i

4 0 0
                                    

Kylee POV

Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat. Naguguluhan parin ako. Sabi ni papa, wala naman daw akong kasalanan kasi ako yung nabangga. Pero ang problema kasi...

...nakabangga din ako.

Di ko alam kung paano ko ibabalik ang lahat sa oras. Sana hindi nalang ako umalis nun sa bahay. Sana nagkulong na lang ako maghapon. Sana nakinig na lang ako kay mama. Sana kaya kong ibalik yung araw para sana, hindi ako nakasakit ng tao.

Ang dami kong sana. Sobrang dami. Pero parang wala naman na din akong magagawa..

"Miss. Malalim yang tubig jan. Mahihirapan kang huminga kapag tinuloy mo yang balak mo."

Napatingin ako dun sa lalaking nagsalita di kalayuan. Bakit niya ba ako pinansin pa! Gabi na nga, wala na nga dapat makakita! Ano pa bang paki niya?!

"Wag mo kong pakialaman. Wala kang alam sa pinagdaraanan ko."

"...Bakit? May alam ka rin ba sa pinagdaraanan ko?"

Muli ko syang nilingon. Unti-unting naliwanagan ng buwan ang mukha niya. Nakaitim siyang leather at may gitara pang nakasukbit sa likod niya. Nakangiti siya sakin na parang hindi sineseryoso yung ideya kong tumalon dito sa tulay.

"Silence means yes diba?"

Naglakad siya papalapit sakin, pero imbes na hilain niya ako pabalik sa lupa, ay sumampa rin siya sa tulay katulad ko na akmang tatalon din sa mga susunod na oras.

"Pareho nating di alam ang pinagdaraanan ng isat-isa. Actually, pwede rin akong tumalon dito katulad ng gagawin mo. Pero hindi ko gagawin. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

"Kasi malalim."

Ha? Parang napatulala ako sa sinabi niya. Walang sense talaga yung sinasabi niya. Aba! Akala niya ba mapipigilan niya akong tumalon? Hindi ko alam kung pinagttripan ako nito o kung ano eh.

"Umalis ka na nga. Walang sense yung sinasabi mo."

"Meron. Malalim yang tubig, pag tumalon ka jan, mamamatay ka."

"Tungaw ka ba? Malamang kaya ako tatalon kasi gusto kong magpakamatay!"

"Alam ko. Pero, pag namatay ka ba, palagay mo sasaya ka?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Alam kong sobrang bigat ng pinagdaraanan ko ngayon. Kahit na ilang araw nang nakakalipas mula ng gabing yun. Gusto ko na talagang tapusin ang buhay ko para naman sana mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Pero, sasaya nga ba ako?

"Alam mo, sabi ng kakilala ko, di option ang pagiging masaya. Choice yun. Alam mo ba pinagkaiba ng option sa choice?"

"Ano?"

Nilingon niya ako ng nakangiti bago siya tumalon pabalik sa lupa. Maya maya, may kung ano siyang kinuha sa bulsa niya sa likod at inabot sakin.

"Punasan mo muna yang luha at uhog mo at bumaba ka dito. Yun ay kung interesado kang malaman ang pinagkaiba ng option sa choice."

Matagal akong tumitig sa mukha niya. Malay ko ba kung sino tong baliw na to? Pero sige. Hindi naman siguro masamang pakinggan ang sasabihin niya bago ako tumalon.

"Ang daldal mo."

Umupo ako mula sa pinagkakatayuan ko. Umupo naman siya sa tabi ko at nilabas niya yung gitara niyang nakatago sa guitar bag na dala niya. Ini-strum niya yun at tinono bawat isang string.

"Nagbabanda ka no? Kaya siguro nasa labas ka pa ngayong disoras ng gabi."

"Pano mo naman nasabi?"

Pinunasan ko ng panyong bigay niya yung mukha ko. "Malamang sa porma mo! Tapos may dala ka pang gitara. Malamang yun ang iisipin ko."

"Hmm.. So kung pagbabasehan sa itsura mong namumula ang mata at ilong, puting dress at tsinelas, magulong buhok at nasa labas ng dis-oras ng gabi... White lading narape ka no?"

"ANO?!"

Hinampas ko nga ang sira ulo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko eh. Abnormal na to, sabihan ba naman akong white lady tapos tawa pa ng tawa?!

"Sira ulo ka ba?! Hindi ako multo at lalong lalong di ako narapeeeee!"

Tumatawa pa rin ang hayop. Sakalin lo to eh. Pasalamat siya di kami close -_-

"Eh bakit gusto mong magpakamatay?"

Tiningnan ko siya ng masama.

"Wala kang pake."

"Pass dapat."

"Anong Pass?"

"Kapag ayaw mong sagutin ang isang tanong, ang tamang sagot, Pass."

Unbelievable. Ano ba namang klaseng tao tong kausap ko?

"Fine. Pass. Balik tayo sa tanong ko kanina, anong pinagkaiba ng option sa choice?"

"Pass. Hahahahahahaha."

"Baliw ka ba? Pinaupo mo ko dito para sa tanong na yan tapos di mo rin pala sasagutin?!"

"Haha. Di naman sa ayaw kong sagutin. Malalaman mo kasi yung sagot dun based on experience. Mahirap kasing i-explain."

Tumayo ako sa pagkakaupo. Nakakaumay kausap tong lalaking to.

"Bakit nga ba ako nakikinig sayo? Pinapatagal mo pa ang buhay ko! Umalis ka na nga at hayaan mo ko."

"Tulog na, hayaan na muna natin sila.. Mamaya. Hindi ka na nila kaya pang saktan. Matulog. Matulog ka na.."

Halos tumaas ang balahibo ko sa bigla niyang pagkanta. Ewan ko, pero parang mas naramdaman ko ang bigat ng mga bagay bagay sa buhay ko. Parang bigla nalang bumuhos sa mga mata ko ang luhang hindi maubos ubos mula nung gabing yun.

"Hindi kita pagkkwentuhin kung anong nangyari. Ayokong maalala mo kung anong hirap na meron ka ngayon. Isipin mo nalang, natutulog ka. Lahat ng problema, haharapin mo paggising mo. Sabihin nating, ako yung dream catcher mo. Okay ba yun?"

Tinitigan ko siya ng mas matagal. Di naman siguro siya masamang tao, diba?

"Baliw ka ba?"

"Medyo. Malapit na actually. Tara. Kape tayo?"

Ngumiti lang siya tapos naglakad na siya palayo.

GenreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon