MOTHER’S DAY SPECIAL: Too Late
a short story written by ILiveInWonderland
“Jessica, sure ka bang hindi magagalit ang Mommy mo?”
“Ewan ko dun at wala akong pakialam kung magalit man siya. Tara na nga! Ayaw niyo ba akong kasama?”
“H-hindi naman. Pero kasi—”
“Tara na nga!”
Papunta kami ngayon ng mga kaibigan ko sa isang bar. Hindi naman siya yung bar na may mga sumasayaw sa stage o kung ano man. Basta yung parang gimikan lang siya ng mga kabataan.
Hindi na ‘ko nag-effort pa para mag-paalam kay Mommy dahil una sa lahat, alam kong hindi niya ako papayagan. KJ yun e. Lahat na lang ng gusto ko bawal. Lahat na lang! Nakakairita siya. Tsaka, ayoko rin talaga siyang makausap.
Wala na akong tatay. Nasa heaven na siya. Kami na lang ni Mommy ang mag-kasama. Sana nga, siya na lang yung nawala sa buhay ko. Sana, siya na lang yung namatay. Sana hindi na lang ang Daddy ko.
I hate her for being my mother! It’s just that—Ugh! I just hate her! I hate her! I hate her! Sana talaga hindi na lang siya yung Mommy ko! Sana hindi na lang siya ang naging magulang ko.
“Hi, Miss. Wanna dance?” Sabi ng isang lalaki dito sa bar na lumapit sa’kin.
Tiningnan ko siya. “Yeah sure—” Naputol naman bigla yung pag-sasalita ko nang may isan pang biglang nag-salita. “No. Hindi siya sasama sa’yo.”
“Mom! What are you doing here?” Sigaw ko sa kanya. Ugh. Ano bang ginagawa niya dito?
Hinila naman niya yung kamay ko pero nag-pumiglas ako. “No! I’ll stay here! Umalis ka mag-isa mo!”
“Uuwi na sabi tayo e!” Sabi niya at hinila naman niya ulit ako.
“I said I’ll stay here! Get off of me!” Sigaw ko nang bigla naman niya akong sampalin.
Napatingin naman ako sa paligid ko at nakit ko na lahat ng tao sa bar ay nakatingin lang sa’ming dalawa ni Mommy. Nag-bubulungan sila. Mga bulong na naririnig ko naman sa mag-kabilang tenga ko.
Sinulyapan ko si Mommy at tumakbo na palabas ng bar. Fvck this! I really hate my stupid mother!
“Jessica, wait!” Tawag sa’kin ni Mommy. Naririnig ko siya pero wala akong balak huminto sa pag-lalakad. Bahala siyang mapagod diyan sa pag-habol sa’kin. Wala akong pakialam.
“Harapin mo nga ako! Sumosobra ka na!” Hinila niya ‘ko kaya napa-harap naman ako sa kanta. Sobrang higpit ng hawak niya sa’kin. I can see the anger in her eyes. But at the same time, I can see the sadness and pain.
“Ano na bang nangyayari sa’yo? Bakit ka ba nag-kakaganyan? If it’s because of Michael, anak naman! Ginawa ko lang naman yun para sa’yo!”
“NO! You did that for yourself! You know why? ‘Cause you are so selfish! Ayaw mong maging masaya ako! Kaya ano? Gumawa ka ng paraan para iwan niya ‘ko! You even asked him to break up with me! Sabi mo sa kanya iwan niya na ‘ko! What kind of mother would do that, huh? Tell me!”
“Jessica! He’s been cheating on you! I-I saw him! I saw him kissing another girl! Sinabi ko sa kanya na layuan ka na niya kung sasaktan ka lang naman din niya. Anak, ayoko lang namang masaktan at mapahamak ka.”
“You’re lying! He can’t do that to me! He loves me! Leave me alone!”
“Anak—”
“Don’t you ever dare call me that.”