It is my first day in COLLEGE. I'm not that excited kasi sabi nila mahirap daw ang college, di raw siya kagaya ng high school na chill lang, di pwede yung lagi kang absent kasi anytime pwede kang ma drop. I decided to study in Twilo Academy, taking up BACHELOR OF SCIENCE IN BUSINESS ADMINISTRATION.
Tinignan ko ang schedule ko, sheems. Buti na lang sa 2nd floor lang ang klase ko ngayon. Umakyat na ako papuntang second floor, nahirapan din ako sa paghahanap ng classroom, buti na lang may nakapag turo sakin. Pagpasok ko ng classroom, nabigla ako kasi lahat sila naka tingin sakin. Yung feeling na parang may pinatay ka. Tsss."Ahm, sorry for being late maam." Nakayuko kong sabi sa guro.
"Dahil ikaw ang huling pumasok, ikaw ang mauunang mag introduce nang sarili mo." Teacher.
Shocks!. Bakit ba kasi na late ako. NO CHOICE mga bregs. May format pa talaga ang pagpapakilala, dapat name, age, complete address, saan grumaduate at kung anong gusto mong itawag sayo. Jusko hassle di ba pweding Name lang okay na? Yun naman diba ang mahalaga? Pumunta ako agad sa harapan at nagpakilala.
"Good Morning everyone, by the way I'm Marico Ianna Chance Alva, I'm sixteen. I live in Block 48, lot 4, B VILLAGE. I graduated in San Pedro College. Mas gusto kong tinatawag akong MICA than anybodyelse. Thank You. " pagkatapos nun ay naglakad na ako pabalik sa upuan ko. Pero napansin kong yung iba nag bubulungan na tapos yung iba tinitignan ako taas baba. Na co-concious na tuloy ako kung may dumi ba sa mukha ko o sadyang pangit lang ako. TSS!
Yun lang ginawa namin in one hour nagpakilala lang lahat. Okay na yun kesa sa first day of school eh mag lesson na agad.
Tatlong subject na rin yung napasukan ko sa half day. At isa lang ginawa namin , ang walang katapusang pagpapakilala. Tsk. Vacant ko ngayon, 3hrs. After nun wala na akong klase. I decided na pumunta na lang ng cafeteria para maka kain na nang lunch. Swerte pag dating ko sa cafeteria wala masyadong tao. Late na rin kasi.
Bumili na ako ng makakain ko saka umupo sa pinaka gilid ng cafeteria. Nilantakan ko na ang pagkain at sinalampak ang earphones sa aking tainga.
"BULAGA!"
"AY BUTIKI!" Sigaw ko dahil sa pagkakagulat. Nakita ko ring nakatingin na sakin lahat ng nasa cafeteria. Napahawak na lang ako sa bibig ko at naupo.
"Bakit ka ba nang gugulat?" Naiinis na tanong ko kay Jirah.
"Bakit bawal ka na bang gulatin?" Naka pout na tanong nito.
"Di naman pero alam mo naman dibang pangit yung expression ko kapag nagugulat. " sabay irap sa kanya.
Di na lang siya nag salita bagkus ay pumunta na sa counter para mamili ng kakainin niya.
Childhood brstfriend ko si Jirah De Vera. Magkapit-bahay lang kami. Magka sosyo kasi ang magulang namin sa isang business. Kaya madalas pag umaalis ang parents namin sa isang business trip kami ang magkasama.
"Mica, next week na raw agad ang acquantance party? May isusuot ka na ba?' Excited niyang tanong. Naku kahit kelan di talaga nahuhuli sa balita tong si Jirah.
"Agad agad? Wala pa eh. Parang ayaw kong pumunta." Bored kong sagot.
"Ano ba naman yan Mica, a-attend tayo sa ayaw at sa gusto mo. Natawagan ko na si Tita, ipinaalam na kita na bibili tayo nang damit mamaya para sa acquiantance. " Jirah. Tsss. Wala na, wala na akong magagawa pag si Mama at si Jirah na ang nagkasundo.
Di na lang ako umimik. Tinapos ko na ang kinakain ko saka tinignan ang cellphone ko.
1 MESSAGE RECIEVE.