[41] Secrets Lies and Disaster II

1.5K 31 13
                                    

Dedicated ito kay KyleRish06 dahil nagpadedic sya. kayo din. Just comment below. Nakakamiss din magdedic ya know? ;)

--

FRANCINE'SPOV

"DADDY! DAX! HUHUHUHU."

Pareho sila daddy at Dax na nilagay sa stretcher at isingod na sa ICU.

"Ma'am hanggang dito nalang po tayo." Sabi nung nurse.

"Nurse, buhayin nyo silang dalawa! Parang awa nyo na pls! I can't lose them!"

"We will try our very best Ma'am. All you gotta do is pray." Payo sakin nung nurse sabay pasok sa ICU.

Hindi!!! Hindi puwedeng mangyari 'to!!! Oo I have to blame daddy kung bakit nya pa kasi syang magayaya ng buwis buhay na laro para lang sakin! Pero hindi muna sa situasyon nya ngayon. Omygosh! Kailangan kong tawagan si Mommy!

*ring ring ring ring*

Mom pls pick up the phone.

"Hello Francine?"

"Mom!!! huhuhu. Mommy andito kami ngayon sa Lady of Lourdes hospital. Mommy naaksidente sila daddy at Dax!"

"WHAT!? YAN NA NGA BA SINASABI KO!!!! PUPUNTA NA KO DIYAN, WAIT FOR ME OKAY FRANCINE!? TATAWAGAN ULIT KITA!!"

End call. Bakit? Bakit ako binalaan ng manghuhula? Tama yung hula nya. At kailangan kong pigilan sila pero huli na ang lahat. Mga 10 minutes ay nakarating na rin si Mommy.

"Mommy!" Bigla ko syang niyakap.

"Nasaan ang daddy mo? Nasaan!?"

"N-Nasa I-ICU p-po."

"Ano bang nangyari!? Naabutan mo ba ha!? You were there right!? Sabi ko na nga ba eh! Omygosh sana pumunta na lang ako!" Bigla syang umiyak.

"Di ko na naabutan. Mommy I'm-I'm so sorry.... "

"Damn it Francine sabi ko puntahan mo na! Wala ka na talagang alam basta sa daddy mo ano! Palibhasa, kay Dax nalang palagi! Palaging Dax! Daxton na yan leche kayo!!!"

Dinidiinan nya ang pagturo sa ulo habang pinapagalitan ako. Wala akong magawa kundi umiyak na lang. Kasalanan ko naman talaga 'to lahat eh.

"Daxton Parmaceda and Nico Estrada?" Tanong nung doctor na kalalabas lang.

"Kami po."

"Uh....kaninong relative kayo?"

"Ako po ang asawa ni Nico at ito ang anak ko." Ani Mommy.

"Kaano ano nyo po si Daxton Parmaceda?"

"Boyfriend ko po sya doc."

"Nasaan ang family nya? Kailangan kontakin ang mga magulang ng binata. This is a severe news."

"Tatawagan ko po mamaya, pero kumusta na po ba?" Tanong ni mommy.

"Well, I'm sorry to tell you this....isa lang sakanila ang puwedeng mabuhay."

"What do you mean?" Tanong ko.

"50/50 ang condition ni Mr. Parmaceda at gayon din sa asawa nyo, misis. Iisa lang ang supplier na kinukuhaan nila ng oxygen. Wala ng iba. Kaya pumili na po kayo."

I am number 7thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon