Chapter 19

1.3K 30 2
                                    

"Di ka na nagtext kagabi. Di ka pinayagan?" tanong ni Aimee sa kanya. Nasa cafeteria sila at nagmemerienda.

Andaming text na nataanggap niya kagabi mula kay Aimee ngunit kaninang umaga lang niya nabasa ang mga iyon.

Uminit bigla ang pisnge niya dahil sa tanong ni Aimee. Naalala na naman kasi niya kung ano ang nangyari kagabi. Till now, nahihiya pa rin siya about it though she feels very happy pero talagang nahihiya pa rin siya kapag naaalala iyon. Nahihiya siya na kinikilig deep inside. Ang gulo no? Pero yun talaga yung nararamdaman niya.

"Actually, nakatulog ako kagabi kaya di na ako nakapagpaalam sa kanya. Late kasi siyang nakauwi," pagdadahilan niya. Di siya makatingin ng diretso kay Aimee habang sinasabi iyon. Itinuon na lang niya ang pansin sa kinakaing carbonara. Mabuti na lang at mukhang di na nag-usisa pa si Aimee tungkol kagabi. Mukha namang naniniwala ito sa sinabi niya.

"Nga pala, samahan mo ako mamaya sa gym," sabi niya. "Huh? Why?" Tanong ni Aimee na natigil sa ere ang hawak nitong fork na isusubo na sana nito.

"Sasali ako sa audition. I've read on the bulletin board that Polaris band is looking for a new female vocalist na duet for their lead vocals."

"What?! You sure about that? I mean, do you really wanna be part of that band?" Aimee's eyes are bulging like it's gonna jump out from her eyeball sockets.

Troian finds Aimee's reaction so weird but she ignored it anyway.

"Yeah, matagal ko ng gustong sumali sa isang band, ngayon lang ako nakakita ng chance," sabi niya.

"Oh! Ok."

Kinahapunan, nagtungo nga sila sa gym. Puno ng tao yung gym pagkadating nila. Lumapit sila sa mga lalaking nakaupo sa table sa harap ng stage. Yun kasi siguro ang bandang nagpapa-audition. Nakatalikod ang mga ito sa kanila.

"Excuse me," tawag niya sa isa sa apat na lalaking nakaupo dun. Lumingon naman ito. Nagulat pa siya pagkalingon ng lalaki dahil familiar yung mukha ng lalaki.

"Yes?" sabi ng lalaki na nakataas ang isang kilay. "I'll join the audition," sabi niya. "Sure!" agad nitong sagot tas napatingin ito sa likuran niya. "Aimee!" the guy stood up and walk past at her.

Sinundan niya ito ng tingin. The guy hugged Aimee and they seem so close. She raised a brow.

"Sasali ka sa audition?" Nagulat pa siya nang may nagsalita sa likuran niya. Hinarap niya ito.

"Railey! Ba't ba para kang kabute na sumusulpot na lang bigla!" inis niyang sabi. "Saka, anong pakialam mo kung sasali ako sa audition?!" pagatataray niya. Nakairap pa siya rito. She heard him chuckle. "Of course, may pakialam ako kasi ako ang lead vocals ng banda.

"Whaaaaat???!!!" napaka- oa niyang reaction. Halos lumuwa na ang mga mata niya dahil sa panlalaki.

Railey raised a brow and smirked at her habang naka-cross pa ang mga arms nito sa dibdib. "Ano? Back out ka na?" hamon nito. Nawala lahat ng gulat niya nang marinig ang sinabi nito. Bumalik uli ang mataray niyang aura. "Why would I? Jerk! Tss!"

Napahalakhak naman ito. "Talaga ha? Tiyakin mong di basag yang boses mo, mapahiya ka pa dito!" pambubuska pa nito.

"Whatever! Tignan natin kung sino ang mapapahiya mamaya!" matapang niyang sabi. Aba siyempre! Di niya ito uurungan.

"Well, goodluck!" Pi-nat pa nito ang balikat niya saka siya tinalikuran.

Nabalik niya ang atensyon niya sa lalaking kinausap niya kanina. Nakatingin pala ito sa kanya at si Aimee at nakangisi pa ang mga ito na tila ba naaaliw sa nasaksihang pagtatalo kanina.

Buenavista Series 3: Leonardo: Shotgun MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon