CHAPTER 3.5 - Cosplay

23 4 0
                                    

CHAPTER 3.5 COSPLAY

" oi athena ! totoo ba? kayo na ni Neil?!!"

" shunga ka ba sis eh di ba andun tayo nung nagtapat si Neil? grabeh nakakakilig kaya."

" sinagot mo na ba?"

 ok pinagpyestahan na ako ng mga tsismosa dito. tss

" oi miss president sagutin mo na kasi yung tanong namin"  with yugyog effect pa sa akin.

" fine. kami na nga. happy now?"

" KYAAAAAAAAAAHHHHH!!! "  sige sumigaw pa kayo sa harap ko. hindi ko lang alam kung hindi pa maglayas yung eardrum ko -_- parang mas kinikilig pa sila kesa sa akin. umupo ako ng ayos at nagsimulang ibahin ang usapan

" nga pala, marami na bang dumating dito?"  cafe/restaurant kasi yung theme namin pero napaka unprofessional nung mga classmates ko dumating lang ako bigla na lang nagsialisan sa trabaho nila at pinagtsismisan ako.

" miss isang chocolate sundae nga dito."   sabi nung isang customer namin. see? pinabayaan nga nila.

" ah eh sige yun lang po ba mam?"  hay.. kelangan ko na talagang tumulong sa mga ito. nagpunta ako sa locker room at kinuha yung isang uniform dun. waitress uniform. at pumunta sa classroom.

" welcome mam and sir . please have a sit."  colgate smile :D haha mukhang effective naman yung beauty ko ang dami na kasing pumapasok bwahahaha. kamusta na kaya si Di? pagkatapos ng shift ko nagpapalit muna ako kay mary . isa kong classmate tapos umalis na at naglibot para i check yung ibang booth.

" awoooo... awooo.."  may isang duguang lalakeng naka pang sundalong outfit ang lumapit sa akin ng tumapat ako sa isang classroom. may narinig akong hiyawan dun sa loob. haunted house siguro to. i stared at him yung pamatay. halos naniningkit na nga yung mata ko eh.

" awo-ngehh.. ay sorry po miss president si-sige po pa-pasok na po a-ako sa lo-lo-loob. waaahh"  sabay takbo sa loob na nakataas pa ang dalawang kamay. haha. nakaktakot na ba ako ngayon? wala naman akong mga dugong effect sa mukha ko eh. tsaka ang cute ko kaya sa uniform ko. hindi pa nga pala ako nagpapalit. 

" ang cute mo miss president! "

" hala, miss president kaw ba yan?"

" waaahh ang cute mo naman ate pede ka bang ligawan? "  isang highschool student ata yan, haha. medyo nakakaflatter naman ng mga sinasabi nila kaso parang nakakailang lang at nakakainis na rin . nagpunta na ako sa may locker room pero bago pa man ako makalapit eh nakatagpo ako ng mga babaeng nagsisigawan.

" kyaaa!! papa Neil nandyan na kami."

" grabeh nagsimula na daw yung cosplay nila."

" can't wait to see my beloved Neil naka cosplay ng isang anime."

" parang hihimatayin na ata ako dito.. wag naman sana hindi ko pa rin nakikita si papa neil!"

" i love you Neil papunta na ako dyan!!  hintayin mo ako!!"

 ok so yan yung mga ever supporting fans ni Di. ay nga pala cosplay yung kanila. mapuntahan nga well its my duty din na puntahan ang bawat booth di ba? hehe at para rin makita ko ang pinakamamahal kong boyfriend. ehem. parang di pa ako sanay haha. sumilip lang ako sa may bintana. waaahh!! ang cucute nilang lahat. ang daming nagpapapicture sa kanila pero teka asan si Neil? hindi ata sya nagcosplay. babalik na sana ako ng nabangga ako sa isang poste.

