I went home that day sulking. Grabe talaga, hay! Nakakahiya. I regret my actions bigtime! Baka mamaya kung ano pang isipin niyang pinaggagagawa ko 'dun. He might've gotten the wrong idea. Sana nga dumiretso na lang pala ako ng pag-uwi. 'Yan kasi, Trisha, puro curiosity pa 'yung ipinapairal mo. Nasa huli nga naman ang pagsisisi.
Sumiksik ako sa kama ko at sumimangot. I just want to stay away and hide here for a very long time. Tsk. Hinigpitan ko pa 'yung pagkakayakap ko sa dalawa kong stuff toys: si Blueby atsaka si Britney.
Sa mga oras na 'to talaga, sila yung pinaka-maaasahan ko. Sila 'yung karamay ko sa tuwing nalulungkot o nadedepress ako.
Britney is a massive, hazel teddy bear. I consider her my shoulder to cry on. Habang si Blueby naman - well, as her name suggests, she's color blue. Medium sized lang siya, around 15 inches I think. And for the past few years, they're the ones who make me feel better. Dahil sa kanila, hindi ko kailanman naramdaman na nag-iisa ako. Too bad, they're not real.
Call me childish, but it's true! Kulang na nga lang ay mag-mistulan ng isang nursery 'tong kwarto ko. Puro ba naman posters ng Disney princesses, Hannah Montana, Spongebob, Frozen, at marami pang iba. Nakahilera rin 'yung mga stuff toys ko, though sila Blueby at Britney lang 'yung talagang katabi ko hanggang sa pagtulog. Sa katunayan nga, nandito pa yung mga laruan ko like kitchen set, cash register set, and the like.
Obviously, I don't use them anymore. Sa tanda ko ba namang 'to! Sadyang ayoko lang silang idispatya. Maliban kasi sa masyadong matrabaho, sayang din. Meron pa naman silang sentimental value sakin. Those things are so hard to let go. Nakakapanghinayang lang kasi.
Ikinabit ko 'yung earphones ko at ni-shuffle 'yung playlist ko. Music has always been my remedy (aside from my teddy bears, that is.) It effectively takes my mind away from things. Kung papipiliin nga siguro ako, perhaps I'll take up something related to music and performing arts pagdating ng College. If not, maybe I'll just follow my brothers and go for engineering. I'm not yet sure. I still have two years to finalize my decision, anyway.
"Smile, the worst is yet to come..." Napangiwi ako nang marinig 'yung lyrics nung tumutugtog na kanta. How comforting.
Lumipas ang ilang araw, gabi, at linggo. I can proudly say that I've stopped thinking about him already. Paminsan-minsan siguro, oo. But unlike my initial reaction, hindi na siya masyadong big deal sakin. Hindi na ako nagdadrama o nagmumukmok pa. Kumbaga ipinagkikibit-balikat ko na lamang siya. Bahala na lang.
Natural lang naman kasi sa ating lahat na magkaroon ng embarrassing moment diba? It's unavoidable, it's a part of life. We learn from it, and at the same time, move on. Hindi 'yung laging 'yun na lang ang iisipin natin.
"Good morning, class!" I was brought out of my trance when our adviser entered the room.
Our class stood up in unison and greeted her back, "Good morning Ma'am."
"Alright, you may take your seat." She paused as everyone settled down. "As you all know, the school's foundation week is rapidly approaching. We have many activities planned out, so ngayon pa lang mag-ready na kayo." She informed us.
Well, that's great. The more activities, the better. Pinaka-aabangan kasi ng mga estudyante yung foundation week: less hassle, chill lang tapos puro booth hopping lang ang aatupagin. May mga rides, contests, programs, at magiging bukas din 'yung school para sa mga outsiders. How I wish ganyan na lang palagi.