KNOWING HIS REAL NAME
Kinabukasan nagising na lang ako dahil sa naghahaplos ng buhok ko. Idinilat ko ang mata ko at tinignan kung sinong nang iistorbo sa tulog ko.
"Good morning Baby" bati sakin ng Mommy ko. Habang hinahaplos ang buhok ko.
"Mom! Diba sabing I have grown up. I'm not a baby anymore." Can they just accept the fact that I'm a big girl now. Pabebe si Mama ah.
"But you're still our baby girl. Nung bata ka nga gusto mo nang bini-baby ka. Tapos ngayon ayaw mo na? Di ka pa naman matanda ah. Baby ka pa din." Naka smirk na sabi ni Mama. Hays! Trip ba talaga niyang inisin ako. ? O nagpapalambing lang din?
"Okay ma. Here’s our deal. Dapat dito niyo lang ako sa bahay bini-baby. Pag sa labas ng bahay ayoko na bini-baby niyo ako. " eh kasi naman nakakahiya.
"Bakit baby, may boyfriend ka na ba kaya ayaw mong bini-baby ka namin?" For pete's sake! Pag ganun may boyfriend agad?
"Ma, wala. Wala akong boyfriend. OKAY?" I said in a calm voice.
"Well, rise and shine baby. It's already 7:45am. Ano oras pasok mo?" Ow my gawd! 8:00am klase ko. Hinalikan ko na sa pisngi si Mommy and then tumakbo na ako sa banyo.
"See you sa dining room baby." Sigaw ni mama sa labas tapos umalis na ng kwarto ko.
Grabeee! Yung feeling na ang bilis kong naligo.. Parang wisik-wisik lang yung ginawa ko. Nagbihis na ako agad. Sinuot ko ang isang plain white t-shirt, ripped jeans and my black and white vans shoes. Nilugay ko lang yung buhok ko naglagay ng powder at konting lip tint atsaka hinablot ang bag ko. Pag tingin ko sa wall clock ko 7:52am na. Agad na akong bumaba para makapag breakfast saglit. Pagbaba ko naabutan ko sina mama na naka upo na.
"Good morning Dad." sabay halik sa pisngi niya.
"Let's eat, I know you're getting late now." Kalmadong sabi ni Papa.
Mabilis lang yung pagkain ko, muntik na nga akong mabilaukan eh. Sinaway naman ako ng mommy ko. Actually okay lang namang late eh, kasi sa rules may extension na 15minutes bago ka ma consider na absent.
Sabay sabay kaming natapos. Sabay nga raw pala kaming tatlo ngayon. Di naman ako makatanggi. Himala nga eh, ihahatid ako ng magulang ko.:)
"Mom, Dad its going late. Tara na !" Natataranta na ako. Ayoko pa namang ma-late.
Agad naman pinaharurot ni Daddy ang sasakyan papuntang school. Astig din ni Dad eh. Nakapasok ang sasakyan namin sa school. 8:00am exactly na nung nakapasok ang car namin sa campus. Sinabi ko naman kasi sakanila na sa gate na lang ako pero mapilit eh. Hahatid daw nila ako hanggang sa building ko.
Pinagbuksan ako ng pinto ni papa bago bumaba. I mouthed him Thank You and hugged him.
"Wag ka munang mag boyfriend ha. Focus ka sa studies mo. Pag nagka boyfriend ko bubogbogin ko talaga yun." seryosong sabi ni dad.
"Okay dad. Ma le-late na po ako. I have to go! Bye dad, bye mom!" Yun lang tapos naglakad na ako papuntang classroom.
Pagpasok ko sa room wala pa naman yung teacher napa sigh ako dahil akala ko late na ako.
"Good Morning! ” nagulat ako kasi biglang may nagsalita. Di pa nga kasi lubusang naka pasok nagsalita agad. Hihimatayin ata ako sa gulat!
