Bagong araw na naman. Pag pasok ni James sa room niya, nagulat na lang siya dahil tinawag ni Mark ang pangalan niya. Nilapitan nila Mark at ang mga kabarkada niya si James: "Hoy! Kanina hinahanap ka ni Nicole! Eh ano ba ang sabi ko sayo? Ha! G*go ka pala eh ha! Humanda ka samin mamaya!". Takot na takot na umupo si James sa upuan niya. Pagkatapos ng pangyayari na yon, nagsimula na ang klase. *nag ring ang bell*. Lunch na non, lahat nagsilabasan na pero si James ay nakaupo pa rin sa kanyang upuan. "A-anong gagawin ko?! Baka kung anong gawin sakin ni Mark at yung mga kasamahan niya mamaya? Naku!" tanong ni James sa sarili. Lumabas si James at pumunta sa canteen. Nakita niya si Nicole na nagaantay sa table kung saan sila nagkwentuhan kahapon. "James! Andito ko!" sigaw ni Nicole. Lumingon na lang si James at umalis. Sinundan ni Nicole ngunit patago. Nung dala dala na ni James ang binili niyang lunch, bigla siyang tinulak ng isa sa kasamahan ni Mark. Napaupo sa putikan si James: "Aray!", yun na lang ang laging sinasabi ni James, wala siyang magawa. Tumakbo si Nicole at pinagsusuntok si Mark at ang iba pa niyang kasamahan. Tumakbo na lang sila Mark at ang mga kabarkada niya papalayo sa kanila. Nung nakita ni Nicole si James: "Jusko James! Ano nangyari sayo? Bugbug na bugbog ka. Kelangan ireport natin sila sa principal!". Tumayo si James at sinabi kay Nicole: "Ang galing mo pala mag martial arts eh, b-buti ka pa." *nagring na ang bell* Bigla na lang na tumakbo si James na parang ayaw na niya kay Nicole pabalik aa classroom.
-To be Continued
BINABASA MO ANG
[Ongoing] Advent Love! (Republished)
Storie d'amoreIsang mahiyain at tahimik na lalake ay nagkakagusto sa isang famous na babae. Pumayag kaya ang tadhana na maging sila kahit opposite ang katangian nila?