" aray! bakit kasi hindi ako nag iingat. eto naman kasing poste na to alam na dadaan ako hindi man lang nagadjust."  hindi ko na lang pinansin yung poste tapos naglakad na lang " asan na kaya si Di? bakit di sya pumunta dun?"  para akong shunga na kinakausap yung sarili ko. teka nga lang poste.. poste sa loob ng building? meron ba yun? tumingin ako sa likod ko kung nasaan yung inaakala kong poste.

"akala ko hindi mo marerealize Mi. hello!"  totoo ba to bakit ako kinakausap ni Luufy. oo si Monkey D' Luffy nga ng one piece.  at tsaka Mi daw oh? WAAAHHH!! si LUFFY!!! CRUSH KO KAYA YUN :3

" LU-LUFFY? WAAHH KELAN KA BA LUMABAS NG TV?"

" teka nga lang Mi, wag kang sumigaw baka makita  nila ako dito."

" kyaa!! bakit mo ako tinawag na Mi? si neil lang tumatawag sa akin nun? "  grabe kung kilala nyo si luffy di ba parang naka vest lang sya tas palaging kita yung mga abs nya tapos naka short lang at may straw hat. so hindi nga poste yung nabangga ko kundi yung dibdib nitong si Luffy ang tangkad din kasi eh. parang si Neil lang

" ano ba MI, ako ito si Di! " di? kung ganun..

" NEIL?!! " napasigaw na ako nyan kaya mukhang narinig nung mga tao sa loob. waahh pinagkaguluhan si Neil tapos parang naitulak na ako paalis. waahh T_T ehem. president here. tsaka nandito yung GIRLFRIEND no! yan tuloy ang daming nagpapapicture sa kanya, si Neil naman napa poker face na lang at ngumiti sa bawat camera na makikita nya. yung ngiti ni luffy na halos labas yung gilagid hehe. parang ganun yung ngiti ni Neil ay teka kelangan kong pigilan tong mga babaeng to.

" ahm excuse me." 

" waahh! neil este luffy papicture naman!" FAN1

" pede bang pumasok na kayo sa mga sarili nyong room"

" Neil  bagay sayo ang character ni luffy !!" FAN2

" wag nga kayong magkagulo dito!"

" kyaaa!! love na love talaga kita Neil.!! pede bang iuwi na kita sa amin?"FAN3

  haixt! galit na ako!!ay wala talaga silang naririnig? pwes

" EVERYONE!!KANINA KO PA KAYONG SINASABIHAN. NOW, I WANT YOU OUT OF MY SIGHT THIS INSTANT. !!!!"  galit na talaga ako nyan. buti na lang natigilan silang lahat at paglingon sa akin biglang nagtakbuhan.

" hay grabe nahihigh blood na ako sa kanila! "

" Mi, pati ba ako kasama dun sa sinasabihan mo?"

" oo baka kasi pagkaguluhan ka na naman dito."

" nagseselos ka noh?'

" huh? sino ako?  hindi ahh."

" eeeiiiiiii.. di nga ? by the way ang cute mo sa damit mo gusto mong sumali sa cosplay?"

" ayoko magpapalit na nga ako eh."

" dali na Mi please? "  nagpout pa sabay kiskis ng palad nya.

" aish, sige na nga pero i'll not hang around for so long ha. "

" yehey tara na sa loob."  sabay akbay sa akin. nadamay pa eh -_- pagpasok namin sa loob nagtinginan sa amin lahat paano ba naman si luffy nakaakbay sa tulad kong naka maid uniform. sino bang hindi maguguluhan pero bigla na lang naglapitan lahat sa amin. 

" ang cute nyong dalawa. promise! papicture please.!"

" grabe miss ang cute mo. picture tayo please."   narinig ata ni Neil yung sinabi nung lalake sa akin.

" hindi pede. walang makakaagaw sa akin ng one piece ko! "  haha. bagay talaga sa kanya yung character ni luffy kasi pareho silang batang isip. :D pero sa tingin ko mahal ko na talaga yung lalakeng ito. sana we can last forever. i hope there's no happy ending coz' i really don't want to end up this thing. i hope he will be the man that i can hold on to until eternity. naks nagpapaka cheesy na din ako eh.

Call me Ms. PetrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon