OW❤:3rd

42 0 0
                                    

"Ceris, susulitin ko na yang pagkaanghel mo, kasi panigurado balik gago ka nanaman pagtapos ng party" Pagbasag ko sa katahimikan.  Napatawa siya ng mahina, nagsasayaw pa rin kami "Ganuon ba ako kasama sa paningin mo? Is it being formal sometimes is bad?" utas niya, napangiti lang ako. At hindi umimik. Nagpalit na ulit ng musika. awtomatikong napadantay ang ulo ko sa dibdib ni Ceris, I just feel comfortable. Naamoy ko ang pamilyar na pabango nito. Sumabay lang ako sa sway niya. I want to stay with this. Yeah..I am falling harder for his traps and I don't care what will happen next. Naramdaman ko rin ang pagdantay niya sa akin, parang magkayakap na kami ngayon. Kinikilig ako hihi!

"I'm falling....I'm falling...Inlove with you" Ang ganda ng kanta, damang dama ko. Napapikit ako sa sobrang kumportbale. Minsan lang maging mahinahon pagkami lang ang magkasama. Kaya susulitin ko na.

"Uh, bro pwedeng mahiram si Dianne?" napakalas kami ng marinig ang boses ni Migz, nakapula siyang suit at black na tie. Ni hindi ko man lang naalala siya, hindi ko kasi siya napansin. Tumingin sa akin si Migz at ngumiti. Tumango naman ng dahan-dahan si Ceris, nakipaghigh five pa si Migz habang dahan dahang kumakalas sa akin ni Ceris. Parang nanlumo ako ng hindi ko na maramdaman ang bisig nito sa akin. Nakatingin lang ako sa likod ni Ceris habang papalayo sa amin.

"You're so beautiful Dianne." napakagat labi niyang sabi. He was sweet tho. At hindi ko ring malagkailang gwapo at mistiso ito. Ngiti lang ang isinukli ko sa kanya. Nakatingin lang ito sakin habang palipat lipat ang mata ko.

Isang kanta lang ay nagaya na ko na magpahinga, dahil nakakapagod. Hinatid naman ako ni Migz sa table namin kung saan naandun si Ceris.

"Thank you Migz" ani ko bago bumaling kay Ceris. Seryoso ang mukha niua, hindi siya lumingon sa akin. Nanatili kaming tahimik hanggang sa pinabalik na ang mga partner sa kani-kanilang table dshil magsstart na ang Soulmate Dance. Nagtilian ang iba sa sobrang excitement. Una nunang pinatayo ang mga lalaki. Pinaform sila ng malaking bilog. Ng maayos na ay pinatayo na ang mga girls. Pumunta kami nila bessy sa pwesto namin. Magkatalikod kami ng mga boys, at pagstart ng music sabay sabay kaming humarap. Nagstep forward kami ng katapat ko at nagbow. I think third year 'to. Ngumiti siya kaya ganuon din ako. Ginawa namin ang step pagpalit ng music ganun ulit kaya lang umiikot at nagpapalit palot ng partner. Iba-iba ang makakatapat mo. Marami kang mamemeet. "Hi I'm Jason" nagtawanan kami ng kaharap ko, sinapak ko siya ng pabiro "Magkakilala tayo gago" natatawa konng sabi habang nagsusway kami. Tumawa lang siya. Sa sunod na palit ng music ay iba ulit ang nakapartner ko. Ang saya, andami ko ng nakilala. Yung iba nambobola pa. Napapailing na lang ako. Ilang minuto pa ang lumipad ay nagsalita ang emcee "Okay this is your last dance it's already 11:58. Goodluck" naghiyawan kami. Ni hindi ko alam kunh sino ba ang makakatapat ko. Nakatalikod kami ngayon sa mga boys ganuon din ang mga boys. At pagplay ng music ay sabay-sabay kaming haharap. It was cute na may ganitong pasabog ang school. Soulmate Dance. I mean hindi ako 100% na naniniwala pero nakakaexcite.

"5" Nagsimula ng magcount down ang emcee kaya mas lalo kaming naexcite. Nagdim na ang lights meaning magready na kqmi sa pagharap sa magiging final partner namin. "4!" may nasasagap akong kwento na mayroon daw na gumagraduate dito na nagkatuluyan after nilang maging partner sa soulmate dance "3"

"2"

Nagcross finger ako. Umaasang sana kunh sino man ang makakapartner ko, siya na

"1!!"

Nagsimulang magplay ang music, dahan dahan akong tumalikod. Dim pa ang lights kaya hindi ko maaninag ang kaharap ko, lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nagstepforward kami. Unti-onting lumiwanag at unti-onting naging malinaw sa akin kung sino ang kaharap ko. Our eyes met lalong nagwala ang sistema ko. Nagbow kami parehas at lumapit na sa isa't-isa para magsayaw. Dahan dahang kong nilagay ang kamay ko sa balikat niya ganuon din siya sa bewang ko. Hindi kami nagiimikan, parehas lang kaming nakatingin sa isa't-isa. This time mas slow at mas sweet ang flow ng music. Nagdim ulit ng kaunti. Ramdam ko ang malakas na kabog ng puso ko. Hinigit niya pa ako palapit sa kanya. Kaya naramdaman ko ang katawan niya. Naamoy ko na rin ang pamilyar na perfume niya. Napatingin ulit ako sa mga mata niya. Nag init ang pisngi ko ng maabutan nakatuon ang tingin niya sa labi ko. Tumaas din ang tingin niya sa mga mata ko. Nakita ko ang adams apple niyang tumaas baba. Napalunok ako ng parang maramdaman kong magnet sa kanya. Unti-onting lumapit ang mga mukha namin. Isang dangkal, naamoy ko na ang hininga niya. Nagdikit na ang noo at ilong namin hanggang sa sabay kaming napapikit ng maglapat ang mga labi namin. It was very romantic, ang first kiss ko, sa first crush erase love ko. Nung una ay hindi ko pa alam kung paano humalik kaya sinabayan ko na lang siya. He was a good kisser darn it.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Opposite WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon