"Artista po sila Kath and DJ dito ah?"
Kathryn's POV
"Baby, Ikaw? Kapag nakakakita ka ng shooting star, anong winiwish mo?" Napatingin ako kay Daniel pagkasabi niya nun. Napaisip ako.
"Na sana, ganito nalang tayo. Forever. Actually, Kahit nga stars in the sky lang, Ganun ang winiwish ko. Ikaw Jay?" Inakbayan niya ako saka humiga, naka higa lang din ako sa chest niya habang pinaglalaruan niya yung buhok ko.
"Bakit kailangan ko pangmag wish? Akin ka naman, What more could I wish for?" Sagot niya. Pero di ako nakumbinsi. There should be something.
"Kahit dream car mo lang?" Tumingin ako sakanya, he just shrugged.
"Siguro, freedom. Gustong gusto ko nang lumabas in public ng kaHHWW ka. Gustong gusto ko nang yakap yakapin ka na walang pakialam ang media. Gustong gusto ko nang humarap sa mga lalaking umaaligid sayo, at sabihang akin ka na. Gustong gusto ko nang ipagsigawan sa buong mundo na mahal na mahal kita at alam kong mahal mo rin ako." Parang naiiyak na ako. Sawa na ba siya? Sawa na ba siyang, itago tong relasyong kami lang ang nakakaalam?
Napansin niya na medyo naiiyak na ako, kaya niyakap niya ako ng mahigpit. "Gustong gusto ko na mangyari ang mga yon, pero kung yun ang dahilan para awayin ka ng mga tao, I'd like everything to stay this way. Alam ko ang iniisip mo Kath, no. Hindi ako nagsasawa. At hinding hindi ako magsasawa." Tuluyan nang nagbagsakan ang mga luha ko.
"Mas okay na ako dito, baby. Hindi ko man mapalayo ang mga lalaking umaaligid sayo, Alam ko namang ako mahal mo. Diba baby? Diba ako lang ang mahal mo?" I nodded.
He kissed my forehead."O diba? Kahit patago man kitang napi-PDA, mahal pa rin kita. Di naman natin kailangang ipaglantaran sa iba na tayo na eh. Label lang naman kasi yun. Mahal mo ako at mahal kita, bakit kailangan pa ng label?"
This is what I love about him. Kuntento na siya sa kung anong meron kami."Sobrang kuntento na ako. Well, sayo pa lang eh. Pero syempre baby. Di ko naman maaalis yung kagustuhang maipagmayabang sa lahat ng lalaking akin ka. At sa akin ka lang!" Lalo niyang hinigpitan yung yakap niya.
"I'd trade anything for you, baby." Napangiti ako.
"Even your life?" Umiling siya.
"Aba! Bakit kita ipapamigay? Kahit ano! Wag lang ikaw!" I giggled. I remember dati..........
FLASHBACK
"Hmm. Babyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy! Gising naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" He smiled and held my hand. Pero nakapikit pa rin siya.
"Papagalitan ka na naman ni Direk! Gusto mo yun?" Umiling siya at umupo na, still eyes closed. Nag-smirk siya at bigla akong hinalikan sa labi tapos niyakap ako. Siniksik niya yung ulo niya sa may leeg ko at hinawakan pa ang kamay ko.
"Baby, ang bango mo talaga." Dinidistract lang ako nito! I know him so well.
Kaya tumayo ako pero hawak ko parin ang kamay niya. "Aish DJ! Ako papagalitan ni Direk eh! Tayo naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa." Pero hinila niya ako ulit.
"Di ka papagalitan nun. Sasabihin ko ako may kasalanan." Napangiti nalang ako.
"DJ, anong pipiliin mo? Buhay mo o ako?"
"Syempre, buhay ko." Natahimik ako. What kind of question was that Kathryn?!
"Ikaw at ang buhay ko? Psh. Diba iisa lang yun?!" Nagpeck ulit siya saglit sa lips ko. Napangiti naman agad ako.
"I love y----" "Aba aba oh! Dapat talaga hindi si Kath ang inutusan ko eh! Nagyayakapan na oh! Credit taken!" Namula naman ako. Tumawa si DJ habang hinihila ko siya palabas ng tent.
END OF FLASHBACK
Namula ako nang maalala ko yon. First time kasi naming mahuli nun. Pero marami ring sumunod. Hilig mangyakap nitong baby ko eh.
"Mas lalo kang gumaganda kapag namumula ka." Lalo lang akong namula ng biglang nagsalita si DJ.
"Kaya iwasan mong kiligin sakin ha? Baka lalong dumami ang umaaaligid sayo." Hinalikan niya ako sa noo.
"I love you. I love you so so much." He hugged me from behind.
"Kahit lagi mo akong binubugbog dahil pinapakilig kita. Kahit gaano katagal bago pa kita mapaamo kapag may bago akong projects na iba ang loveteam ko. Kahit sinusungitan mo ako kapag meron ka. Kahit halos matanggal na ang ulo ko sa lakas mong mambatok. Kahit ginagawa mo akong alalay kapag sinasamahan kitang magshopping. Kahit napaka-yabang mo kapag natalo mo ako sa 2k13 na sinadya ko talaga. Kahit lagi kang naiinsecure kapag tinititigan kita.Kahit nagmumukha akong tanga na parang buntot na nakasunod sayo kahit san ka pumunta. Kahit inuubos mo yung Cheetos ko sa bag ko. Kahit naka-poker face at hindi mo ako kakausapin kapag pinagbabawalan kitang mag-shorts. Kahit binabato mo ako ng unan kapag pumupunta ako sainyo para gisingin ka. Kahit lagi mong inuuwi yung favorite t-shirts ko na ibababad mo pa sa pabango ko. Kahit inaasar mo ako sa lahat ng nakaka-loveteam ko. Kahit nagseselos ka lagi kapag nanunuod ka ng shootings namin. Lahat. Hindi ka perpekto. You have flaws. But that just adds up to the reasons why I loved you. And I'm still here. Loving you. I'll never stop. I'll wait for you. Until you're ready."
I can't explain my feelings right now. Mixed lahat. Sa sinabi niyang yun, lumakas ang loob ko. I finally decided.
"DJ, I'm ready to tell the media the truth"
---------------------------------------------
Maybe, just maybe, may part 2 ito. Syempre. Wenk :P
BINABASA MO ANG
The Little SECRET (KathNiel Short Story)
FanfictionSome secrets were meant to remain a secret. Are Kathryn and Daniel's Little Secret one of those? (Artista ang KathNiel dito.)