Chapter 6

222 1 0
                                    


"Am I doing this right?" Nakangusong tanong niya habang iminumuwestra 'yung mga steps. Para bang puno siya ng pag-aalinlangan sa bawat paggalaw niya.

Wala namang mali sa actions o timing niya kaso hindi ko pa rin mapigilang hindi mapatawa. Damn. Ang awkward niyang tignan! Halatang di siya sanay sumayaw. He's too stiff, but of course I'm not that harsh to say that out loud.

Nang marinig niya 'yung pagtawa ko ay kumunot 'yung noo niya. Napatigil siya sa pagsayaw, kaya tuloy bigla akong natauhan. Medyo naguilty ako dun ah?

"Yes! Don't worry. You're doing great." Nag-thumbs up ako to make him feel better.

"You think so?" He doesn't seem convinced. Para siyang batang nanghihingi ng assurance. Aw, ang cute!

Halos mapa-facepalm ako sa sarili ko nun. What the heck, Trisha? Really? Cute talaga?

"Yes!" I shouldn't have laughed, alright. Masyado lang ako nagpadala kanina kaya hindi ako nakapagpigil. It's my fault. He's trying his best here and it's not like I'm a professional dancer or anything to begin with, so I don't think I have the right to mock him. Nag-eeffort lang din naman 'yung tao eh. And I highly appreciate that. Ni hindi niya nga ko binigyan ng sakit ng ulo, e.

"Anyway, thank you. None of this would be possible without your help." He grinned. Teka, kanina pa ko nabobother dito ah! Bakit ba parang napaka well-mannered ng lalaking 'to? Hay, hindi ako sanay!

Siguro nga masyado na kong naexpose sa mga kuya ko na walang ibang ginawa kundi bwisitin at paiyakin ako. Nakakapanibago tuloy.

Nasa mindset ko na kasi na extinct na yung mga lalaking matitino. And now that I actually met one, nakaka-amaze! Para bang... naalala ko 'yung mga kinahuhumalingan kong fictional characters sa kanya?

Pfft! So does that mean pati siya kinahuhumalingan mo na rin? Umayos ka nga, Trisha. This isn't the right time for that.

Sobrang naghahapit na kaya kami para sa preparations! Maski nga airconditioned na 'yung room, pinagpapawisan pa rin ako. Simpleng sayaw lang naman 'yung kailangan kong ituro kay Troy, kaso syempre 'pag paulit-ulit na at halos wala ring kasamang break, nakakapagod na rin.

"I'll be right back. Wait." Troy said before walking away. Napag-isipan kong umupo muna saglit para pahirin 'yung pawis ko. I was trying to catch my breath. Grabe, para na kong napasabak sa marathon dito! I just wanna lie down and rest...

"Here, libre ko na." Nagulat ako nang bumalik kaagad si Troy. This time he was holding two bottles of water with him. Inaalok niya pa sakin 'yung isa. Oh my...

"T-Thank you." I suddenly felt the urge to scream. Nakakaloka! Hindi naman ako pwedeng magwala rito dahil masyadong agaw-atensyon. I opted to just weakly smash my head against my desk.

Ang labo. Hindi ko talaga maintindihan! Why does he have to be so kind and considerate? Nasaan ang hustisya?!

How come he's too good to be true?

Sa mga simpleng gestures niya pa lang kagaya nito, nao-overwhelm na ako. I know I shouldn't be making a big deal out of this, pero nakakamangha lang talaga! I can't believe this!

"Okay ka lang?" Tanong niya habang hinahampas ko pa rin 'yung ulo ko sa desk. Mukha nga siguro akong tanga rito. Natauhan na ako.

Pull your shits together, Trish. Parang awa!

I heaved a deep sigh. "Yup. Thanks." Tinanggap ko 'yung bottled water na inaalok niya at uminom mula roon.

I felt so relieved. Bless this man! Maya-maya rin ay ipinagpatuloy na namin ang pag-eensayo. Nakapili na rin kami ng kakantahin namin, which is Secret Love Song. It's a nice song, really. Sadyang nakakailang lang talaga siyang i-execute dahil dapat magmukha kaming head over heels sa isa't isa. Psh.

"Let's call this a day. You may return to your rooms." Sabi ng teacher. Whoa, bakit parang ang bilis? Hindi pa nga namin masyadong napapractice 'yung kanta ah!

Nagkatinginan naman kami ni Troy.

"Bitin." We both said at the same time. Pareho tuloy kaming napatawa. Heck, has it really been just a day? Ang kumportable na yata kaagad namin sa isa't isa.

At first, yeah. It was really awkward. But we easily got along. Sa bait ba naman ng lalaking 'to. Ang dali niya lang pakisamahan. Ako nga 'tong nacoconscious na baka mamaya ma-offend ko pa siya nang hindi namamalayan.

"Can we practice later after dismissal? There's a place I know, let's go there if it's okay with you." Alok niya.

"Ah, s-sige. Magpapaalam lang ako..." Kinuha ko muna 'yung phone sa bulsa ko para matext si Mama.

To: Mama
Ma may practice kami nung partner ko sa pageant... Hanggang 5 po ata.

Mabilis naman akong nakatanggap ng reply.

From: Mama
Aryt Trish. Mall muna ko, gud luck hihi

Napailing na lang ako. Tsk, si Mama talaga! Feeling bagets kung mag-text. Hay nako.

"Okay na. I'll just get my bag from the classroom."

"Sure. 'Dun na lang din tayo sa labas ng room niyo magkita. II-QL, right?"

"Yup. See you."

And with that, we took separate paths. Umakyat na siya papuntang fourth floor habang ako naman sa second floor. Dumiretso na ako sa room namin. Nandun pa yung karamihan ng classmates ko. Mukhang kakadismiss lang din sa kanila, kaya di pa lahat nakakalabas.

"Oh kamusta, Trish?" Nilapitan ako ni Erika.

"Ah, may practice pa kami nung partner ko mamaya. Kita na lang tayo sa bahay, beh." Inayos ko na yung mga gamit ko sa bag.

"As in kayong dalawa lang? Date, ganern?"

Ramdam ko yung pamumula ng pisngi ko. "Date ka d'yan! Practice nga sabi. Masyado ka namang malisyosong mag-isip."

"Eh, ba't ka nagb-blush? Ayieee! Luma-lablayp ka na ah. I'm so proud of you!" Magva-violent reaction na sana ako kaso inunahan niya na ko. "Hep hep hep! Mamaya mo na ko hampasin sa bahay. Good luck sa inyo! Gtg. Ahihihi!"

Iniwan na ko sa classroom ng lokaret. Nako! Lagot yan sakin mamaya. Aasarin ko rin siya. Hah!

Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko yung salitang date. Bwisit!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon