Lumipas ang isang linggo, hindi pinapansin ni James si Nicole. Kahit anong gawing pagpapansin niya ay hindi parin siya kinakausap. Isang araw, lumapit na mismo si Nicole ng harapan at kinausap si James: "James! Ba't ba ayaw mo mamansin? Tawag ako ng tawag sayo pero dinedma mo lang ako. Nagpapansin na nga ako pero wala pa din. May nagawa ba ko?" tanong ni Nicole kay James. Sumagot si James: "Ayoko na ng gulo, ilang beses na ako binubully ni Mark. Hindi ko lang masabi. Ayaw din naman kita masangkot o masama sa away.". Nagalit si Nicole at sinabi na "Akala ko... Akala ko talaga na kahit mahiyain ka man o tahimik, matapang ka. Ganun mo na lang isusuko yung pagkakaibigan natin?" At pagkatapos ng sinabi ni Nicole, umalis na siya. Gayun din si James na bumalik sa room. Lumapit si Mark kay James, "Ano! Masaya ka na! Na nagaway kami! Na, na tinakwil ko na ang pagkakaibigan namin? Ayoko na ayoko na! Hindi na ako magpapatalo ngayon!" Sigaw ni James kay Mark. Nagalit si Mark at biglang hinawakan ng madiin ang kwelyo ni James pero tinulak ni James si Mark, hinubad niya ang salamin niya at dinurog niya sa pamamagitan ng kamay lang niya. "Salamat, nakapagisip na ako, hindi na ako magpapaapi sayo!"
- To be continued!!
BINABASA MO ANG
[Ongoing] Advent Love! (Republished)
DragosteIsang mahiyain at tahimik na lalake ay nagkakagusto sa isang famous na babae. Pumayag kaya ang tadhana na maging sila kahit opposite ang katangian nila?