'Cheers!'Masayang bati ng dalawang doktor matapos ang halos dalawang taon na pag-aaral sa HZB o Zombism Virus..Pinagtuonan talaga nila ito ng mahabang panahon at pag iingat para manatiling sekreto...
Oo..napakalaking pera ang inilabas nila ng kanyang mga scientist na kasamahan para maging tagumpay ang proyektong ito.
At hindi sila nabigo..ngayon ay nasa harapan na nila ang pinaka asam asam na likidong babago sa kasaysayan ng mundo..
'I will be sending this next two days.Everyone is ready?' si Dr.Shemedrick kausap ang isang scientist na kasalukuyang nasa tagong lugar sa Mindanao.
'Okay,okay..See you soon' sabay putol sa tawag..
At sa huling pagkakataon ay muling sinuri ng dalawang lalaki ang mga maliliit na kapsula kung saan nakalagay ang mga kulay berdeng likido...
'One drop and it will change everything..It will make an animal hallucinate,delirious and in couple of minutes it will run to their veins and will transform them to an extraordinary worst creature ever..'
'hahahahahahhahaha'
September 23,2015
Frankfurt Airport,Germany
Kinausap na ni Dr.Shemedrick ang isa sa piloto para itago ang mga kapsula sa pinaka safe na taguan..At nabayaran na nya ito kaya mgagiging kampante sya habang nasa byahe na sya.
Hindi naman nakasama si Dr.Vulgari at susunod na lang daw dahil may aasikasuhin pa sya sa iba nyang negosyo..'Welcome on Board Flight ZO666 to Philippines.Our aircraft is under the command of Captain Driehch.He has informed me that our flying time will be approximately 18 hours.
Habang nagpapatuloy ang recording sa pagsasalita tungkol sa seatbelts,sa mga life vest ay ipinikit na ng doktor ang kanyang mata..
Hindi nya mapigilan ang emosyong na nasa kaloob looban nya.Na sa wakas ay dala na nya ang likidong magpapabago sa mundo at magpapasikat sa kanya..Ilang oras na lang ay gagawin na nila ang pag eekspereminto sa mga hayop.Handa na lahat ng mga gamit sa sekretong lab.Ang mga hayup na gagamitin at lahat lahat..
Ang talino nya..sa isip nya..Nag stopover ang eroplano sa Hongkong at matapos din ang ilang saglit ay nasa himpapawid na ito papuntang Pilipinas..
At lalapag din sa Valenzuela..Isang maliit na syudad sa Norteng Mindanao na napapalibutan ng gubat.
Mga tatlumpong minuto na lang,sa isip ni Dr.Shemedrick..
Ipinikit nya ang kanyang mga mata...at sinikap ibalik ang sarili sa.pagtulog ng biglang kumalampag ang eroplano..
Bumaba ito na sobrang bilis na syang ikinabigla ng mga tao.Nagsigawan ang lahat at umiiyak na..
Abala naman ang mga stewardess sa pagbibilin sa mga pasahero na mag life vest..
Ang lakas ng hangin at halos mabasag na ang mga bintana ng eroplano...
At ang nakapagtataka ay walang kahit anung salita sinabi ang piloto sa mga nangyayari..
Masyadong mabilis ang mga pangyayari at sa isang iglap ay dumausdos ang eroplano sa gubat.Nauna ang bibig kaya ang mga tao ay pumausdus din sa isat isa..
Duguan...hindi makagalaw..ang iba ay wala ng buhay..may naghihingalo kasama na si Dr.Shemedrick.
'No,no,no,no...It can't be...'
Takot na takot ang doktor sa mga susunod na mangyayari...Tiningnan nya ang mga tao...Gusto nyang tumayo para pigilan ang mangyayari pero wala syang lakas kahit igalaw ang mga kamay..
'Im sorry..I'm sorry..'
Napaiyak sya sa takot at humingi ng tawad sa mga taong nakikita nya..At dumating ang kinatatakutan ng doktor..
Kitang kita nya ang kulay berdeng likido na dumadaloy papunta sa mga tao...
'No,No Nooooooo...'
Hagulhul ng doktor...Tumulo na lang ang luha nya dahil hindi sya makapaniwala sa mga pangyayari..
Alam na alam nya ang mangyayari....
BINABASA MO ANG
FLIGHT ZO666
HorrorHalos dalawang taon pinag gugulan ni Dr.Shemedrick ang proyekto nila ng Kapartner na scientist na si Mr.Vulgari ang HZV o Zombism Virus. At sa wakas ay natapos din ito..Mag eeksperimento sila sa mga hayup sa tagong lugar sa Pilipinas kung saan naghi...