I couldn't stop thinking about it for days.
Nakakabanas lang. Because it's already been a week! Yet I can still fully remember everything. From the way he approached me and how he made me feel better. Hindi ko akalain na kung sino pa 'yung hindi ko kilala, siya pa 'tong kusang tutulong sakin. Ang laki tuloy ng pasasalamat ko sa kanya.
Grabe. Ang bait-bait niya. Tapos 'yung boses niya pa ang lalim! He even has a British accent. Ang tangkad niya pa. Tantya ko mga 5'10 siguro 'yung height niya. Marahil ay hanggang balikat niya lang ako, oh my gosh...
Ang landi-landi mo Trisha!
I can't believe that I think of him this way. Or of a guy, at that matter. Kasi hindi naman talaga ako 'yung tipo na nag-iisip tungkol sa mga lalaki eh! Maliban na lamang kung fictional o 'di kaya celebrity. This is actually a first for me. Nakakahiya tuloy! Ugh.
I don't even know the guy very well!
Tanging pangalan niya lang 'yung pinanghahawakan ko. And it's not even a full name to begin with! It's just Troy. Beyond that, I know nothing else. As in, wala na talaga. Nada.
Hindi rin ako sigurado kung senior nga ba talaga siya. I was just making a wild guess. Who knows? Baka same level lang pala kami.
Paano rin naman kung mali pala 'yung naging impression ko sa kanya? Paano kung masama pala talaga 'yung ugali niya? Though I highly doubt that, I admit there's still a chance. There's many possibilities, anyway. Mahirap mag-conclude kaagad. It's not like we're personally acquainted with each other, so I can't really tell.
Looking back to what happened, mukha siguro akong tanga nun. Having a breakdown because of academics. I wonder, ano kayang naging impression niya sakin? Di na ko magtataka kung maweirduhan man siya. I've always been a bit strange anyway. I tend to overthink about most things. Pabagu-bago pa 'yung mood ko. One moment, I'm happy. The next, hindi na. I always have my reasons, though. Hindi naman ako 'yung basta-basta na lang magmumukmok nang dahil lang sa wala.
"Wag ka nang umiyak, ha? See you around, Trisha Joy." His deep yet gentle voice resonates in my mind. Hay nako. Why do I find a stranger's voice so oddly comforting?
Troy. Troy. Troy. I squeezed my eyes shut, repeating his name in my mind like a mantra. I really like the sound of his name, napaka-masculine ng dating niya. Ewan ko ba, hay.
Naka-ilang buntong hininga na nga ba ko ngayong araw? Nakakaloka.
"HUY!" I almost jumped from my seat when Erika suddenly yelled in my ear. Her voice brought me back to reality. Naalala kong nasa canteen nga pala ako ngayon.
"What?" I asked her.
"Kanina ka pa nakatutunga d'yan, dude. 10 minutes na lang bago mag time! Ubusin mo na 'yang pagkain mo oh." Napatingin ako sa platong nasa harapan ko. Oh, right. I was supposed to be having my lunch.
Pinagpatuloy ko na yung pagkain at medyo binilisan ko na rin. Enough of thinking about him! Awat na muna. Kanina pa natapos si Erika kaya abala na lang siya ngayon sa pagba-browse ng notes niya.
She's my biological cousin, best friend, classmate, and confidante. Basically the sister I've never had. We've been almost inseparable ever since we were young. We had a lot of things in common, thus we really got along.