ONE:

2 0 0
                                    

  Minsan kung sino pa yung ine-expect mong laging nasa tabi mo, siya pa pala yung mang-iiwan sayo.  "Hi baby." bati sakin ni mommy pagkababa ko sa sala. "Hi mom, where's dad and kuya?" sabi ko habang kumukuha ng bread sa table. Ako nga pala si Louie Angela Alcantara. I'm already grade12 and I'm studying at Smith Academy. 17 years old na ako at yes, I have a boyfriend. He is Luke Angelo Smith. Ang astig no? Parang pinagplanuhan talaga yung second names namin! Hahaha! Kababata ko pala siya at family friend nami ang family nila.

*KRIING! KRIIIIIIING! KRIIIIING!*

"Hey baby, your phone is ringing." Tapik sakin ni mommy. Kinuha ko naman yung phon s table at sinagot ang tawag.

"Hi." Bati ko.

[ Hi Louie. Galit ka parin ba sakin? ] Si Luke yung tumawag.

" Huh? Me? No, I'm not"

[ Eeeee. Galit ka I know. I'll be there in 15 minutes. ] 

" What? Anong gagawin mo dito? Wag ----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil binaba na niya agad yung cal. Ugh that guy talaga!  "Oh magkaaway kayo ni Angelo?" pag-uusisa ni mommy. Mommy talaga! "Miiii naman! Wala kana dun. Blehh." sabi ko sabay akyat sa room ko. Naligo muna ako at nag-ayos bago bumaba. I'm wearing short shorts and sando, andito lang naman ako sa bahay eh. After kong maligo ay humiga agad ako sa bed ko. Feeling ko may gagawin dapat ako? Hays. Hayaan na nga. After 5 minutes ay nakatulog na agad ako.


LUKE ANGELO SMITH'S POV:

*Ding-dong*  pagpindot ko sa doorbell, agad namang bumukas ang pinto. Lumabas si tita sa pinto at pumunta sa gate para pagbuksan ako. "Oh ngelo. Hindi nasabi sakin ni Angela na pupunta ka dito. Tara pasok ka." bungad ni tita sakin sabay beso. "Ganun po ba tita. Medyo nagtatampo po kasi siya sakin eh. Nandyan po ba siya sa loob?" tanong ko habang naglalakad kami sa garden papunta sa bahay nila. Pagpasok kasi ng gate ay garden ang bubungad sayo bago ang mismong bahay nila. "Hahahaha! Ang batang yun talaga manang mana sa daddy niyang matampuhin! Hahahaha. Sige Angelo, andun ata siya sa room niya, akyatin mo nalang." sabi ni tita. Umakyat naman agad ako sa room niya. *Tok tok tok* Pagkatok ko sa door pero walang sumasagot. Hinawakan ko ang door knob at bukas pala ang pinto kaya pumasok na ako. Kung gaano kaganda at kalinis sa katawan si Louie, ganun din kaganda at kalinis ang room niya. Everyone's dream girlfriend si Louie, dahil bukod sa maganda, sexy, at matalino na siya, mabait at sporty din siya. Ang swerte ko nga at ako ang napili niya eh. Pagpasok ko sa room niya ay nakita ko siyang nakahiga sa kama. Yakap yakap niya ang unan niya. Tsk. Sabi ko pupuntahan ko siya tapos tinulugan lang niya ko. Itong babaeng to talaga masyadong makakalimutin. Ang angeli talaga na mukha niya. Pinapanuod ko lang siya habang natutulog siya at hindi ko namalayan na nakatulog narin pala ako.


"The so called Love."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon