It all started fine,You were standing on stage with your guitar and your eyes we're locked up on mine.
I should say I'm one lucky fan.
Am I?
------------------------
Wala akong ibang hinangaan noon kundi ikaw, ikaw na laging nakangiti sa camera di gaya ng iba mong kabanda na masungit akala mo kung sino na.
Ginusto kitang makita, mahawakan at mayakap grabe ang pag fangirl ko sa banda niyo lalo na sa iyo.
Luke Robert
Unang beses ko palang narinig ang kanta niyo noon ng magpunta kayo sa school dahil naimbitahan kayong tumugtog para sa christmas party ng school namin hindi ko na maiwasan ang mapanganga sa tuwing nakanta ka, parang anghel ang boses mo kahit ang pag tipa mo sa gitara ay napaganda.
Pero hindi ako nakalapit sayo dahil andami mong fangirls.
Isang araw sumikat ng sobra ang banda niyo, from isang banda na tumutugtog lang sa youtube at sa mga events at ilang TV shows, nakapirma kayo ng contract at nag world tour pa kayo.
Huli niyong destinasyon ang bansa natin, pagkatapos kasi raw noon ay magpapahinga kayo saglit para makapagsulat ng bagong kanta at mailabas ang bagong album niyo pagkatapos ng tatlong buwan.
Nung malaman kong magwoworld tour kayo ay agad kong inipon ang baon ko, madalas bibili lang ako ng anim na pisong biscuit para may laman ang tiyan ko kahit konti at hihingi nalang ng maraming tubig sa canteen para mabusog ako.
Hindi ko ininda ang gutom dahil inisip ko na para sa iyo yun, para makita at mayakap kita, pinaghandaan ko ang VIP ticket niyo tinaasan ko na ang expectation ko sa maaring presyo ng ticket para handa ako.
Dumating ang araw na hinihintay ko bentahan noon ng ticket niyo, gabi palang ay pumila na ako dahil alam kong dadagsain iyon ng mga fangirls niyo na gaya ko.
Apat na babae ang nauna sa akin sa pila ayos lang dahil panlima ako panigurado naman ay hindi nila kayang pakyawin ang mga VIP tickets hindi ba?
P20,000 ang halaga ng isang VIP ticket buti nalang at nakaipon ako ng P32,457.50 tandang tanda ko pa pati yung P7.50 na butal.
Ngiting ngiti ako nung araw na inirelease ang ticket prices ang buong akala ko kasi ay kukulangin ako dahil sabi ko dapat makaipon ako ng P40,000 para may sobra akong pang gas at pagkain. Ayoko kasing iasa sa magulang ko lahat alam kong medyo short rin sila at maraming pinoproblema.
Anlaki ng ipinayat ko mula nung magsimula akong mag ipon madalas akong nalilipasan ng gutom kahit hapunan ay bihira akong makakain dahil pagdating ko sa bahay ng alas cinco pagod at nghihina na ako at nakakatulog magigising ako sa tunog ng alarm ko at maswerte na kung makapag-almusal pa ako.
Sabi ko pa noon na eto na iyon, ito na ang pakakataon na makita kita ng malapitan.
Agad akong tinanong ng babaeng kahera kung anong ticket raw ang bibilhin ko, agad akong napangiti dahil naisip ko nanaman na sobrang lapit ko sa iyo.
"VIP po ate." sagot ko sa babae.
Ngumiti siya at sinabi ang halagang dapat kong bayaran, agad ko naman ibinigay ang pera at inilahad niya sa akin ang VIP ticket na nakasobre.
Muli akong napangiti ito na iyon, sa wakas matapos ang paghihirap, at pagtitiis makikita narin kita.
Nagselfie pa ako noon na hawak ang ticket at iniupload sa mga social media accounts ko binaha ako ng comments at likes ani nila'y napakaswerte ko raw at i-Hi ko raw sila sa iyo at sa banda mo.
BINABASA MO ANG
Heartache on the Bigscreen (Complete)
Short StoryA tragic story starring you and me.