“I'm Ms. Zoey Travilla. And I am your psychology teacher. " naka ngiti niyang sabi. Bata pa naman si Maam di kagaya nung sa Rizal subject. Hahaha. Siguro naman sabay sa uso si Maam and not that terror.
Isang oras din kaming nag tanungan lang about sa concern sa subject or tanong about kay maam pagkatapos nun eh dinismiss niya kami ng maaga. Nilingon ko si Jirah, late kasi siya kaya di kami magkatabi ngayon.
"Tara sa cafeteria." Yaya ko sa kanya. Tumango naman siya.
"Be, nakita ko na si Miguel kanina. Ang gwapo talaga niya. Divided pa yung chin. Sheemay!" Eto nanaman si Jirah.
"Mas gwapo pa din si Sir Ryan." Sabi ko.
"Ahahahahaahahahaha." Ano nakain nito? Tawa pa!
"Bakit?" Curious kong tanong. Tawa pa din siya ng tawa. Aghhh nakakainis na!
"Ubosin mo muna tawa mo bago ka magsalita kung ayaw mong palamon ko sayo lahat ng bato dito, matigil ka lang sa pag tawa." Pagtataray ko.
Nakarating na man lang kami sa cafeteria tawa pa din siya ng tawa. Hinayaan ko na lang siyang maupo sa gilid tapos dumiretso na ako para makabili ng pagkain. Tss. baliw na talaga siya. Poor Jirah.
"Be, yung sinasabi mo kasing gwapo, yung sir Ryan na sinasabi mo. Di Ryan ang name niya." Whut?? All this time di pala Ryan ang name niya? Geshh. Nag status pa naman ako ng name niya.
"So what's his name?" Tanong ko.
" His name was EJ Go. Yung Ryan na sinsabi mo, yun yung name ng dean natin." Tawa siya ulit. Aghhh. Di ko na lang pinansin. Kinain ko na lang yung pizza na inorder ko.
All this time mali yung name na alam ko. What the!? Inistatus ko pa, mali pala. Tsk. Better delete that one. Kaya naman in-open ko ang account ko and tinignan yung status ko na name niya. But wait may mga comments. Basahin ko muna.
Jirah DV: Hahaha. <3
Martha Chance Alva: Hmm. Baby!!!
Ian Jordan Alva: it seems like you have a boyfriend. Honey what’s this all about? Tell me who’s this.
Yan yung mga comments. Hahaha. Natatawa na lang ako. Pero binura ko na yung status ko.
Tawa pa din ng tawa sakin si Jirah. LECHEFLAN, mabulunan ka sana.Pagkatapos namin sa cafeteria, nag aya naman si Jirah pumunta kung saan. Nakita ko na rin yung about sa acquiantance party na naka paskil sa BBoard. Everyone seems so excited. AND IMMA excited too kasi I have heard na sasayaw daw ang faculty members and staff. WOOOW! Sir EJ. HAHAHAHAHA
"Mica, pwede mag share nagmumukha kang aso sa ngiti mo." Yung totoo. Itong mukhang to? Siya, siya yung aso. wahaahahha
"Wala may naalalala lang" pagsisinungaling ko.
She never bothered me about that. Kaya ayun nagkanyakanya kami ng mundo hahahaha.
……………
Natapos ang klase ko 7:30pm. Pagkatapos nun umuwi na ako Napagod din kasi ako. Nauna na ako kay Jirah. Tinawagan ko na agad yung driver namin tapos mga ilang minuto dumating naman siya."Manong, diretso na po sa bahay." Kalmado kong sabi.
Tinahak na namin ang daan papuntang bahay. Pagdating ko sa bahay wala pa sina mommy and daddy. Baka di naman umuwi yung mga iyon. Grabe sobrang gustong-gusto nang mahiga ng katawan ko. Kaya naman pag dating ko sa bahay tinapon ko na lang kung saan yung bag ko saka nahiga sa kama.
"EJ GO huh!"
----------