CHAPTER 1

38 2 0
                                    

Yshen Pov

Hilam ng luha ang mata, Sa apat na sulok ng kwartong ito wala kang maririnig kundi puro hikbi. Hikbi na naglarawan ng sakit at pagiging helpless.

Ayaw kong idilat ang mga mata ko kasi natatakot akong idilat ito, baka pag dilat ko totoo lahat ng masamang panaginip ko kagabi.

Pero hindi eh...kailangan kong imulat ang mga mata ko. kailangan kong magising sa katotohanan.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko then Booom reality hits me.

Nandito pa rin ako sa kwarto na kagaya ng nasa panaginip ko.
hinayaan ko lang tumulo ang luha ko.

Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas, agad kong pinunasan ang luha sa mata ko.

Nang matuon ang paningin ko sa taong pumasok. Agad akong umatras sa headboard ng kama
nanginginig ang tuhod ko sa sobrang takot.

Kagabi paulit-ulit niya akong inangkin. kahit anong paki-usap ko hindi niya pinakinggan, sarado ang isip niya.

At hindi ko matanggap na sa isang katulad lang niya napunta ang iniingatan kong puri. wala ng natira sa akin kinuha niya ng lahat, Wala siyang puso.

Di ko mapigilan ang mga luha ko ng maalala ko ang nangyari kagabi. Paulit-ulit sa isipan ko ang ginawa niya sa akin, diring-diri ako sa sarili ko.

"Eat" utos niya sa mahinang tinig sapat na para madinig ko. Bago niya nilagay ang pagkain sa side table.

Yumuko ako at hindi umimik.

" eat"ulit niya. Hindi ko siya pinansin nakayuko lang ako.

"I SAID EAT" he shouted and his jaw clenched.

Ayaw kong kumain mas mabuti ng mamatay. Nakayuko pa rin ako hindi ko siya pinansin.

Nararamdam ko ang mabangis niyang titig na nanunuot hanggang kaluluwa ko. I did'nt utter any word.

nagulat nalang ako when he grabbed my jaw and squeeze it tightly at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

" pag sinabi kong kumain ka. kumain ka. naiintidihan mo" he said through gritted teeth.

Napilitan akong tumango dahil sa galit na nakikita ko sa mga mata niya.

"Sagot" napapikit ako dahil sa tinis ng boses niya.

"oo. naintindihan ko" wala sa sarili kong sagot.

At doon niya padabog na binitawan ang panga ko. Nagsimula ng mag ulap ang mga mata ko kaya yumuko ako at saka ko hinawakan ang panga ko. Masakit.

Padabog siyang umalis. Napapikit ako ng halos masira ang pintuan sa lakas ng pagsara niya.

KANINA pa ako nakatitig sa pintuang nilabasan niya. Pilit kong inaabsorb ang lahat ng nangyari sa akin. Nabuhayan ako ng pag-asa ng may biglang pumasok na idea sa utak ko.

Dali-dali akong bumaba sa kama. Sana hindi naka lock ang pinto kailangan kong tumakas.

Ngunit nawala ang konting pag-asa na mayroon ako nang pagpihit ko ng siradura hindi bumukas, Tumingin ako sa paligid nakita ko ang bintana sa gilid ng kama natabunan ng makapal na kurtina.

Tumakbo ako patungo doon at dali-daling hinawi ang kurtina. Nakalock sinubukan kong buksan ngunit nabigo lamang ako.

Nanghihina akong umupo sa sahig.

Wala akong ka idea-idea kung bakit niya ako kinidnap. Sa itsura niya pa lang hindi mo iisipin na isa siyang kidnapper atsaka he seems very familiar to me.

"what the..?" napaangat ako mula sa pagkakayuko dahil sa lakas ng sigaw niya.

My heart beat fast when he looks furiously mad.

Hinablot niya ang braso ko kaya napatayo ako.

"Aray" daing ko dahil sa higpit ng pagkawak niya sa braso ko. Magkaka pasa yata ako.

Umusbong ang takot sa dibdib ko.

"akala mo ba makakatakas ka?" paano niya nalaman?.

ngunit nasagot ang tanong sa isip ko ng magsalita siya ulit.

"this room is monitor by CCTV. Kaya kung may balak kang tumakas. Well bitch mag-isip isip ka?" matigas niyang sabi.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin" hindi ko mapigilan itanong.

Dahil sa tanong ko nag-dilim ang aura niya. Humigpit ang pagkahawak niya sa braso ko and his other hand form into fist.

"Sayo wala...." naguluhan akong tumingin sa kanya.

"Hu-h?" sa lahat ng gusto kong itanong. Yun lang ang tanging namutawi sa bibig ko.

Anong pinagsasabi niya?. kung wala siyang kailangan sa akin bakit niya ako kinidnap?. Ah oo nga pala kailangan niya ng pera. dahil ba may itsura siya kaya hindi ko inisip na he's after money?.
Sino ba naman ang hindi magka-interes sa yaman ng pamilyang pinanggalingan ko?.

" kung ganoon bakit di mo tawagan ang pamilya ko para sa ransom money na kailangan mo. At pakawalan mo ako"

He smirk.

"Do you think i'm after your money?" matigas niyang sabi.
"I don't need your money." After he said it, he grab my arm.

"Bitiwan mo ako hayop ka." hysterical kong sabi. Nagpumiglas ako.

Hinila niya ko at binagsak sa kama.

PAAAAKKK

Halos mabingi ako sa lakas ng sampal niya

"Ikaw ang kapalit sa ginawa ng kuya mo sa akin. He took away the two important persons in my life. iparamdaman ko sa kanya ang naramdaman ko."

After he said it he walk away. Paglabas niya siya namang pagbuhos ng luha ko. Napahagulhol ako ng iyak.

Hindi ko maunawaan ang ibig niyang sabihin. Binanggit niya si kuya.

»»»»»»»»»»»
#DU30

The Heartless KidnapperWhere stories live. Discover now