Someone's POV
"Ihahanda ko na po ba sila, master?" tanong ng isang babaeng mahaba ang buhok at nakayukod sa harap ng kanyang pinuno na nakatayo sa harap ng malaking bintana at may hawak2 na goblet na may pulang likido.
"SA tingin ko ito na ang oras para umpisahan ang laro. At magsisimula tayo sa umpisa, titingnan natin kung hanggang saan ang kaya niya sa pag protekta ng kanyang mga kaibigan." humarap ang pinuno sa babae at ngumisi lamang ito sabay inom ng pulang likido sa kanyang goblet. Tumayo naman at yumukod muna ang babae bago umalis sa silid na iyun.
"Hmmm... maghanda kana rin Katalina," napahagikgik naman ang isang babaeng naka higa sa mahabang sofa sa loob ng silid na iyun. Pa kembot kembot pa itong lumakad palabas sa silid na may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Xenon's POV
Tatlong araw na ang nakaraan mula ng umalis si axiel dito sa academy at tatlong araw ko na din siyang namimis. Sa ngayon, ako muna ang namamahala sa buong zodiacs.
At masasabi kung matiwasay naman ang loob ng academy kait medyo may mga pasaway paring mga estudyante, di naman natin yan maiiwasan eh. Nandito naman kaming mga zodiacs na patuloy na gumagabay at nagpapanatili ng kaayusan sa underground world. Nga pala magkakasama kaming lahat sa iisang table sa cafeteria at nagkakasama pa din kami sa aming headquarters.
Miss na miss ko na ang axiel ko, wala na din naman akong matanungan kasi umalis din sina amyr at acer may mahalaga pa daw silang aayusin at ayun din sa kanila ay pinapatawag din sila ng lolo ni axiel. Sa madaling salita magkakasama na nman silang tatlo. Di din naman nila sinabi kung saan silang lugar basta pupunta sila sa mansyon nina axiel.
Sa kasulukuyan, narito ako sa loob ng room namin nakatingin lang sa labas ng bintana. May bago na nman kasi kaming kaklase at tatlo sila, dalawang babae at isang lalaki. Di ko nga alam bakit tumatanggap pa ng mga transferrees ang Hell Empire School na to. tsk,.
"Ayumi Kuroda" napatingin ako sa transferrees ng marinig ko ang malamig na sabi ng babaeng mahaba ang itim na buhok. napaka misteryoso nila at kakaiba ang aurang dala dala, parang katulad din ng aura noon nina axiel.
"Katalina Imperial" sabi naman ng isang babaeng kung maka ngiti ay wagas at nagpapa cute pa ito. Mahaba din ang buhok nito at katulad ng kay axiel ay kulay puti din ito, masyado lang ngang maiksi ang suot nitong uniform na parang makikita na ang kanyang pwetan. Napa ismid lamang ako ng makitang nakatingin siya sa akin at nag wink.
"Exekiel Hiroshi" isang cold na tinig at nakaka intimidate na aura ang pinapalabas ng exekiel na to. Blonde ang kulay ng buhok nito na medyo chinito ang mga mata at masyado siyang maputi para sa isang lalaki, hindi.. masyado silang maputi pero mas maputi parin si axiel sa kanila. Yung pagka puti nila ay katulad ng kina acer at amyr.
Kung ang pagdating ng tatlong yan ay sisimbolo ng panibagong gyera, pwes... handa kaming ipaglaban at protektahan ang akademing ito. Sa kahit anu pang paraan...
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Amyr's POV
"nakakainis!! bat ang rami rami parin nila?" kanina pa ako nag re- reklamo kasi kanina pa kami sinusugod ng mga level E vampires na ito. Hindi naman sa hindi namin sila kaya pero nakakainis na talaga, mag da- dalawang oras na kaming nagpapatayan dito.
Napalingon ako sa pwesto ni acer, katulad ko kanina pa din yang reklamo niya. Pero wala kaming magagawa.. Sumugod sila kaya papatayin at uubusin namin sila.
"Amyr.. sa likod mo!" rinig kong sigaw ni acer sa akin kaya mabilis akong tumambling palikod at hinawakan ang ulo ng vampirang ito at pinaikot at binali, mabilis ko ding hinugot ang puso nito.
Natumba at naging abo ang katawan nito kaya napatingin ako sa pwesto ni axiel.
Napanganga lamang ako sa aking nakikita, pinapalibutan siya ng limang mga level E vampires pero sing bilis niya lang silang dinaanan at natumaba lahat at naging abo kitang- kita ko din ang pag durog niya ng mga puso na para bang isang maduduruging bagay lamang ito.
Sa kanyang paligid ay tila tapunan na ng mga cre-nimate na mga bangkay. Ang raming mga abo na nanga bundok nah at ang kanyang mukha? wala kang makikitang anumang emosyon tila nagbabagang mga mata niya lamang na sing kakulay ng preskong dugo na hinaluaan ng kulay lilang likido ang makikita mo at ang kanyang buhok? na ngayon ay sing pula na ng isang napaka gandang pulang rosas sa umaga, mga kukong matatalim at mahahaba. Isang nakakatakot na napaka gandang nilalang ang ngayong walang kapaguran sa humpay na pagpatay sa mga sumugod sa amin.
Tila naglalaro lamang ito sa kanyang paligid. Napatanga nalng kaming dalawa ni acer sa kanya dahil sa inubos na niya ang mga ito.
"uwi na tayo." nagkatinginan pa kami ni acer bago sumunod sa kanya. Ang lamig ng kanyang tinig at walang bakas ng kahit na anupamang emosyon ang mababanaag mo dito. Parang nagbago na ang aming axiel, simula ng maabutan namin siya sa loob ng mansyon ng kanyang lolo.
Anu naman kaya ang sinabi ng lolo niya? At sigurado akong may malalim na dahilan siya..
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hello hello???., sorry at ngayon lang naka pag UD',. Hope you enjoy this guys',. :)
BINABASA MO ANG
HELL'S ANGELS (complete)
ActionMeet your new playmate.. and live in a life of hell in the hands of three angels!! Know their goals and secrets,.