Mga bandang 4-5 pm na kami naka alis ng bahay ng friend ko para pumunta sa moa, para sa book signing at best of anime sa smx. Nag mrt kami from Q Ave papuntang Taft. Ambon pa lang ung binababa ng langit nun. Kaso pagbaba namin ng mga kasama ko sa taft station, biglang bumuhos ung napakalakas na ulan! Hindi namin inexpect un kaya aun, bago makasakay ng sakayan(parang van na hindi aircon, hirap eexplain. Hehe) papuntang moa, basa na kami. Ok lang naman, kaso ung pag baba ung mahirap. Hinanap pa namin sa google map kung san banda ung smx sa moa. Nung nakita namin, edi nagmadali kami, malapit na kasi mag 7, patapos na ung book signing kumbaga. Habang inaantay na makarating kami ng moa, sobrang kabado ako na hindi makaabot. Ang main goal ko kasi dun is ung makita ko si ate shiela at makapa book sign.
Bumaba na kami, 5 kami, 4 ang may payong. Wala ring sense kasi nabasa din naman kami at ung sapatos namin nabasa na at may tubig na sa loob. Natanaw na namin ung smx, nagmamadali kami nun kasi baka nga hindi na makaabot. Nagtatalon na kami hindi lang mabasa ng sobra ung pantalon namin, nagmistula kaming palaka na pa lipat lipat ng lugar papalapit sa smx. Ang epic pa nun, nadulas ung kasama ko habang ginagawa namin ung "frog hop" na un. Sa kalagitnaan ng ulan at sakto, pagbagsak nya, sumara din ung payong. Dami pang nakakita. (Salamat pala sa kasama ko na talagang pinagbigyan ako na unahin ung book signing.)
So un, hinanap namin ung entrance, ang dami pa naming napagtanungan, may sumagot pa na parang tapos na daw un, pero hindi pa rin kami nag give up. Hanap hanap pa rin hanggang sa may nakaturo na sa hall 1 daw sa may stage area, edi takbo kami, kahit na basang basa kami ng ulan at may sari sariling hawak na payong. Bumili ng entrance ticket, take note, kaming lima bumili kahit na ako lang naman magpapapirma at sumama lang sila. Nakakatuwa diba? Hehe
Naghanap kami ng cloak fiction sign at nagtanong na rin hanggang sa nakita na namin ung signing area, nagtanung kami tapos pinapila, so ako naman, pila naman. Yung iba kong kasama pumunta na dun sa Best of Anime convention. Sabi nung nag aassist ng pila, buti naka abot ako. Mga 15 mins to 7 pm na kasi un. Hinihingal pa ako nun. Sa unahan ko, may nakilala pa ako, hindi ko masyadong naintinindihan ung pagkakasabi ng name nya, ang narinig ko, eloy daw. Babae po sya. Hindi ko alam kung tama. Sorry po.
Nung nagbigay ng number, pang 96 na ako. Hanggang 100 lang ata ung napirmahan. Di ko lang sure. Mabilis naman umusad ung pila. Hanggang sa malapit na ako. Kinakabahan ako. First time kong makikita si ms sielastreim. Nung ako na, super ngiti ako. Nag hi sya. Ako rin nag hi. Ito convo namin.
(Not exact words ung iba po.)
Ate shiela: anung name mo?
Me: Fenny po.
Ate shiela: Jenny?
Me: Fenny po. F-E
Ate shiela: ah, L-L?
Me: N-N po.
Ate shiela: ahh, Fenny, Alcantara?
Me: Ahhh, opo opo.Nagulat ako, super. Ang saya ko, ung mata ko sobrang kinang sa saya sabi nung kasama ko. Sabi ko sa sarili ko, Nakilala nya ako, nakilala nya ako. Oh my god.
Nanginig pa ako at pinipigilan ko mag teary eyes sa harap ni ate shiela. At nung nagsulat na sya. Sobrang tuwa ko talaga. Nag thank you na sya, tapos nag pa pic ako. Kaso dahil sa nanginging nga ako at ayaw kong mahalata ni ate, ayon, blurred ung picture. Nagpasalamat na rin ako at kinamayan ko sya. As in shake hands.
Pag labas ko dun sa mismong area, nanginging pa rin ako sa tuwa at teary eyes na talaga. Nasabihan pa ako ng OA. Haha pero ok lang, sobrang saya ko, nasabi ko kaagad sa kasama ko na nakilala ako ni ate shiela. Sobrang gulat at saya ko. Ang galing lang ni ate shiela at nakilala nya ako kahit na unting post lang ako sa group at tinag ko lang sya ng isang beses ata.
Nakakataba ng puso na ung isa sa hinahangaan mong author ay nakilala ka. Sobrang sulit ung pagsugod sa ulan, pagtalon talon at pagmamadali. Sobrang saya ko na tipong lalo mong hinangaan ung dati mo ng hinahangaan dahil sa nakilala ka nya.
Sa message mo ate shiela, you're welcome po. I will not only keep the memories, i'll also treasure them and make it one of my inspiration to make my life better.
THANK YOU PO Ate Shiela, Ms SIELASTREIM. Worth it po ng sobra.
MONTELLO HIGH: School of Gangsters.
-Fenny Alcantara
A fan that will keep the montello high memories forever.
BINABASA MO ANG
FIRST TIME EXPERIENCE SA MIBF 2015
De TodoFirst Time Experience na mag attend ng book signing event.