Chapter 21

1.8K 30 3
                                    

Eksaktong 7 pm nang makarating si Troian sa bar kung nasaan ang gig nila. Nakatanggap na rin siya ng text from Yuan saying na nandun na sila at siya na lang ang hinihintay. Sinalubong agad siya ng napakalakas at heart-pumping music nang papasok na siya. Neon lights and smoke are dancing everywhere.

Nakakaagaw-pansin siya sa mga tao dun sa bar habang naglalakad siya papasok. Sino ba naman ang di makakakapansin sa gandang taglay niya. She's so stunning tonight. She's wearing a black mini dress paired with tiger-printed Jimmy Choo pumps. Her smoky make up adds to her sexiness.

Andami ng tao sa loob at nagtataka siya dahil maaga pa naman. May nakita pa siyang ilang grupo ng mga kababaihan na may dalang banners na sumusuporta sa banda nila at yung iba naman ay kanya-kanyang suporta sa apat na lalaking kabanda niya. Tas yung iba nagsuot pa ng shirt na may print na Railey Love Club. Napapa-iling na lang siya sa mga nakikita. Di na siya nagtataka pa kung naghahakot ng fans yung mga kabanda niya. Bukod sa mga gwapo pa ang mga iyon ay talagang magagaling sila. Yeah, aminado na talaga siyang gwapo nga sina Railey but still, wala pa ring papantay kay Leo sa kagwapuhan. Para sa kanya, si Leo ang pinakagwapo sa lahat ng lalaki dito sa balat ng lupa. Kalebel na nito ang mga greek gods sa kagwapuhan. Makalaglag panty talaga!

Habang hinahanap ang mga kasama ay may mga kakilala pa siyang nakasalubong. Yung mga dating schoolmates niya. Beso doon, beso dito. Kamustahan dito, kamustahan doon. Kaya ang resulta, antagal niyang nahanap sina Railey.

"Hoy! San ka galing?!" sigaw ni Railey sa kanya nang sa wakas ay nahanap niya ang mga ito. Nakapwesto ang mga ito sa isa sa mga v.i.p lounge.

"Sorry ha?" Note the sarcasm. "Pano, andami kong kakilala rito kaya yun, I was forced to socialize a lil' bit. Wala namang masama dun di'ba? At para na rin sa image ng band. Ano na lang ang sasabihin nila? Na snob ang bago niyong female vocals?" pagtataray niya.

"She's right dude! Chill down! Tsaka may fifteen minutes pa bago magsimula ang gig natin," sabi ni Yuan na nakatingin sa kanya habang nagsasalita tas nag-wink pa ito sa kanya.

Tinaasan niya lang ito ng kilay tas umupo na din sa tabi ni Marco. Mabuti ng kay Marco tumabi, at least ito, di talaga to magpapahangin sa kanya.

She smiled at Marco. Gumanti rin ito ng ngiti sa kanya. Nagkwentuhan muna sila sandali. Tas maya-maya lang ay tinawag na sila para mag-ready. Magpe-perform na sila.

She took a deep breath. "Don't be nervous, dito lang ako," narinig niyang bulong ni Railey sa kanya nang nasa stage na sila at magkatabing nakatayo doon.

Nawiwirduhan naman siya sa mokong na yun dahil bigla-bigla na lang naging mabait sa kanya. Pero kahit ganun, she managed to give him a smile. Tas nagkakapagtaka din dahil those simple words calm her. Parang bigla-bigla ring nagtiwala siya kay Railey.

"Good evening guys! Na-miss niyo ba kami?" Nakasigaw pa talaga si Railey kahit na naka-mic na ito. Tumili naman ng pagka-lakas-lakas ang mga fangirls ng mga kabanda niya. Napapa-iling na siya.

"I would like to introduce, our new member, Troian!" dagdag pa ni Railey. The audience clapped. May mga lalaki pang sumipol sa kanya.

After that quick introduction, nagperform na sila. 5 sets ang ikinanta nila and masasabi niyang successful naman ang una niyang performance. Batid din naman kasing maganda ang pagtanggap ng fans ng Polaris sa kanya.

"Wohoooo!!! Ang galing mo!" tili ni Kendra sabay yakap. Sinalubong siya kaagad nito pagkababa sa stage. Na-text na niya si Kendra about their gig bago pa man siya magpunta rito. Nasurprise pa nga ito dahil kasali na pala siya sa banda.

"Party na!!!" sigaw naman ni Aimee na naki-umpok na din sa kanila. Magkakakilala na din ang mga ito nang minsan niyang isama si Aimee sa hangout place ng mga friends niya.

Buenavista Series 3: Leonardo: Shotgun MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon