"Masakit makita yung mahal mo na hawak ng iba.
Masakit malaman na hindi na ikaw yung taong mahal niya.
Masakit na sya masaya na, Ikaw hindi pa.
Masakit na pinapakita niyang mahal ka niya, kahit ang totoo ginagago ka na. Masakit. Sobrang sakit."
sabi nga nila..
"The most painful goodbyes are the ones that are never said and never explained." Totoo to! Totoong totoo to.:(
Para to sa ex-boyfriend ko, para sa taong naging parte ng buhay ko, para sa taong nagparamdam sakin kung pano magmahal ng SOBRA. Para sa taong hindi DAW magsasawang mahalin ako. Para to SAKANYA. oo, para to SAYO.
Naaalala mo pa ba nung mga panahon na pinakilala ko sayo ang Wattpad? Lahat ng stories ni Jonaxx pinapabasa ko sayo, nagustuhan mo, natuwa ka, kaya binasa mo lahat. Sa lahat ng stories na nabasa mo kay Elijah Montefalco ka na-hook. Natatandaan mo pa ba? Na sa sobrang adik mo sakanya halos gayahin mo na sya? Hanggang sa naging ako ang "Klare" mo. Naging ako ang "baby" mo. Nagbago na tayo ng endearment, naging ako ang baby mo, at ikaw naman ang baby ko. Natatandaan mo pa ba? Nung mga panahon na habang binabasa mo yung nakakaiyak na part sa buhay ni Klare, e tatawagan mo ko? Para malaman ko na naiiyak ka. Lahat ng reaksyon mo sa kwentong yun gusto mo malaman ko. Mabasa mo kaya tong isusulat ko para sayo? Sana oo. Sana. Sana.
BINABASA MO ANG
To my Ex.
Short StoryAn open letter for my ex-boyfriend. "Never be sad for what is over, just be glad that it was once yours."