Agad na kumalat sa buong kabayanan ang nangyari sa may gubat ng Valenzuela.Hindi magkandaumayaw ang mga tao sa paktakbo parito paroon..Lahat ay umiiyak at hindi alam ang gagawin..
May nagtago sa pamamahay..
Nagtago sa mga tindahan sa Palengke.
Nagpapaharurut sa sasakyan para makalayo sa lugar at ang lahat ng kapulisan ay handa sa pagtugis ng sinasabing Zombies..Nagsidatingan ang mga sundalo,pulis,mga Soco para paulanan ng bala ang mga ito..
Nang sa balintataw nila ay nakita nila ang paparating na mga halimaw..
Bigla silang tinubuan ng takot sa nakita..May mga kabaro pa silang mga pulis na naging Zombie..
Hinanda nila ang mga granada..mga armas na panggyera..
Kitang kita sa dalawang mata nila ang papalapit na papalapit na mga Zombies.May mabilis maglakad,may mabagal..
May bali ang kamay..bali ang binti..bali ang ulo..pero sige pa rin sa paglakad at ilang hakbang na lang ay...
'Isa,Dalawa...FIRE!!!! Sigaw ng heneral.
Hindi magkandaumayaw ang ingay na dala ng nagpuputukang baril.Granada..Hindi tinigilan ng mga pulisya ang pagputok na may kung anung dalang galit sa dibdib..
Lumipas ang ilang minuto ay nakita nila na nagkalat ang mga katawan ng Zombies..
Bumaha ng dugo...
Natahimik ang lahat..
Sobrang hapong hapo at napaluhod lahat sa galak ng makitang tapos na ang lahat..
Nilapitan ng heneral ang isang Zombie na bali bali na ang buto..Hinala nya ay amerkano ito dahil sa taglay na taas,pangangatawan at kulay ng balat.. Sinipa sipa nya ang binti dahil gusto nyang makasigurong wala na ngang buhay ang halimaw..
Nang ilang ulit pa nyang sipain ay hindi na ito gumalaw,tumalikod na sya..
Nang di umanoy..
Biglang may humawak sa paa nya..
Nabigla ang heneral at hindi makabwelo dahil hindi sya makapaniwala na buhay pa ito..Agad syang dinamba ng Zombie at sa sobrang lakas ay napasigaw na lang sya..
Nahintakutan ang lahat sa nakita dahil lalapitan sana nila ang heneral ay dahan dahan na palang nagsitayuan ang lahat ng Zombie..
Kitang kita ng baguhang pulis na si SPO1 Angelito ang nangyari sa heneral na halos hindi na makilala sa mabilisang pagkain ng Zombie sa kaniya..
'Dyos ko,Anung klaseng mga halimaw ito..Hindi tinatablan ng bala..Paanu namin ito mapupuksa? Sabay tingin sa taas na tila kinakausap ang langit..
Nagkagulo na naman ang lahat... Putukan dito,putukan doon ang ginawa ng kanyang mga kasamahan..
Kitang kita din nya na marami rami na ang napatay nyang mga kabaro..Sobrang lakas ng mga halimaw at alam nya mauubos at mauubos sila..
At alam rin nya na sa susunod na mga minuto,ang mga kabaro din nya ay magiging mga halimaw na..'Patawad..' Kanyang nasambit habang unti unting umaatras at mabilisang pinuntahan ang kanyang motorsiklong nasa likod lamang..
Nilisan nya ang lugar na walang lingon lingon..At isa lang ang katanungan na namutawi sa isip nya..
'Saan ba sila nanggaling??
BINABASA MO ANG
FLIGHT ZO666
HorrorHalos dalawang taon pinag gugulan ni Dr.Shemedrick ang proyekto nila ng Kapartner na scientist na si Mr.Vulgari ang HZV o Zombism Virus. At sa wakas ay natapos din ito..Mag eeksperimento sila sa mga hayup sa tagong lugar sa Pilipinas kung saan naghi...