iii

4 0 0
                                    

Kylee POV

Maingay ang paligid. Hindi ko alam kung ano na nga bang nangyayari. Naguguluhan. Natatakot. Halo-halo ang pakiramdam ko...

Lalo na nung makita ko siyang nakahandusay at duguan sa harap ng sasakyan ko..

Nanginginig ko siyang nilapitan kasabay ng pagbuhos ng luha sa mga pisngi ko.

"Hindi ko sinasadya..."

Hikbi. Takot. Parang madudurog ang puso ko. Nababalot siya ng dugong lulan sa pagkakabangga ko. Hinawakan ko ang kamay niya. Nung panahong yun, naramdaman ko ang paghahabol niya ng hininga.

"Alam ko.."

"Patawarin mo ko hindi ko sinasadya.. Patawarin mo ko, patawarin mo ko.."

Hindi ko siya kilala. Pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

"Dadalhin kita sa ospital. Miss sorry.. Sorry.."

"...hindi na ako aabot."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi pwede. Hindi siya pwedeng mamatay.

"...ssabihin mo k-kay Lenard.. Mahal na mahal na mahal ko siya."

Unti-unting sumara ang mga mata niya.. Kasabay ng paghinto niya ng paghinga.

Hindi pwede... Hindi pwede.... Wag!

Waaaaaaaaag!!!!!

"KYLEE!"

Napabalikwas ako ng tayo. Nanginginig ang mga kamao ko. Bumibigat ang dibdib ko. Bakit kasi kailangan niyang mamamatay?

"Napatay ko siya.. Napatay ko siyaa."

Niyakap ako ni Robin. Mahigpit na yakap. Nalulungkot ako sa tuwing ganito. Napapanaginipan ko siya. Palagi. Gabi gabi.

"Bakit ganun? Di ko naman sinasadya Robin. Hindi ko naman ginustong masagasaan siya.."

"Shhh. Kylee. Nananaginip kalang. Tapos na yun ha? Wala kang kasalanan."

Hindi ko parin mapigilang maiyak sa tuwing naaalala ko ang gabing yun. Sana hindi nalang ako sumama sa birthday party ni Marian sa Bar. Dapat nakinig ako sa pakiramdam ni mama. Ang iniisip ko kasi, hindi naman ako mapapano. Hindi naman kasi ako uminom eh.

Yun nga lang, di ko naisip na madumi ang kalsada. Nakainom yung driver ng truck kaya nabangga niya ako... Kaya nabangga ko siya.

"Andito na tayo."

Pinark ni Robin yung sasakyan sa parking space at pagkatapos ay bumaba siya ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. Kinuha ko naman sa backseat ang bulaklak na binili ko mula sa daan. Naglalakad kami papasok sa pasilidad. Ilang linggo rin akong nagpabalik-balik dito para dalahan siya ng sariwang mga rosas...

Malamang. Kung hindi naman kasi dahil sakin, hindi siya nakalibing ngayon dito.

Umupo ako sa puntod niya. Hinawakan ko ang pangalan niyang nakaukit sa lapida. Hindi kami kailanman naging magkakilala, pero pakiramdam ko, dapat ko tong gawin dahil napakalaki ng kasalanan ko sa kanya.

"Nandito na ako ulit.. Lagi pa din kitang napapanaginipan. Sorry ha. Hindi ko sinasadya talaga.."

Hindi ko mapigilang tumulo ang mga luha ko. Sa tuwing naiisip kong nakapatay ako ng walang malay na tao.. Parang paulit-ulit na nadudurog ang puso ko..

"Ayaw parin niya akong kausapin eh.. Galit na galit sakin si Lenard. Sinisi niya ako sa nangyari sayo.. Ni ayaw niya makipagkita. Sabagay. Deserve ko naman yun. Ako naman kasi yung may kasalanan talaga eh. Sorry.. Sorry talaga.."

Simula nung magising ako sa aksidente, hinanap ko siya agad. Kaso huli na nung sabihin nila mama na napatay ko siya. Parang gumuho ang mundo ko nun. Kaya nga pinuntahan ko agad ang mga magulang niya para humingi ng tawad. Pero hindi sila galit sakin at hindi nila ako sinisisi. Ang kinasuhan nila ay yung truck driver na bumangga sa akin matapos na malamang lasing siyang nagmaneho ng sasakyan. Nabawasan ang takot ko nun, pero may kulang.

Hindi ko pa nakakausap si Lenard.

Si Lenard yung huling pangalang binanggit niya bago ako nawalan ng malay. Kaya hinanap ko sya. Kaso ayaw niya akong kausapin. Galit na galit siya sakin. Ni hindi ko pa siya nakikita. Sabi ni Robin, pinaabot ng mga magulang niya at kaibigan ni Lenard ang pagtanggi niyang makausap ni makita man lang ako. Ayaw daw niyang malaman ang pangalan ko at kinamumuhian niya raw ako. Syempre masakit sakin.. Hindi ko naman kasi ginusto yung nangyari. Nagdrive lang naman ako. Hindi kasi ako makahingi ng tawad eh. At hindi ko rin masabi sa kanya yung huling mga salitang inihabilin sakin na dapat kong masabi sa kanya.

"...ssabihin mo k-kay Lenard.. Mahal na mahal na mahal ko siya."

Alam ko namang mali ako eh. Pero bakit ganun? Hindi ako mabigyan ng pagkakataong itama yung kasalanang hindi ko naman ginusto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GenreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon