Tragedy

3 0 0
                                    

Sky POV

Umakyat ako sa stage at tumayo sa harap ng napakaraming tao. Pero walang ibang tumawag ng pansin ko kundi siya lang. Siya na nagbago ng lahat sa akin. Yung babaeng nagturo sa akin na ang pagiging masaya ay hindi option kundi choice. Yung babaeng nagbigay liwanag sa bawat araw ko. Yung nag-iisang babaeng nagpatibok ng puso ko.

"Actually, hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko para sayo..."

Hindi parin napapawi ang mga ngiti niya sa mga labi. Komplimento sa suot niyang peach na dress at mala-rosas na labi... Napaganda.

"...kaya, ikakanta ko nalang siguro. Sana magustuhan mo."

Sinimulan kong i-istrum ang gitara. Handang damahin ang bawat tunog na pilit ilalabas sa pagkakataong ito.

"Tulog na mahal ko, hayaan na muna natin ang mundong ito. Lika na, tulog na tayo..."

Maraming tao sa paligid pero.. parang kami lang talaga yung nandito sa pagkakataong to.

Yung tipong parang huminto yung oras. Yung wala akong naiisip na iba, kundi kami lang. Kaming dalawa lang.

"Tulog na mahal ko. Wag ka lumuha.. malambot ang iyong kama, saka na mamroblema... "

Pinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko man nakikita pero alam kong masayang masaya siya. Ganito kasi kami eh. Pipikit ako. Kakantahan ko siya. Tapos makikinig lang siya sakin.. At kalaunan ayun, sasabay na sya sakin. Hanggang sa sabay na kaming kakanta.

"Tulog na. Hayaan na muna natin sila."

Pero taliwas sa ekspektasyon ko. Walang sumabay. Dumaloy ang hangin sa tahimik na paligid. Yung tipong wala talaga akong marinig sa kanya. Kahit buntong hininga.

"Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan."

Pero nabasag ang katamihikan ng marinig ko ang yabag ng paa niya... Marahan. Papalapit sa kinatatayuan ko. Papalapit sa piling ko.

"Matulog.. Matulog ka na.."

Ibinalot niya sa akin ang mga braso niya mula sa likod tulad noong unang gabing nagtampuhan kami. Oo. Niyakap niya ako.

...Napakalamig na yakap.

GenreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon