Two

100 4 1
                                    

Nung sinaktan mo ko, wala man lang akong nakita na kahit konting lungkot o pagsisisi sa ginawa mo sakin. Wala kahit konti. Punong puno ng lakas ng loob yung pagtataboy mo sakin nung mga panahon na hinahabol kita. Proud na proud ka pa! Kaya ang sakit sakit! Bakit ganun kabilis mo ko tinapon? Nagsawa ka ba talaga kaya ka naghanap ng iba? Minahal mo ba talaga ako? Naging masaya ka ba sakin? Gusto ko marinig lahat ng sasabihin mo, gusto kong marinig yung sorry mo sa lahat ng pananakit mo sakin, kahit yun nalang.

Tinigil ko yung paghahabol sayo, kasi mukha na akong tanga. Tinigil ko kasi kung lagi mo ako makikita hindi mo marerealize na wala na pala talaga ako. Naiisip mo ba yun? Naiisip mo pa din ba ako kahit minsan? Hindi naman biro yung 4 years di ba? Naka-move on ka na ba talaga agad? Nakalimutan mo na ba talaga ako?

Pagod na ako. Gusto ko na tumigil, pero ang hirap. Kahit anong pigil ko sa sarili ko na tama na, tigil na, awat na! Ayaw padin makisama eh. Dumadating pa rin yung time na maiisip kita, tayo, tsaka kayo, na akala ko okay na ko pero masakit pa din. Hindi ko talaga naisip na sa lahat ng taong mahalaga sakin, ikaw yung mananakit sakin ng ganito. Bakit ba kasi?

Hindi ako tumitigil sa paghahabol sa isip ko, kaya nga pagod na pagod na ko eh, kasi ang layo layo mo na. Hindi mo naman talaga ako deserve eh, kasi I deserve the best! I deserve to be happy. Hindi yung ganito.

Iniisip ko nalang na ganito talaga eh, kailangan ko talaga to maramdaman lahat, para matuto na ko, para next time na magmamahal ulit ako hindi na lahat ibibigay ko, ang hirap hirap ng magtiwala dahil sa ginawa mo sakin. Sana maisip mo naman kung gano to kasakit! At sana wag mo na ulitin sa iba. Ayokong makitang kinakarma ka. Sana masaya ka sa pinili mo, sabagay hindi mo naman sya pipiliin kung hindi ka masaya eh.

Nandito lang ako lagi, hinihintay ko pa din lahat ng explanation mo sa nangyari, hindi na ako natatakot marinig lahat ng reasons mo kahit gaano man kasakit yan. Nasaktan narin naman ako, wala na ring magbabago.

Ang dami kong inisip nung iniwan mo ko, na baka gusto mo lang mag-explore, na baka gusto mo lang tumikim ng iba, o baka kasi gusto mo na mag-asawa, na baka natatagalan ka sakin kaya humanap ka na ng iba. Nakikita mo pa ba ako? Proud ka ba na iniwan mo ko? Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi naman ako yung nawalan eh, sobrang loyal ko sayo, sobrang mahal na mahal kita kahit maraming may ayaw, tinanggap kita kung ano at sino ka, binigay ko lahat. Kaya naisip ko, hindi nga ako nawalan. Sana maging masaya ka na.

Sa totoo lang, ayoko sa bago mo. Ayoko sya para sayo, ayoko mapunta ka sa may anak na. Naniniwala pa rin ako na you deserve someone better, hindi ko sya hinuhusgahan dahil sa may anak na sya, siguro ayoko lang makita ka na ganyan ka lang! Gusto ko pag nakita kita masasabi ko na, "Ay! Kaya naman pala ako iniwan, kasi may mas better sakin!" pero sabagay, yun lang naman yung gusto ko para sayo, syempre importante pa rin kung ano yung gusto mo. Tinanggap naman kita kahit ano ka, yun nga lang ayoko ng ganyan ka lang. Gusto ko mag-grow ka as a person, gusto ko maging mas better ka. At kung sa tingin mo sa piling ka nya mas mag-go-grow or mas magiging better, okay na ako dun. Kung masaya ka na, I need to be happy too.


To my Ex.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon