Dearest Ex,
Hanggang ngayon nagtatanong pa din ako kung "BAKIT"? bakit tayo nagkaganito? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako niloko? Bakit sobrang bilis mo akong kalimutan?
Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako ng sagot mo.
Hanggang ngayon masakit padin.
Masakit pa din na makitang masaya ka na sa iba, masakit pa din na malaman na hindi mo na ako mahal.
Hindin ko nakitang mahihiwalay tayo ng ganun ganun lang. Binigla mo ko, iniwan mo ako sa ere. Ikaw masaya na sa piling ng iba, pero ako eto, naghihintay pa rin na baka sakaling marealize mo na ako pa din! Na ako nalang, Ako nalang ulit!! Sabi mo hindi mo ko deserve, alam ko. Ramdam ko. Pero gusto ko ikaw eh, kahit masakit, kahit mahirap, kahit sobrang komplikado. Gusto ko ikaw pa din! Sabi mo dati ako lang, sabi mo dati mahal mo ako, sabi mo dati hindi mo ko lolokohin? Anong nangyari? Bakit ka nagbago? Sana nung una pa lang kung hindi mo na ako naramdaman, sana sinabi mo agad, hindi yung ganito. Hindi yung kailangan mo pa ako lokohin para lang bitawan kita. Pinakita ko naman sayo kung gano ako katakot maloko mo di ba? Kaya nga ako selosa eh, kasi natatakot na ako na lokohin mo ko ulit. Akala ko alam mo na, akala ko naiintindihan mo ako.
Sobrang sakit tong ginawa mo sakin. Nung sinaktan mo ko, hindi mo man lang inisip lahat ng pinagsamahan natin, tinrato mo ako na parang naging walang kwentang girlfriend ako sayo kaya ganun ganun mo nalang ako itapon. Ang dami dami kong tanong kung bakit mo ko ginanito? Saan ba ako nagkulang? Hindi ko alam. Ang sakit kasi, binigay ko lahat ng makakaya ko para sayo, para wag mo kong iwan, para wag mo na akong lokohin, pero kulang pa din pala. Kulang pa rin pala talaga ako para sayo! Hindi pala sapat na naging mabait ako sayo, dahil yun pala ang naging dahilan kaya mo ko iniwan. Naghanap ka ng thrill. Naboring kasakin. Akala ko okay na ako eh. Akala ko okay na ako sainyo. Actually tanggap ko na nga eh, tanggap ko na may iba ka na. Kaya lang masakit pa din talaga eh. Halos araw-araw, maya't maya, tuwing gigising at bago matulog naiisip ko lahat. Naiisip ko lahat kung bakit mo nagawa sakin yun? Kung bakit ganun kabilis lahat? Hindi mo man lang pinaramdam sakin na wala na pala. Pinaramdam mo pa sakin sa huling saglit na mahal mo nga ako, kahit ginagago mo na pala ako. Wasak ako alam mo ba yun? Gusto kong ipakita sayo na okay ako, na okay lang ako.
Ayoko na maramdaman lahat ng to! Gusto ko na maging manhid.
Dati, sabi mo sakin ikaw yung laging iniiwan. Kaya sabi ko sa sarili ko, hindi ko gagawin sayo yun.Hindi kita iiwan. Ayokong makitang nasasaktan ka. Nakalimutan kong isipin yung sarili ko, nakalimutan kong isipin na baka ako yung iwan mo, nakampante ako masyado na mahal mo ko, na hindi ka magbabago, pero mali ako. Mali na naman ako. Kasi ikaw lang yung inisip ko, hindi ko matanggap na yung taong takot kong saktan ay yung taong walang takot na mananakit pala sakin. Ang hirap tanggapin.Sobrang hirap, gustong gusto ko na makausad sa sakit na to, kaya lang hindi maalis alis lahat ng tanong sa isip ko, "Ano bang nagawa ko?Bakit mo ako ginanito?" gusto ko ng sagot.
BINABASA MO ANG
To my Ex.
Short StoryAn open letter for my ex-boyfriend. "Never be sad for what is over, just be glad that it was once yours."