa inasal ko nung nagkasakit ako, naikwento kasi sa akin ni Mama na nahuli daw niya kaming naghahalikan ni Therinx. Hindi ko alam ang tungkol doon, ang pagkakaalam ko nga ehh panaginip lang ang lahat.
Hindi ko sukat akalain na totoong nangyari ang sinasabi ni Mama. Totoong nakasama ko si Therinx noong isang araw.
Kagagaling ko lang sa sakit ko, mabuti na nga lang dahil malapit na ang huwebes at ito'y sa makalawa na. Isa sa pinaka-exciting na magaganap sa buong baranggay namin. Hindi ko tuloy lubos maisip na pumayag ako sa kagustuhan ng sekretarya ng kapitan na maging isa sa kalahok sa Search for Mr. and Ms. Lakanbini 2014.
Kalat at alam na alam ng mga kabarangay ko na ako ay isang Tomboy. Kaya naman naeexcite ako sa magiging reaksyon nila. Lalo na ang taong pinakamamahal ko, si Therinx.
Napapangiti na lamang ako habang nakaharap sa mga pinamili naming damit para sa susuotin ko sa pageant. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na, gagawin mo to para itama ang mali at mabuhay sa katotohanan. Kailangan ko to para ibunyag na ang sarili kong pagkatao, ayoko nang maglihim o magbalatkayo pa.
Aaminin ko na rin sa taong mahal ko ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Tanggapin man niya ito o hindi, ang mahalaga ay naamin ko ang totoo.
Siguro laking tuwa ko na lang kapag may nararamdaman din siya para sa akin. Siguro ako na ang pinakamasayang babae kapag mahal din ako ng taong mahal na mahal ko.
Muli na namang pumasok sa isipan ko ang nangyari nung isang araw kasama si Therinx. Totoo ngang kahalikan ko siya, totoo ngang nakayakap ako sa kanya.
Napakasarap sa pakiramdam ngunit mayroon pa ring hiya ang sumisingit tuwing maaalala ko iyon.
Ano na lamang ang sasabihin sa akin ni Therinx? Ano na lamang ang magiging tingin niya sa akin?
Napabuntong hininga na lamang ako, napahiga muli sa aking kama at niyakap ang unan ko.
"Therinx, mahal ko. Patawarin mo ako kung marami akong inililihim sayo. Mahal na mahal lang kita. At sa pagsapit ng huwebes, lahat gagawin ko para makarating sa Final Ramp. Para sayo, sana manood ka. Saksihan mo ang unang araw na ako'y magpapakatotoo. Therinx, sana matanggap mo ako."
Ang nasabi ko na lamang sa sarili at di ko namalayan na may tumulong luha mula sa aking mga mata.
"ANAK, kamusta na ang pakiramdam mo." bungad na tanong sa akin ni Papa ng dumating ito galing Pangasinan dahil sa unexpected meeting na natanggap niya para sa bagong project ni Tito Michael na kapatid niya na Mayor naman ng Dagupan City, Pangasinan.
Si Papa ay dati ring pulitiko, siguro ay nasa dugo na namin ang mamuno sa bayan. Bago pa man maging isang politician si Papa ehh isa siya sa naging Top Architect sa US noong nagtatrabaho pa siya sa abroad.
Kaya ganito na lamang kaganda ang bahay namin dahil siya mismo ang nagdisenyo.
Hindi maluho ang pamilya ko. Para lang kaming ordinaryong pamilya kung titignan.
Hindi kami palasuot ng mamahaling damit, ukay ukay nga lang ayos na. Hindi din mahilig si Mama sa alahas, alergy siya sa mga yon. Hindi ko rin alam kung bakit? Si Papa, para lang yang tambay sa kanto, pero napakabait niyan, sobra.
At ako, minana ko lahat ng yon sa kanila. Kaya naging simple ang buhay namin. Masaya at puno ng pagmamahalan.
Kahit may kaya kami o mukha talagang yayamanin ang pamilya ko ehh, hindi namin kinahiligan ang kumain ng karne, parating gulay ang ulam namin. At isa doon ang ginisang ampalaya na luto ni Mama.
BINABASA MO ANG
The Tiboom Love Story
RomanceThe Tiboom Love Story -OhMyJhe04 Note: This story is a work of fiction. Names, Characters, Places and Incidents are the product of the authors imagination or are used fictitiously. Any resemblance in actual events, locales, persons, living or death...