"Sometimes we forgive people, not because they deserve it, but because we deserve peace."
Alam mo ba kung ano yung pinaka-memorable moment na hindi ko makakalimutan sa mahigit apat na taon nating magkasama? Yun yung araw na umuwi ka ng probinsya. Unang beses na hindi tayo magiging magkasama sa pasko at bagong taon. Dumaan yung pasko, araw araw at gabi gabi tayo magka-usap, parang ang lapit lapit mo pa din. Hanggang dumating ang bagong taon, exactly 12 midnight tinawagan mo ko habang umiiyak ka, habang sinasigaw mo na "Happy New Year baby!! Mahal na mahal kita!" natawa ako, tinanong ko kung bakit ka umiiyak, sabi mo "Ewan ko! sobrang miss na kita eh! Di ako sanay na di kita kasama ngayon!" na-touch ako! Tinatawanan lang kita kasi tuloy tuloy lang yung iyak mo habang kausap ako. Priceless yung pag-iyak mo nung panahon na yun, ang sarap sa feeling, sobrang ramdam na ramdam ko kung gano mo ko ka-miss at kamahal nung araw na yun! Everytime naaalala ko yun, kahit nasasaktan ako napapangiti pa rin ako. Kasi alam ko, minahal mo ko.
Thank you! Thank you sa lahat ng saya na binigay mo sakin, sa lahat ng pagco-comfort everytime may pinagdadaanan ako, sa pang-iinis sakin madalas, sa pagyakap sakin ng mahigpit para iparamdam kung gaano mo ko kamahal! Thank you sa mga panahon na pinagbabawalan mo ko umalis, atleast kahit papano naramdaman kong may pakielam ka sakin. Thank you sa lahat ng harutan natin, sa pgsipa sakin everytime sinisipa din kita, sa pagsabunot sakin everytime sinasabunutan kita, sa pagsuntok sa braso ko everytime sinusuntok kita! Sa pangingiliti ng paa ko hanggang sa malaglag tayo sa kama dahil sa pagpalag ko! Thank you kasi napasaya mo ko! Sobra! Sobrang thank you kasi naranasan ko lahat ng to. Thank you so much sa experience!
At sorry, sorry sa lahat ng nagawa ko sayong hindi mo nagustuhan. Sorry sa mga panahong nasaktan din kita. Alam kong hindi pa dito natatapos lahat. Kaya ko to, alam kong hindi lahat ng umaalis ay bumabalik. Tanggap ko na. Baka sa susunod na pagkikita natin may asawa't anak ka na, alam ko pangarap mo din yan, ang magkaron ng sariling pamilya. Ako? I-eenjoy ko muna ang buhay, hahanapin ko na din yung sarili ko na nawala ng dahil sayo. Maybe someday I'll get back my heart, maybe someday I'll get back my pride. Maybe somewhere down the road, I'll forget to remember you. Mahal pa din kita. At mamahalin kita hanggang sa huling pagkakataon, pagkatapos BITAW NA!
So this is my goodbye. Bibitawanan na kita. Aalisin ko na lahat ng pag-asa sa puso ko. Hindi na ko hihingi ng sagot sa lahat ng mga tanong ko. HINDI MO NA AKO MAHAL. HINDI NA AKO YUNG TAONG GUSTO MONG MAKASAMA. Yun na yung sagot. I need to start a new life. Yung maayos, yung hindi komplikadong buhay. Yung ako lang. Yung walang dine-dependehan. I miss myself so much! Time heal all wounds. At the end, everything will be worth the pain. And I know one day, I will get over you.
Thank you, Sorry and Goodbye!
BINABASA MO ANG
To my Ex.
Truyện NgắnAn open letter for my ex-boyfriend. "Never be sad for what is over, just be glad that it was once yours."