Acquiantance Party.
Late akong nagising ngayon. Late na din kasi ako natulog kakahanap ko sa account ni Sir Ej. It’s 10:25am na kaya naman naligo na ako. Mamayang 6pm pa naman yung Party sa school eh kaya okay lang na late akong nagising.
“Mica! Kain ka na. Di ka nanaman ng Dinner kagabi. Naku mapapagalitan kami ni Madam niyan.” Ito nanaman sa pagka O.A si Yaya.
Kaya naman bumaba na ako upang makakain. Daming sermon ni yaya pero di ko na lang pinansin kumain na lang ako, dinamihan ko kasi utos ni Yaya. Sarap din naman talaga kasi ng luto ni Nanay Brelen.
“Ah ya! Si nanay Belen?” I asked.
“Nandun sa kitchen.” Sagot ni yaya habang nililigpit ang pinagkainan ko.
“Nanay B---- Waaahhhhhhhh!!!!” Si Ate Yna nandito.
“Ate Yna!!!” sabay yakap ng mahigpit.
“Uy! Dalaga na ah. Kamusta ka na?” Ate Yna.
“Chokey ako ate Yna. Ikaw ba? Kamusta na kayo ni Kuya Angelo?” Ako.
Inaya ko si Ate Yna sa Entertainment Room. Dun kasi kami mahilig mag usap nun. Soundproof kasi yun kaya kahit anong pag usapan namin eh walang makakarinig.
“Ate namiss kita sobra.” Yakap ulit sa kanya. It’s been 1 and half years since the last time I saw her. Di naman kasi namin ini-expect na anak pala siya ni Ms. Amor Powers na kasosyo ni Daddy. Sobrang tragic din ng life ni ate pero dahil sa tapang niya at tatag ng pagmamahalan nila ni Kuya Angelo eh nalagpasan nila yung mga obstacles and difficulties sa buhay nila.
“Okay naman kami. And guess what? Open na ulit ang Casa Corazon. Punta kayo ha sa grand re-opening. Next week na yun.” Ate Yna.
“Sure. Pero baka di makarating sina Mom and Dad nasa Japan sila eh.” Ako.
Madami pa kaming pinagusapan ni Ate Yna. Sa sobrang tagal at rami di namin namalayang 2:45pm na.
“Acquiantance party mo pala. Sino mag aayus sa’yo?” Ate Yna.
“Ahm, meron ng na hire si Mama na make up artist ate. Inaantay na daw ako sa SR. Mauna na ako ate.” Paalam ko.
Tumango naman siya. Pumunta agad ako ng SR, ready na lahat ng gamit ako na lang yung inaantay. Umupo na agad ako.
“Anong oras ba yung Party hija?” Mr. Jamih este Ms. daw sabi niya.
“6:00pm po.” Sagot ko.
“Ahm, wag po masyadong makapal ang make up ha. Gusto ko po yung simple lang pero elegant.” Suggest ko.
“Ah, btw! Asan ba isusuot mo? Para ma bagay sa make up mo.”
“Dalawa po yung choices ko eh. Ano po bang mas bagay sakin? Sabay turo sa mga damit ko na pinamili.”
“Ahm. Mas bagay sa’yo yung floral color Yellow.” Ahm. Dun ko napag desisyunan na yun ang susuotin.
………………
It’s already 5:15 in the afternoon. Sobrang tagal din kasi akong inayusan. Sabi naman kasi kay Ms. Jamih na kahit wag na bongga. Magbibihis na lang ako sa kwarto, pero bago yun selfie muna.
*Click* *Click* *Click*
Uy. Ang Ganda ko ngayon. Hahahaha. Wag kayong papalag upakan ko kayo.
Kriiiiiiinnggggggggg Kriiiiiiinnggggggggg Kriiiiiiinnggggggggg
Feel ko si Jirah to eh. At baam! Siya nga. Di naman siya excited noh?