2

17 0 0
                                    


"Hi! How are you? :)" unang text mo sakin non.

"Sino to?" Sagot ko

Di nagtagal at sumagot ka ulit "Luke :)" maikling sagot mo.

Akala ko non ay di ka na mag tetext dahil di na ako nag reply, ano ba naman kasi ang irereply ko? Pinatay mo yung convo.

Pero malipas ang ilang minuto tumunog ang cellphone ko, hindi ko pa pala nasave ang number mo kaya nagtaka pa ako kung sino ang tumawag na iyon.

Sinagot ko ang tawag malipas ang ilang paulit mo ng tawag

"Hello?"

"Hey!" Malambing na sabi mo.

Kumunot ang noo ko "Sino to?" Tanong kong muli sa iyo.

Marahil inis ka sa akin ng mga panahong iyon dahil narin sa paulit kong pag tanong "Hello?"

Sa halip na sagot ang marinig ko ay tunog ng gitara ang nagsilbing sagot sa akin

'She sleeps alone.
My heart wants to come home.
I wish I was, I wish I was beside you.
She lies awake.
I'm trying to find the words to say.
I wish I was, I wish I was beside you.'

Pagkanta mo, sobrang kilig ang naramdaman ko non pakiramdam ko ay napakaespesyal kong fan hindi pa kasi nailabas yung kinanta mo.

"Maganda ba?" Tanong mo

Nakangiting tumango ako na parang nakikita mo, ng maalala kong hindi mo ako nakikita agad akong sumagot "ah.. Oo sobra." kinakabahang sagot ko.

"Parang napilitan ka lang." malungkot na sabi mo.

"H-Hindi ano k-kasi-" agad mo ako g pinutol

"Joke lang, relax." tumawa ka pa non.
"Kelan tayo pwede magkita ulit?" pagtatanong mo.

Nanlaki ang mata ko, seryoso ka pala na gusto mo ako makita muli.

"Natahimik ka na jan?"

"Ha? Ah! Ano yun?"

"Sabi ko kelan ka pwede gusto mo dito sa studio namin? Pwede ka ba pumunta dito? Sunduin kita jan." Agad agad?

"N-ngayon?"

"Ikaw, kelan mo ba gusto?"

Totoo ba talaga to?

"May check-up ako mamayang konti, pwede naman siguro pagkatapos nun." sagot ko.

"B-bakit? May sakit ka? Are you okay?" Nagaalala mong pagtatanong.

Simple lang ang tanong mo pero grabeng kilig ang idinulot non sa akin, pakiramdam ko ay nag aalala ka sakin.

"Hindi, ano kasi bago yung concert niyo na confine ako, kelangan lang i-check-up ulit." sagot ko

"Bakit ka na confine?"

Nag alangan pa ako sabihin sayo non na dahil sa pag gutom ko para sa concert niyo ang dahilan pero ayoko naman mag sinungaling.

"Ano, kasi ahhh... paano ba? Kasi nakakalimutan ko mag tanghalian at mag hapunan dahil nag iipon ako para sa concert niyo eh. Hehe."

"What!?" Galit na sigaw mo. "Ginutom mo ang sarili mo para sa ticket?"

"Hindi, hindi para sa ticket. para sa inyo."

Bumuntong hininga ka non "Sana nameet kita bago ang concert para nakapasok ka ng hindi nagbabayad, wag ka na ulit mag papagutom para sa ticket ha!" Pagalit mo sakin non "Hayaan mo lagi kitang bubusugin sa pagkain at pagmamahal."

Pagmamahal.

Pagmamahal.

Paulit ulit na nagplay sa utak ko yon.

Tumawa ka nung hindi ako sumagot "ok ka lang ba?"

"Ha? Ah! Oo."

"Saang ospital ka? At anong oras matatapos ang check-up?"

"St.Luke's lang mga 1:30 siguro tapos na yon."

"Aright see you later then. kumain ka muna bago ka umalis wag ka magpapalipas ha."

Kung sila ay abot tenga ang ngiti ako abot anit na ata punit na punit na ang labi ko sa pagngiti "opo" sagot ko sayo non.

At gaya ng sabi mo sinundo mo ako at nagpunta tayo sa studio niyo, pagdating natin doon apat na mesang bilog ang puno ng pagkain sabi mo non kailangan ko yong ubusin lahat buti at hindi ka naman seryoso pero maya't maya mo ako pinipilit kumain.

Araw araw natin nakasanayan ang gawaing iyon sa loob ng tatlong buwan, inilabas ang album niyo at naging busy nanaman kayo sa album signing sa iba't ibang lugar.

Lagi mo akong kinakamusta at lagi tinatawagan lagi mong sinasabi na namimiss mo na ako at sana kasama mo ako sa ma pinupuntahan niyo.

Isang araw nagkaron kayo ng isang linggong pahinga at niyaya mo akong mag beach pumayag ako ang hindi ko alam ay sa araw rin na ayon ay tatanongin mo ako kung pwede kang manligaw at sino ba ako para hindi pumayag? Ang lalaking pinapangarap ko liligawan ako? Nanaginip ba ako?

Pero hindi araw araw mo akong sinuyo noon isang taon ang lumipas birthday mo, inimbitahan mo ako sa maliit na salo salo sa bahay mo andoon ang banda at ang pamilya mo.

Wala akong maisip na mairegalo sayo kaya bumili ako ng electric guitar at pinaukitan iyon ng pangalan mo.

Pero bukod doon wala na akong maisip na ibigay saiyo bukod sa sagot ko, matagal ka rin nag hintay at masasabi kong matyaga ka para mag intay ng isang taon.

Ng gabing iyon sa terrace niyo niyakap mo ako mula sa likod sabay tayong tumingin sa bituin

"Ang ganda no?" Sabi mo.

Tumango ako at ngumiti.

"Kailan mo ba ako sasagutin? Hindi kita minamadali gusto ko lang naman malaman." naaalangang sabi mo noon.

Napangiti ako dahil alam kong kinakabahan ka sa maaring sagot ko "Ngayon." maikling sagot ko na marahil ay hindi mo agad naintindihan.

"N-Ngayon?" Nauutal mong tanong.

Humarap ako sayo at ngumitin. "Ngayon kita sasagutin. Happy Birthday Penguin."

Ngumiti ka at sa ngiti mong iyon masasabi kong mahal mo talaga ako.

"Mahal na Mahal kita. hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya."

Hinawakan mo ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako. isang malalim na halik, halik na nakakabaliw.

Dati inaasam ko lang na makita at mayakap ka pero ngayon hindi lang ako basta fan mo girlfriend mo pa.

Ano ba ang nagawa kong sobrang ganda para mabiyayaan ng ganito?

Tanong ko pa noon sa sarili ko.

Tumagal tayo isa, dalawa, tatlong taon ang lumipas at nanatiling matatag ang relasyon natin.

Siguro dahil wala naman kasing nakakaalam tungkol sa akin bukod sa pamilya at kabanda mo.

Ang sabi mo noon gugulo lang pag nalaman ng lahat ang tungkol sa atin at ayaw mo dahil iniisip mo na hindi ko kakayanin at iiwan kita.

Dumating ang panahon na maraming mga babaeng nililink sayo pero agad mo akong tinatawagan at sinasabing walang katotohan yon dahil mahal mo ako.

Naniwala ako sayo.

Naniwala akong mahal mo ako.

Naniwala akong minahal mo ako.

---------------

Heartache on the Bigscreen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon