[[insert music here: Chasing cars]]
Pagbukas ko ng pinto ay nalaglag ang panga ko. Si Papa nasa kitchen ulit nagluluto. Naugat yung paa ko sa sahig ng umikot siya at lingunin ako. Taimtim niya kong tinignan pabalik bago magsalita "Magbihis ka na, kumain na tayo" Tumango ako ng dahan dahan at nagmadaling umakyat sa kwarto. Nagbihis at nag ayos. Nagmadali rin akong bumaba subalit ay nagdahan dahan na ko papasok ng kitchen. Nagsisimula na siyang kumain, maingat akong umupo sa harap niya at kumuha ng kanin at ulam na nakahanda sa harap ko. Sinigang ang iniluto nito para sa aming unang hapunan. Tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang pumapalibot na ingay sa hapag. Binabagalan ko talagang kumain. I just want to stay with this. With him. Ng matapos ay hinigop ko pa sa bowl ko ang sabaw na natira. Napapikit pa ako sa tamang pagkakatimpla ng asim ng sinigang ni Papa. Kinilig kilig pa ko.
Narinig ko siyang tumikhim at naabutan ko ang mga mata niyang nakatuon sakin. Malulungkot ito at mukhang pagod na pagod. Tumayo siya saglit at lumabas ng kusina. Bumalik naman ito agad na may hawak na sobre. Inilahad niya ito sa akin. Napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Here.." ani niya sabay kuha ko ng sobre. Nanlaki ang mata ko ng makitang ang laking pera ang nasa loob nito. Sabay balik ng tingin sa kanya. "Panggastos mo sa school kasama na ang mga tuition mo diyan. Huwag kang mag-alala ipapadala ko sa atm mo ang pangbayad ng kuryente, tubig at pang grocery mo every month. Pati na rin ang allowance mo. Eto ang cellphone na binili ko sayo.." sabay lahad ng cellphone sakin na nasa box pa at Huawei ang tatak. "Tatawagan na lang kita. Nasa contacts ang number ko. Call me if you need anything." pahabol nito. Tumalikod na ito at maglalakad na palayo ng niyakap ko siya sa likod. Napahagulgol na lang ako. Bumuntong hininga siya at marahang kinalas ang pagkakayakap ko. Nag uunahan pa rin sa pagtulo ang luha ko ng humarap siya. "Magpapakalayo-layo na muna ako para makalimot. 16 years na kong ganito. At gustong gusto ko na makalimot. Kapag nakikita at nakakasama kita ay nahihirapan akong makalimot. Parehas na parehas kayo hindi lang sa pisikal na kaanyuan pati ugali at kilos. Nahihirapan ako pag nariyan ka..." Napayuko ako. Sobrang sakit lahat ng binato niyang salita sakin. Ang unfair niya sobra. Hindi lang naman siya yung nasasaktan dito. Pati din ako. Nawalan ako ng ina kasabay ng pagkawala ng obligasyon niyang maging ama ko. "Call me if you need anything.." ani nito, aalis na sana siya ng magsalita ako.
"I don't need anything.." nanginginig na sabi ko. Napatigil naman siya "I only need a father.. I only need you..Please..Huwag ganito, huwag mo po akong iwan." Pumiyok ang boses ko dahil sa pag iyak. Ilang minuto lang siyang nakatayo pero naglakad pa rin paalis. Wala pang mas sasakit sa makitang unti-onting paglayo sayo ng Ama mo. Ang pagtalikod sayo na maging anak. Ano bang nagawa ko?
Napaluhod ako, kanina pa nanginginig ang tuhod ko. Sobrang hinang-hina na ang katawan ko. Hindi ko na nakayanan pang tumayo ng mawala na siya sa paningin ko. Tulo ng tulo ang luha ko sa pisngi ko. Umasa kasi akong magbabago siya. Na magbabago ang lahat. Nag assume akong mararamdaman ko ng magkatatay. Pati pagmamahal ng ama sa anak. Pero hindi pala. Iniwan na nga ako ni Mama tapos ngayon iniwan ako ng sariling Ama ng dahil hindi niya kayang makita at makasama ako dahil sa bawat paggalaw ko ay naalala niya si Mama.
--
Sumikip ang dibdib ko habang umiiyak na nakatanaw sa balcony ng kwarto ko. Pinapanood kong hilahin ni Chris ang maleta niya sa likod ng kotse niya at isampa ito. Wala akong magawa. Nagtama ang mga mata naming mag ama ng lumingon siya sa direksyon ko. Ang mga matang gustong makalimot at magpakalayo-layo, ang hirap lang ng ganito. Yung pinapanood mong umalis yung nagiidang tao sa buhay mo. Siya na nga lang ang natitira sa akin, aalis at iiwan pa ko. Now I don't have anything. And I'm totally lost. Humagulgol ako ng mawala na sa paningin ko ang kotse ni Chris, ng Ama ko. Iniwan niya na nga ako. Hindi ito panaginip o ano. Totoo ito.
Bye Dad ..
[[Please end the music here..Thankyou]]
**
BINABASA MO ANG
Opposite Words
RandomLahat ng bagay may kabaligtaran, lahat ng salita meron. Bakit pa kasi naimbento ang salitang 'opposite'? At gamitin ito. Pwede namang kasingkahulugan na lang. Lahat ng sinasabi mo walang iibang kahululugan. Pagsinabi mo ganoon din ang kahulugan na m...