Ring A Ding Dong

64 5 0
                                    

🎧🎶 Ring-A-Ding-Dong Ring-A-Ding-Dong Ring-A-Ding-D--

May nag text sa partner ko at sakin ng hindi mo aakalaing, magkasabay, tinignan namin kung sino ngunit wala kaming nakita. Inisip na lang namin na baka nagloloko lang ang cellphone namin.

Nang nakadating na kami sa aming destinasyon, may tinanong ako sa kasama naming guro.

"Bakit po may sirang eroplano sa tabi nung school?" Tanong namin

"Hindi ko din alam.." Sagot niya

Tinanong naman ng guro namin ung kasama naming tour guide tungkol sa kung anong nangyari sa sirang eroplano katabi ng lumang school. Hindi rin daw nya alam, ang sabi lang nya ay nandun na lang daw yun basta basta isang araw.

Pinapasok na kami sa lumang school, binigyan kami ng kandila dahil madilim sa loob, magkasama kami ng partner ko at ung iba din may kasamang partner.

Pumasok na kami at kami lang ang kumanan sa isang mahabang hallway sa sobrang haba hindi mo makikita ang dulo nito. Habang naglalakad kami, tinitignan namin ung mga picture frames sa pader. Yung iba sira sira na ung picture ung iba naman sira sira na din ung mga name plates mga naka sabit na lang sa isang screw. Mga limang minuto na kaming naglalakad nang makarinig kami ng tunog na pinapakinggan namin kanina sa bus.

🎶Ring-A-Ding-Dong Ring-A-Ding-Dong 🎶

Tumingin ako sa partner ko, nawawala sya. Natakot ako at nagmadali ng bumalik. Nakita ko ulit ung mga picture frames sa pader ngunit... Iba na ang mga nakalagay sa nakita namin o baka nakita ko kanina.( may tumutunog padin. Ring-A-Ding-Dong Ring-A-Ding-Dong )

Sa sobrang takot ko ay tumakbo na ako namatay ung kandila. Hindi ko gaanong makita ung daanan pero medyo nakikita ko padin ung mga picture sa pader. Nakarinig ako ng piano na tumutugtog sa isang kwarto na wala naman doon kanina. Tumigil ako dahil naisip ko na baka nandun lang yung partner ko.

Sumilip ako ng bahagya sa door frame dahil walang pinto. Nakita ko ng onti ung piano. Pumasok na ako at nabigla ako sa nakita ko. May katawang nakasabit na mukang nagbikti. Sa sobrang takot at gulat ko ay napatakbo ako sa hallway na wala doon kanina at sa dulo ng hallway may nakita akong picture ko. May golden name plate pa, nakalagay doon ang pangalan ko at "Died on December 2". Sa sobrang takot ko nagpalpitate na ako at nakaramdam ako ng lamig sa likod ko na parang sinosuffocate ako.

---------

May ginawa rin po akong ENGLISH VERSION lng po nito ^^

Field TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon