[11] Not the bracelet

3.2K 38 9
                                    

DAXTON'SPOV

Hala. Si Chase 'to diba? Tumakbo sya paalis.

Hayaan mo, alam ko na lahat lahat. Kelangan ko tong sabihin sakanila, baka may babalaking masama si Chase saamin. Baka naninira lang sya. Kailangan 'tong malaman ng lahat.

{Sa bahay...}

"KUYA! MOMMY! DADDY!" Sigaw ko sa loob ng bahay.

Lahat sila nagtakbuhan sa sala kung nasaan ako.

"Ano nangyari?"

"May sunog?"

"Sino buntis?"

Hahaha. Mga 'to!

"Hindi! May sasabihin ako sainyo. K-Kilala nyo ba si Chase yung new member namin?"

"Bakit bro, anong nangyari?" Tanong ni kuya.

"Kasi ano.........ano.....um.......teka, nawawalan ako ng hininga kakatakbo."

Huminga muna ako 10x.

"Ok na. Alam ko na lahat! Si Chase--"

Ring ring ring ring.

"Teka. Sagutin mo muna ang telepono, Rolly." Sabe ni mommy.

Sinagot naman ni daddy yung tawag.

"Hello?.........Ha?............O sige.......Alam ko naman di mo na kailangan tumawag.......Ok.....Ge bye."

"Sino yon?" Tanong ni mommy.

"Officemate ko. Pinaalala lang yung overnight shift ko."

Tss! Yon lang!? YON LANG!?

"O go. Tuloy mo na sasabihin mo." Sabi ni Kuya.

"Ano kasi....aish....si Chase kasi...ang totoo nyan--"

Ring ring ring ring.

NAKANANG KULANGOT! KAINIS! BA'T BA NAGSISITAWAGAN MGA TAO NGAYON!

"Phone mo ata yun Dax."

Tsss. Tinignan ko yung tumatawag. Unknown number.

"Hello?"

May inis sa tono ng boses ko.

"Hoy Dax, kung ano man yang sasabihin mo sakanila, wag mo nang ituloy."

Hala. O________________O

"Sino 'to?"

"Riley!"

Nilayo ko muna yung phone.

"Labas lang ako ah." Sabe ko sakanila at lumabas ng bahay. "So ikaw yung bestfriend na fake girlfriend."

"Alam ko namang alam mo na eh. Kanina pa kita, nakikita sa mall pero wag mo ng tanungin kung paano. Ako, sinasabi ko sayo, pls lang, wag mo ng sabihin kahit kanino."

"Eh bakit muna?"

"Hays. Mamaya, buksan mo yung facebook mo, may minessage ako sayong link ng private recording ko sa soundcloud. Doon ko sasabihin sayo ang lahat lahat. Pero habang di mo pa naiintindihan, wag mo muna ipagsabi. Pls lang. Alang alang sa pangarap ng bestfriend ko."

Hayss.

"O sige na promise."

"Sige mamaya, 6 pm ha tignan mo inbox mo."

I am number 7thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon