IMBIH 02

4 0 0
                                    

IMBIH 02




"At ngayon nga kasama natin si Rhian Monteverde ! Palakpakan!" Pagpapakilala sa akin nang emcee nitong show. Pagkalabas ko patungo sa stage galing sa backstage ay ngumiti ako kumakaway sa mga taong naghihiyawan.



" hello sa inyo !" Masiglang bati ko sa mga audience






Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang sikat ako, mayaman , at kilala sa buong mundo. Naging sikat akong singer, malaki ang pasasalamat ko sa taong kumupkop sa amin. Dahil sa kanya naging tanyag akong singer.

Ang mga kapatid ko ay pinapaaral ko. Ang sumunod sa akin ay College na. At ang bunso naman ay Highschool.


" Ok Rhian , bunot ka dito sa mga hawak ko. Ang mga ito ay may mga tanong " sabi nang emcee at agad akong bumunot dito. Binigay ko ito sa kanya.



"Huwaw! Ok sige. Ms. Rhian, kung ikaw ay bibigyan nang pagkakataon na hanapin ang nanay mo, hahanapin mo ba?" Tanong nang emcee. Alam nilang nawalay ako sa ina, dahil sa showbiz laging open ang lahat.



ngumiti ako nang napakapait.


"If God gives me an opportunity na hanapin ang mother ko, I will not take the risk. For short, hindi ko hahanapin ang mother ko at wala akong balak hanapin"

Nagulat sila sa sagot ko. Sinasabi ko lang naman yung totoo.


" B-bakit? " puzzled ang mukha nang emcee.

"Dahil.." di ko matuloy ang sasabihin ko dahil gustong tumulo nang luha ko.

Tears! Don't fall please?! Makisama ka naman! Kahit ngayon lang..




"Kasi dahil sa kanya namatay si Tatay" tahimik lang sila na inaantay ang susunod na sasabihin ko.

Tumingin ako ng deretso sa camera, sana nanunuod siya..



" iniwan niya kami dahil sa kahirapan .. sumama siya *hikbi* sa ibang *hikbi* lalaki... para sa sarili niyang *hikbi* kasiyahan..!" Di ko napigil ang pag iyak ko. Humagulgol na ako.

Ang sakit. Ang sakit pag naaalala ko ang araw na iyon.

Yung araw na hinahantay ko pa din siya na bumalik, pero wala! Ni anino!

Kaya galit ako sa kanya.


"Sorry" ang tangi kong nasabi at tumungo na sa backstage. Sht na luha to! Nagpunta ako dito para mag-promote nang bago kong album pero ito.


"Ah maam?" Tawag sakin nang secretary ko. I give her a 'what' look.





" may gusto pong kumausap sainyo " sabi nang secretary ko at saka ibinigay sa akin ang phone.







" anak... " sabi sa kabilang linya. Nung marinig ko ang boses niya napaiyak ako at napahagulgol.





Huhu~ gusto kong sabihin sa kanya na, Miss na miss ko na siya at inantay ko siya pero nangunguna ang galit ko sa kanya.





" anong kailangan mo ?" Pagtataray ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang bibig ko para mapigilan ang paghagulgol ko.





" gusto kita makita anak.." dama ko ang lungkot sa mga boses niya.

Lalo akong napahagulgol at humigpit ang hawak ko sa bibig ko..

Gustong gusto na din kita makita nanay..






"Ayokong makita ka!" Yan ang lumabas sa bibig ko sa galit ko at binaba ko na ang phone.


I miss her so much but I hate her.

Napahagulgol lang ako. Bakit ngayon lang ?

Ang daming tanong sa isip ko.

Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Bakit hindi pa noon ? Yung oras na inaantay pa kita.? Bakit?






~~

Thank you for reading. :)

Vote and comment :)

-VJinHopee

I Miss but.. I HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon